12

129 9 2
                                    


ELAINE

Pagkabalik namin sa lamesa inis ang nararamdaman ko lalo na doon sa tita ni Ezra. Dahil bakit parang sobrang close nila sa isa't isa.

"Bakit ganyan ang mukha?"

Tanong ni Hannah sa akin si Ezra naman ay tahimik na nasa tabi ko.

"O M G! Si ninong Ryke mo ba yon?"

Sinundan ko ng tingin ang tinuturo ni Cheska, hindi naman na ako nagulat dahil nakita ko na siya pero naiinis pa rin ako kaya pala ganun lang ang message niya sa akin dahil may kasama siya.

"Teka, hindi ba tita mo 'yun Ezra?"

"Yeah," sagot ni Ezra.

"Oy, Elaine."

Mahinang siko sa akin ni Hannah, pero ako ito nakasunod lang ng tingin kung paanong alalayan ni Ryke 'yung tita ni Ezra. At ang nakakainis pa nandito pa sila sa tabing upuan namin at magkatapat kami.

"Grabe why so pogi niya?"

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Cheska, ginawa ko naghanap ang mata ko sa lamesa. Hanggang sa makita ko si Ezra may hawak siyang beer inagaw ko 'yun sa kaniya at agad ininom.

"Meron pa ba?" Tanong ko kay Ezra na gulat na gulat.

"Y-yeah, meron pa. Sandali kuhanan kita, kayo gusto niyo ba?" Alok ni Ezra.

"Yes please Ezra, mukhang need rin naming uminom."

Shit! Bakit kasi nakita ko pa siya dito tapos ibang babae naman ang kasama niya. Bwesit ka Ryke!

"Friend lang kaya sila? Pero look naman o kung asikasuhin ng tita ni Ezra si Ninong mo parang may someth-"

"Stop." Mahina ngunit mariin na pagkakasabi ko.

"Ang daldal mo naman kasi ee,"

Hindi ko pinansin itong dalawa dahil pakiramdam ko gusto kong umalis na ayoko. Napansin ko na napapatingin sa akin si Ryke pero iniiwasan ko siya.

Ginawa ko kinuha ko ang cellphone ko para libangin ang sarili ko ng biglang tumawag si Ryke.  Napatingin ako sa kaniya habang nakatingin rin siya sa akin, ginawa ko mariin na pinatay ko.

"Gosh, nakakakilig naman sila nagtatawagan kahit nandito lang naman sila."

Asar na nilingon ko si Hannah dahil inaasar pa niya ako.

"Ang kulit mo manahamik ka na nga lang." Natatawang saway ni, Cheska.

"Here, puwede ko kayong ihatid mamaya kung wala kayong sundo."

Hindi ako sumagot kay Ezra, kinuha ko agad ang beer at agad na ininom hindi ko na lang pinansin ang mga tingin nila sa akin lalo na si Ezra.

Lumipas ang oras ay marami na akong nainom nag-cr yung dalawa at may pinuntahan naman saglit si Ezra, pag-angat ng mukha ko sinalubong ko ang seryosong mukha ni Ryke.

Bakit galit ka? Ikaw pa ang galit dapat ako!

Nangigigil na muli kong tinunga ang beer at nakita ko na tumayo yung tita ni Ezra at naiwan siyang mag-isa. Iniiwas ko ang tingin sa kaniya at muli kong tinuon ang atensyon ko sa cellphone ko.

Nagulat na lang ako ng may kumuha ng cellphone ko walang iba kung hindi si Ryke. Napatayo ako at balak kong agawin sa kaniya dahil may tinitingnan siya.

"Ibalik mo nga sa akin 'yan." Inis kong sabi.

"Naka-silent? Kanina pa ako tumatawag sa'yo, pinatayan mo pa ako."

"And so? Do I need to explain?" Taas kilay na sabi ko.

"Ihahatid na kita marami ka ng nainom."

"No!" Mariin  kong tanggi at uupo na sana ako pero bigla akong naliyo buti nasalo niya ako.

Unang Tumibok Kay NinongWhere stories live. Discover now