䷅ ䷆ ䷍ VI

48 4 7
                                    

"Okay, newb, let me just remind you that anything that happens in Montebello stays in Montebello, got it?" ani Dylan na kasabay kong nakasunod kay Jon sa may dalampasigan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Okay, newb, let me just remind you that anything that happens in Montebello stays in Montebello, got it?" ani Dylan na kasabay kong nakasunod kay Jon sa may dalampasigan.

"Got it," kako habang inaayos ang buhok kong pilit na ginugulo ng hangin.

"So, Jon and I figured out that—"

"Coffee or wine?" sabad ni Jon na nagpatigil sa'min ni Dylan. "I said coffee or wine?"

"Wine," sagot ni Dylan na parehas kong nakakunot-noo.

"Hmm. . .water?" sabi ko naman.

"Fine, c'mon," Jon answered with a wooden nod. Pagkatapos, lumapit siya sa isang malaking bato at saka iyon walang hirap na itinulak. Lumubog ang isang hugis pinto sa gitnang bahagi ng bato. Beyond the door appeared to be a new walkway.

"Seriously? You bought a property here in Montebello?" tanong ni Dylan na halatang ngayon lang din nalaman ang tungkol dito.

Iniwan ni Jon ang sigarilyo sa pagitan ng mga labi niya bago nagsalita. "Well, Why not?"

"Let me guess. Five million, ten million kiehls?"

"Millions, yes. Privacy is expensive like that," sagot ni Jon na napakaliit pa rin ng ngiti. Pinauna niyang pumasok sa loob ni Dylan. Nang ako na ang tatapak paloob, sinenyasan niya akong umatras. "No dirty shoes, please," Jon instructed. "Contaminants here could mean a safety breach."

Nahihiya akong ngumiti nang tapunan ko ng tingin ang suot kong sandals na puno ng putik.

"Sorry, sir, I'm so sorry. . .let me, hmm, let me just clean this up. Give me a a few seconds, please!"

Dali-dali akong nagtungo sa isang kalapit na bato at doon ipinalo-palo ang sandals ko para mapagpag ito. Ang kaso, isang malaking buga ng hangin mula sa karagatan ang humipan sa direksyon ko habang ginagawa iyon. Naramdaman kong tumaas nang todo ang palda ng aking bestida; natakpan pa nga ang mukha ko.

Natataranta kong inayos ito pababa at saka nagi-init ang mukha na nilingon si Jon. Naroon pa rin ito sa may bukas na pinto, naghihintay. Mabuti na lang, nakatagilid siya't sa dagat nakaharap habang ine-enjoy pa rin iyong sigarilyo niya. Wala naman siguro siyang nakita.

Nang masiguro kong malinis na ang sandals ko, lumapit na akong muli sa kanya.

"Sir, thank you for waiting," ngiti ko nang malaki.

Jon Gavelan remained impassive, his expression unchanging as he gave a slight nod and motioned for me to proceed. "After you," he replied.



My brain was fried. Ang akala ko, dahil papasok kami sa isang bato, dilim at sikip ang sasalubong sa amin sa loob. But I was wrong. This virtual world was completely mind-blowing.

Hiraya (18+)Where stories live. Discover now