Chapter 6

27 0 0
                                    

Matapos ng magaan na halik na iginawad ni Dominic kay Kathria kasalukuyan pa rin silang nakatitigan sa isa’t-isa. Walang nagsasalita tahimik na nakatitig.

“Dumating na ba tayo?”

Agad na bumalik si Dominic sa pagkakaayos ng upo sa kanyang Driver Seat. Naiilang ang dalawa sa kanilang ginawa. Si Dominic ay tahimik na pinaandar muli ang kotse samantalang si Kathria ay tahimik na naisandal ang ulo sa bintana.

“Wala pa ma, inayos ko muna ang pagkakasandal ni Kathria dahil nahihirapan siya” halos mabulol na sagot ni Dominic

“Ah okay” sabi ng kanyang ina
Pero lingid sa kanilang kaalaman ay kanina pa pala gising ang mag-asawa at nakita nito ang paghalik ng kanilang anak sa dalaga.

May mga munting ngiti na namutawi sa kanilang labi. Hindi na lamang nila sinabi dahila alam nilang mas lalong magkakahiyaan ang mga dalawa kapag nagkataon.
Mabilis na pinatakbo ni Dominic ang sasakyan at matapos ng isang oras ay nakarating na sila ng Bagum Bayan. Naunang bumaba ang mga magulang ni Dominic sumunod naman si Kathria at nahuli si Dominic dahil nag-parking pa siya ng kanyang sasakyan. 

Matapos magpark ay mabilis na sumunod ang binata dahil kailangan niya pang buksan ang pintuan ng kanyang bahay. Nakakandado kasi iyon gamit ang may code na padlock.

Pagkabukas ay  naunang pumasok si Dominic dahil binuksan niya ang ilaw ng kanilang bahay.

"Elaine, iha. Paturo ka na lang kay Dominic sa kwarto na tutuluyan mo ngayong gabi. Mauuna na kami humiga kasi napagod kami sa biyahe. Ikaw naman anak tirahan mo kami ng makakain. Kapag nagising kami ng papa mo alanganin ay kukuha na lang kami ng pagkain na nainiwan niyo para sa amin. Oh siya pasok na kami. Feel at home iha" sabi ng ginang at umakyat na sa itaas

Naiwan ang dalawa sa ibaba. Tahimik at walang nagsasalita. Presko pa rin sa kanilang isipan ang ginawa kanina. Para tuloy silang mga teenager sa inaasal. Pero gusto na rin muna ni Kathria ang magpahinga ay wala siyang choice kundi ang tanungin ang binata.


Nagpakawala siya ng mabigat na buntong hininga bago hinarap ang lalaki.

"So, where's my room?" pambabasag niya sa katahimikan

Dominic cleared his throat first bago sumagot

"Follow me" sagot niya pa
Tahimik lang na nakasunod si Kathria. Umakyat din sila ngayon ng hagdanan at sa may dulong bahagi ng ikalawang palapag ay inihatid siya ng binata.


Hindi niya rin napansin na dala-dala nito ang bagahe niya.Inilapag nito ang kanyang gamit sa labas ng kwarto at isinaksak ng binata ang susi dahil nakalock iyon.

"Ito ang magiging kwarto mo. I apologize for your sudden sleepover. Sa halip na nagpapahinga ka ngayon, heto ka nasa ibang pamamahay" paghihingi pa ng dispensa ng binata

"Okay lang not a prob. Besides I will go here pa rin. For my business. I need, no, We need to start it immediately dahil balita kong nalalapit na ang fiesta ng Bagum Bayan" sagot pa ni Kathria

"I see. O siya magpahinga ka na. At ako'y magluluto muna sa ibaba. Tatawagan na lang kita pagkakain na" sabi pa ng Dominic

"And..." kinuha nito ang kamay niya na ikinagulat naman niya "here's the key baka mamaya niyan ay pagbitangan mo pa akong gagapangin ka" pabirong sabi ng binata ng mailagay sa palad niya ang susi.

Namumula si Kathria sa pagkakataon na iyon. Hindi lang maklaro kasi medyo may kadiliman ang kanilang pwesto. Kaya naman ay napailing-iling na lang siya


"Siraulo. Wala akong sinabi" medyo may kalamigan niyang tono pero may halong pabiro

Binitiwan na ng binata ang kanyang kamay at bumaba na ito para magluto. Binuhat niya rin ang kakaunting gamit niyang dala at tuluyang pumasok sa kwarto. Hindi na rin siya nag-abalang mag-lock dahil alam niyang hindi ganon lalaki si Dominic na basta na lamang papasok.


HIStory Series #2 : Frosty Temptation Where stories live. Discover now