Chapter 5

57 2 1
                                    

"EVERYONE please stay put on your seat. Any minute from now the airplane will land to the Philippines. Again, please refrain from walking around because anytime from now we will land in the Philippines. Thank You!" sabi pa ng stewardess

Nanatiling nakaupo ang lahat. SI Kathria naman ay prente lang na nakaupo banda sa may bintana. Comfort niya talaga lagi ang maupo sa may bandang bintana ng eroplano dahil kitang-kita niya ang view sa baba. Magda Dapit hapon na kaya naman kita niya ang sunset doon. Sumakto ang pwesto niya sa papababang araw.

Haaa... Sunset in the Philippines is always the best sabi pa ni Kathria sa kanyang isipan at nagpangalumbaba

Maya-maya pa ay lumapag na ang sinasakyan niyang eroplano.

"Mabuhay! Welcome to the Philippine Airline. Ladies and gentlemen we just landed on the land of the Philippines.Philippine Airlines welcomes you to Manila for your safety, please remain seated with your seat belt fastened until the fasten seat belt sign has been switched off. Please refrain from removing any hand carry items from the overhead bins until the aircraft has come to a full stop and the cabin door has been opened for you to deplane on behalf of the Philippine Airlines flight deck and cabin crew. We would like to thank you for flying with us. It was a pleasure to have you on board. We hope to see you again soon in one of your future flights once again from Asia's sunniest and the heart of the Filipino MMA ramming Salam Acpo Mahboob high"

Nang tuluyang tumigil ang eroplano ay isa-isang nagsitayuan ang mga pasahero. Hindi muna tumayo si Kathria dahil makakalabas pa rin naman siya. Hindi na kailangan ang makipagsiksikan. Hindi rin naman siya nagmamadali. Nagpalinga-linga siya at medyo mataas-taas pa ang linya ng mga lumalabas. Nahagip rin ng mata niya ang isang mag-asawa na kagaya niya ring naghihintay na kumonti ang tao. Nang mapansin niyang kakaunti na lamang ang tao ay tumayo pa siya. Nagkataon rin tumayo na ang mag-asawa at nagkatinginan sila. Ngumiti siya sa mga ito na sinuklian rin ng ngiti ng mag-asawa.

"After you po" sabi pa ni Kathria sabay lahad ng kamay na mauna.

"Thank you iha" sabi ng matandang babae

Nauna na ito sa kanya habang bitbit nito ang mga kakaunting gamit. Si Kathria naman ay tumingala para kunin ang gamit niya. Sa Economic lang siya sumakay ayaw niya sa masyadong mamahalin pareho rin namang makakauwi at makakasakay ng eroplano. Pagkatapos makuha ang gamit niya ay isinukbit niya iyon sa kanyang balikat. Magaan lang iyon kaya naman keri lang niyang bitbitin. Naglakad na siya palabas ng kanyang eroplano. Papasok siya sa airport at dumiretso siya sa kuhanan ng bagahe. Inabangan niya na dumaan ang kanyang maleta. Nang makita niya iyon ay kinuha niya ito at pinagulong na sa sahig.

Naglalakad siya ng parang model kaya mayroong napapatingin sa kanya. Lalo pa ang suot niyang damit ay medyo agaw pansin. Nakasuot lang naman siya ng Party-Ready Top and Jeans na pinarisan niya ng itim na Fedora na sumbrero.

Napatigil siya ng paglalakad ng nagvibrate sa kanyang bulsa ang kanyang cellphone. Kinuha niya muna iyon bago naglakad muli. Binuksan niya ang kanyang cellphone at tiningnan kung bakit ito nag-vibrate. Nakita niyang the message is coming from Dominic.

"I'm outside the entrance of the airport" sabi ng mensahe

Sumilay naman ang munting ngiti sa labi ni Kathria. Napailing-iling na lamang siya habang naglalakad. Nilagay niya ulit sa kanyang bulsa ang kanyang cellphone at hindi na nagabalang mag reply.

You really indeed surprise me Mr. Mayor the thoughts on the back of his head.

Mabilis siyang naglakad palabas ng airport at parang sa telenobela ay nakita niyang nakasandal si Dominic sa sasakyan nitong Suzuki Ertiga. Nakalagay pa sa bulsa nito ang mga kamay at nakasuot ng sunglass.

HIStory Series #2 : Frosty Temptation Место, где живут истории. Откройте их для себя