Simula

15 0 0
                                    

Simula.

Halos mabulag ako sa rami ng flash ng camera na tumutok sa akin. Mabuti na lang at suot ko ang aviator ko kaya nakatulong iyon kahit papaano sa sandamakmak na liwanag na sobrang sakit sa mata.

"Ano pong masasabi niyo sa kumakalat na balita na kayo ni Rashid Miguel?"

Diretso ang lakad ko habang pinapalibutan ako ng mga guards. Malalaki man sila, hindi pa rin iyon sapat sa sandamakmak na reporters na nakapalibot sa amin. Ang ilan ay halos hatakin pa ako!

"Miss Aera! Miss Aera, totoo po ba na sabay kayong nagbakasyon ni Rashid Miguel sa South Korea?"

"Ano pong totoong namamagitan sa inyo ni Rashid Ronquillo?"

"Miss Aera, totoo po bang mag-ex kayo ni Rashid?"

Marami pa silang binatong tanong pero sa huling tanong na iyon ako halos huminto.

What the fuck! Saan nanggaling ang lahat ng iyon?

Laking pasasalamat ko sa mga guards ng airport na prinotektahan ako hanggang sa makasakay ako ng aking van. Umirap ako sa hangin kasabay nang pag-andar ng van.

"Von, nasaan si Shane?" Tanong ko sa aking driver slash bodyguard.

"Nasa penthouse mo na, Aera. Hinihintay ka niya roon. Hindi na siya sumama sa akin at alam niyang pati siya ay tatanungin ng mga media," mahabang sagot nito.

"Kaya hinayaan niya ako rito? My gosh! Lagot 'yan sa akin pag-uwi ko!" Inis na sabi ko.

Hindi nagsalita si Von. Nagpatuloy lang siya sa pagda-drive. Pinipigilan ko ang sarili ko na buksan ang social media account ko dahil alam kong maiirita ako sa sandamakmak na notification doon.

"Paano bang nangyari na ganito pagbalik ko? I just visited South Korea alone tapos ganito na agad pag-uwi ko? My gosh!" Patuloy kong rant.

"Ang naririnig ko, Ae, may kumakalat na picture niyo ni Sir Rashid na magkasamang gumala," sagot ni Von.

Nagtaas ako ng kilay. Nalaglag ang panga roon sa sinabi niya. "What? Saan nanggaling ang katangahan na 'yon? I'm not even meeting him! Fuck, I'd rather die first than to meet him. Kairita naman! Sana I stayed longer na lang in South Korea," sabi ko.

Nakarating kami sa penthouse ko sa Makati na puro rant tungkol sa chismis about me. Hindi sana ako uuwi pa ng bansa kung hindi lang ako tinawagan nang tinawagan ni Shane at sinabihan na umuwi. Nasabi niya naman sa akin ang tungkol dito pero hindi ko alam na masyado pala iyong kalat ngayon.

Saan naman kaya napulot ng mga taong iyon ang kwento-kwento nila?

"Shane! My gosh, hindi mo ako sinundo tapos maaabutan kitang patulog-tulog lang?" Singhal ko sa kaibigan slash manager ko nang makapasok ako ng penthouse.

Nakahiga siya sa sofa at napabalingkwas ng bangon dahil sa sigaw ko. Ang suot niyang pambahay na bestida ay bahagyang umangat kaya inayos niya iyon bago humarap sa akin.

"Aera!" Sabi niya at nagmamadaling lumapit sa akin.

"At maski si Tanya ay hindi mo pinasama para sunduin ako? Talagang hinayaan niyo si Von? Kung wala roon ang bodyguards ng NAIA, hindi pa ako nakakarating dito!" Mahaba kong sermon.

"Hay nako, Aera! I was the one who told the airport staff about your arrival. Hindi na nga ako pumunta para walang makaalam na uuwi ka pero hindi ko akalain na nag-aabang na pala sa'yo ang ilang media roon," sabi niya.

Napairap ako. Ilang media? Ilan pa ba 'yon? E ang dami-dami no'n!

Hinayaan ko si Tanya na hatakin ang luggage ko. Tinanggal ko ang suot na pumps saka iyon hinayaan sa kung saan ko hinubad. Naupo ako sa hinihigaan ni Shane kanina. Lumapit sa akin ang kaibigan ko at tumayo sa gilid ko.

Come Inside of My Heart (Celebrity Series #1)Where stories live. Discover now