Chapter 2

69 2 0
                                    

Mag-aalas tres pa lamang ng umaga pero binabaybay na ni Kathria ang madilim na kalsada papunta sa bahay ni Dominic. She plan to have an early drive on the road. She clearly see the City Lights. 

Wala pa gaanong sasakyan dahil madaling araw pa lamang. Inilabas ni Kathria ang kanyang kamay sa kanyang kotse at pinakiramadaman ang pagtama ng hangin sa kanyang kamay.

Gusto niyang maaga para iwas traffic at maaga siyang makarating sa Bagum Bayan. Mahirap kapag 5 to 7 siya aalis dahil rush hour na ito sa malalaking syudad.

Humikab pa siya dahil sa aga niyang gumising. Kinapa niya ang kapeng nabili niya sa McDo Drive Thru. Dinilat-dilat niya ang kanyang mata.

Yan kasi Kathria! Walang nag-utos sa iyo na gawin yan. Oh ano kaya pa? kontra ng kanyang utak at muling humikab na naman.

Sumimsim siya muli ng kape at kumagat sa binili niyang burger. Iyon ang naisipan niyang kainin. Sinusulit na rin niya ang oras niya dahil tatlong buwan na naman siyang hindi magagawa ang mga bagay na gusto niya habang nasa UK siya.

Sinipat niya ang kanyang orasan at mag-aalas tres medya pa lamang. Pero nangangalahati na siya sa paroroonan niya 

Kung bakit naman kasi ang layo ng Bagum Bayan bulong niya sa kanyang isipan.

Tinapakan niya ang gas pedal para bilisan ang kanyang pagmamaneho. Marami siyang nadadaanan na mga barangay na may iilang tao na rin.

Binuksan niya ang audio niya sa kanyang sasakyan at naghanap ng ipapatugtog. Ngunit bigla na lang niyang napindot ang isang kanta.

🎶Stupid Cupid you're a real mean guy

I'd like to clip your wings so you can't fly🎶

I'm in love and it's a crying shame

🎶And I know that you're the one to blame

Hey hey, set me free

Stupid Cupid stop picking on me🎶

Pinagpatuloy na lang niya ang pakikinig sa kanta. Kathria found the song cute. Habang nagmamaneho ay pansin ni Kathria ang papaunting pag-akyat ng haring araw sa kalangitan. Sumilip pa siya sa kanyang bintana upang silipin ang kulay dalandan na kalangitan. Napapasayaw pa ang kanyang beywang sa musika ng kanyang pinakikinggan. 

🎶I can't do my homework and I can't think straight

I meet her every morning 'bout half past eight🎶

I'm acting like a lovesick fool

🎶You've even got me carrying your books to school

Hey hey, set me free

Stupid Cupid stop picking on me🎶

This song is funny and cute bulong niya pa sa kanyang sarili. 

Nagpatuloy pa rin ang pagtugtog ng tugtugin hanggang sa nakita niya na ang liwanag ng haring araw. Tumatama na iyon sa kanyang balat dahil nakabukas ang bintana niya.

Natatanaw na niya ang palatandaan na papasok na siya ng Bagum Bayan. Nadaanan niya rin nag Brgy. Villasol kung saan makikita ang sea of clouds. Hindi na siya sumaglit pa dahil kailangan niyang makarating ng maaga sa paparoonan.

You got me jumping like a crazy clown🎶

And I don't feature what you're putting down

🎶Well since I kissed his loving lips of wine

The thing that bothers me is that I like it fine

Hey hey, set me free🎶

🎶Stupid Cupid stop picking on me

HIStory Series #2 : Frosty Temptation Where stories live. Discover now