Chapter 3

58 1 0
                                    

PARANG gusto ni Kathria ang bumalik na lang ulit sa Pilipinas ng tumapak siya muli sa UK. Malamig ang klima doon kaya balot-balot siya ng damit ngayon. Pero wala siyang magagawa dahil trabaho niya ito. Ito ang bumuhay sa kanya, ayaw niya din kasi ang umasa lang sa heirloom niya bilang isa sa tagapagmana ng Montefalco. Hindi ganon karami ang tao sa airport ng UK. Naglakad na siya palabas ng airport. Isang malamig na klima ang sumalubong sa kanyang paglabas. Itinaas niya ang kanyang kamay para sana pumara ng taxi ng may isang itim land rover na tumigil sa kanyang harapan. Ibinaba nito ang window ng sasakyan. Yumuko si Kathria para tingnan kung sino iyon. A curve of smile form in her lips nang makilala niyo kung sino iyon.

"Tita Yola!" bulalas niya pang sambit

"Hop in Junakis!" sabi pa nang nakangiti na manager niya habang ngumunguya ng bubble gum.

Pumunta muna sa likod si Kathria para ilagay sa car trunk ang kanyang maleta. Sinara niya iyon bago pumasok sa front seat. Ikinabit niya ang kanyang seatbelt.

"Let's hit the road Tita" nakangiting sabi ni Kathria.

"On it dear" sambit pa nito at tinapakan ang apakan ng gasolina

Binaybay nila ang malamig na kalsada ng UK. Panay kwentuhan lamang si Kathria at kanyang manager. She tell the story of her vacation on the Philippines and her honest feelings that right now she really want to go back in the Philippines. Kakaalis pa lang niya pero namimiss na niya ang mainit na klima na nakasanayan niya, ang mga magagandang tanawin, ang mga tao roon na magigiliw pa rin tingnan kahit may problema unlike here in UK oo nga tahimik, matiwasay at hindi magulo pero walang spice. Iyon ang pinagkaiba ng Pilipinas sa ibang bansa mayroong spice ang Pilipinas na hindi mo mawari bakit kay sarap balik-balikan kahit pa hindi ito kasing yaman ng mga nasa Western Country.

"Junakis we will go straight to you condo. You relax today and tomorrow you will have a rehearsal." sabi pa ng kanyang manager na maya-maya pa ay ipinarada sa isang mataas na building ang kanilang sasakyan.

Bumaba si Kathria sa sasakyan at pumunta siya sa likod para kunin ang gamit na nilagay niya. Pagkatapos ay pumunta siya sa harap ulit at yumuko para magpaalam sa kanyang manager.

"I will not go with you. Just tell the front desk your name, modeling name. I already made a reserved for you. I have something to do. Take a rest dear. Luv Yah! Mwua!" habilin nito

"Yes I will. You too Tita" sabi niya pa

Sinara na nito ang bintana ng sasakyan at pinasibad ito. Tumalikod na si Kathria at naglakad habang hila-hila ang maleta niya papunta sa building. Sinunod niya ang habilin ng kanyang manager. Pagkalapit niya sa front desk ay binati siya nito. She greeted back. Kathria states her name and the front desk immediately her key to the room. Sumakay siya ng elevator at pagkarating niya sa kanyang kwarto ay tinabi niya ang kanyang maleta at pabagsak na humiga sa kama. Ramdam niya ang kanyang jetlag. Tinabon niya ang kanyang isang braso sa kanyang mga mata hanggang sa nakatulugan niya iyon.

Nagising siya sa tunog ng kanyang cellphone. She growled in irritation kasi hindi niya makapa ang cellphone niya. She is bothered on the sound kaya naman ay tumayo siya bigla para kapain kung nasaan ang cellphone niyang panay ang tunog

The Heck! Nasaan ba yung lintik na cellphone na iyon sabi niya pa at hinanap ang ingay ng pinanggagalingan nito. Natagpuan niya ito sa tinapon niya palang jacket kanina. Pabagsak siyang umupo sa gilid ng kama at saka pinatay ang maingay niyang cellphone na nag-alarm. Sinipat niya ang kanyang cellphone ulit para malaman kung anong oras niya pero sa halip na oras ang makita niya ay ang ilang miss call at iilang message galing sa iisang tao. She click the message first para malaman kung ano ang sadya nito

HIStory Series #2 : Frosty Temptation Where stories live. Discover now