3

278 7 0
                                    


Elaine

"I-I mean, ye-yeah. I'm waiting the time,"

Kabadong sabi ko at mabilis na binaling ko agad ang atensyon sa bintina at lihim na napapamura dahil sa kahibangang pinagsasabi ko.

Fuck off Elaine!

"Good, mag-focus ka muna sa pag-aaral mo,"

"Yes po," lingon na sagot ko at mabilis na inalis ko agad ang atensyon ko sa kaniya.

"Saan ba tayo dito?"

Napatingin ako sa unahan at tiningnan kong mabuti nasa village na kami kung saan nakatira si, Cheska.

"Pasok po kayo diyan nong tapos kaliwa, then kanan may white na bahay sa unang kanto yun na po." Paliwanag ko na hindi ako tumitingin sa kaniya.

"Ok,"

Tiningnan ko lang siya sa gilid ng mata ko, hindi na ako nagsalita dahil baka kung ano-ano na naman ang lumabas sa bibig ko.

"Ok, nandito na tayo."

Pagtingin ko nakarating na nga kami at huminto na ang kotse ako na ang nagbukas agad ng pinto. Kinuha ko muna ang phone ko para tawagan si Cheska, dahil wala akong matanawan na tao sa loob marahil nasa likod sila.

Napalingon naman ako kay ninong na nasa gilid at nagsindi ng sigarilyo at pati yon ang lakas ng dating niya para sa akin para bang mas lalo siyang naging cool tingnan. Kahit pa malapit na siya mag-forty ay hindi halata dahil sa itsura, isa pa mukhang alaga niya talaga ang katawan.

"Hey, Elaine. Are you there?"

Nabalik ako sa malalim na pag-iisip dahil sa boses na nagsalita sa tenga ko.

"I'm here, labas ka." Sagot ko.

"Oh, my gosh really?"

"Yap, pero hindi ako magtatagal uuwi rin ako agad. May kasama kasi ako,"

"Kasama? Sino naman?"

"Hays! Lumabas ka na lang kasi may gift ako sa kuya mo. Bakit ba kasi walang guard dito?"

Tukoy ko sa isang guard na bantay nila dito.

"Aa, day-off kasi niya. Wait lang,"

"Ok," sagot ko at pinatay ko na ang phone ko.

"Can you wait a little time?" Baling ko kay ninong.

"Yeah, sige na. Dito na lang ako sa labas, hintayin kita."

Napangiti na lang ako sa sagot ni ninong at nakita ko na nga na paparating na si Cheska, kinuha ko ang gift para sa kuya niya. Binuksan ni Cheska ang pinto, agad na niyakap ako.

"Nasaan ba ang kasama mo?"

"Later na, halika na sa loob kasi kailangan kong bumalik agad." Sabi ko at nakangiting nakakaloko sa akin si, Cheska.

"Parang may something aa?"

Natawa lang ako kay Cheska at hinatak ko siya para maglakad na, nagtungo kami sa likod kung saan naroon ang pool area. Medyo maingay na pagdating namin doon puro kuwentuhan at may kalakasan na sound. Hindi naman ganun karami ang bisita parang halos kaibigan siguro ng kuya niya.

"Nasaan pala si, Hannah?" Hanap ko sa kaibigan ko na isa.

"Umuwi na masama raw ang pakiramdam niya,"

Napatango na lang ako at hinanap ko ang kuya niya.

"Kuya!"

Tawag ni Cheska sa kuya niya na si Enzo, gwapo ito kilalang magaling mag-basket ball. Marami rin mga babaeng nali-link sa kaniya.

Unang Tumibok Kay NinongWhere stories live. Discover now