4

312 8 0
                                    


Elaine

Hindi ako nakagalaw at amoy na amoy ko mabangong katawan niya, titig na titig ako sa mata niya at ganun rin siya sa akin. Naramdaman ko na gumalaw ang labi ni ninong at balak ko na sanang ibuka ang labi ko ng manlaki ang mata ko.

"Ryke, ito ang kumot."

Naitulak ko bigla si ninong at napaupo ito sa sahig. Biglang sumalakay ang kaba sa dibdib ko, pero nilapitan ko siya dahil nag-alala ako sa ginawa kong pagtulak.

"Ano bang ginagawa mo diyan ninong? Lasing ka na ba?" Sabi ko dahil biglang bumukas ang pinto.

Nagtataka na napatingin siya sa akin pero binalewala ko muna yon dahil nandito si mommy.

"Elaine, nandito ka pala bakit?" Takang tanong ni mommy.

"A-ano po kasi... Naiwan ni ninong ang phone niya sa taas kanina dinala ko, pumsok ako kasi walang sumasagot ko nakita ko na lang siya nasa sahig."

Pagsisinungaling ko at sobrang kaba ko at hiyang-hiya kay ninong dahil sa kasinungalingan ko.

"Ganun ba? Pagod na ninong mo at lasing kaya siguro hindi na nagwang humiga sa kama."

Napapangiting sabi ni mama at nilapag yung kumot sa kama, ako naman humarap ako kay ninong patayo na siya pero hindi ko magawang tingnan siya ng diretso.

Wahh! Ano ba 'to!

"Matulog ka na Elaine ikaw rin, Ryke."

Sabi ni mama at tumango ako at humakbang na nauna ng lumabas si mommy. Aalis na rin ako dahil hiyang-hiya ako sa ginawa ko.

"Hey,"

Natigil ako sa paghakbang ko dahil sa boses niya napapikit ako at kinalma ang sarili na humarap.

"Yes?" Pilit na ngiting sabi ko pero nakatingin lang siya sa akin.

"Matulog ka na,"

Sabi niya lang sabay talikod at humiga na sa kama. Saglit na napaisip lang ako at nagmamadali na akong lumabas ng kuwarto. Pagdating ko sa loob mabilis na tinungo ko ang kama ko at pabagsak na nahiga, tulala ako sa kisame at pumasok sa isipan ko yung pagdikit ng labi namin.

Shit!

Mura ko sa isipan at napahawak ako sa labi ko, napapikit ako at pakiramdam ko damang-dama ko pa rin ang labi ni ninong sa labi ko.

Fuck, I'm crazy. He's my ninong

Mariin na pinikit ko ang mata ko at nakailang ikot-ikot ako sa higaan bago ako nakatulog.

----------

Napabalikwas ako ng bangon at napatingin sa paligid maliwanag na dahil sa liwanag mula sa bintana. Mabilis na tumayo ako at saktong may kumatok sa pinto, nagmamadali kong binuksan ang pinto.

"Pinapasabi ng mommy mo hindi sila makakauwi mamaya bukas pa raw,"

"Ok."

Sagot ko at lang at tumalikod ng may maalala ako bigla.

"Yaya Esme, si ano... Si Ninong umalis na ba?"

Nahihiyang tanong ko at nakita kong biglang napangiti si Yaya Esme.

"Why?" Maang na tanong ko dahil sa nakakalokong ngiti niya.

"Wala naman, pero maaga siya umalis at grabe ang bango-bango niya at ang pogi talaga. Sayang naman wala pa siyang asawa o kaya baka naman may-"

Asar na sinara ko ulit ang pinto at ni-lock, dinig ko pa na panay ang tawag at katok niya yaya pero hindi ko pinansin.

Hays! Bakit kasi tanghali na ako nagising.

Unang Tumibok Kay NinongDonde viven las historias. Descúbrelo ahora