Kabanata 1

9 0 0
                                    

Fight.

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. I heard Tanya's gasps. Sina Shane at Chesh ay mahinang tumili. May narinig din akong bulungan sa gilid namin na alam kong nakarinig sa sinabi niya.

"Nice one, bro!" Humalakhak si Tyler at tinapik pa ang balikat ng hayop na lalaking nasa harapan ko.

"Tangina mo, Rashid!" Mahina ngunit mariin kong sabi sa kaniya.

Tangina niya nang sobra. Ang lakas ng loob niyang sabihin iyon sa harap ng maraming tao. Nakakahiya!

"Tutugtog lang ako. Mag-uusap tay—"

"Do you honestly think that I want to talk to you? Fuck you, no!" Mabilis kong sagot.

Tumawa siya at tumango. "Alam kong alam mo kung anong kaya kong gawin, Aera."

"Tinatakot mo ba ako?" Gigil na gigil kong tanong.

"Hindi, dahil alam kong hindi ka marunong matakot," natatawang sagot niya.

I rolled my eyes again. "Fuck you, Rashid. Stop with this stunt of yours. You know very well that you can't get me with that," pikon na pikon kong sabi.

"Of course, Aera. Hindi ka naman kasi kasing rupok ko. Ako kasi kaunting ngiti mo lang, nayayanig na agad ang mundo ko."

"The fuck? Kadiri ka!" Sabi ko.

Humalakhak si Tyler sa gilid namin kaya nilingunan ko siya. Tinikom niya agad ang bibig niya kahit na bakas ang ngisi sa kaniya labi. Almost everyone from the bar are watching us. Mukhang lahat sila ay alam ang issue namin and because this scene happened, mas madadagdagan ng panibagong sangkap ang tsaa.

"Tutugtog muna ako, Ae. 'wag mo muna akong landiin," halakhak niya.

"Ay, bakit, Rashid? Kinikilig ka ba sa pagtataray ng kaibigan ko?" Halakhak ni Shane.

Marahas kong tiningnan ang kaibigan. Ni hindi siya natinag sa ginawa ko dahil ngumisi lang siya sa akin at halata na mas pinipikon pa ako.

"Hindi lang kinikilig, Shane. Alam mo naman na patay na patay ako kay Aera. High sc—"

"Shut the fuck and just leave here!"

Wala akong pakialam kung lahat ay narinig ang sinabi ko. Ang mga kasama ko ay natutuwa sa nangyayari at tanging ako lang ang pikon na pikon. Ni wala silang pakialam sa galit ko.

"Tutugtog lang ako, Ae—"

"Hindi mo kailangang magpaalam dahil wala akong pakialam!" Malakas kong sabi.

Tumango siya at humalakhak. "Sinasabi ko lang. Kahit wala kang pakialam, gagapang pa rin ako pabalik sa'yo."

"Ang korni mo, gago!" Halakhak ni Shane.

Sina Chesh at Tanya ay natawa rin sa sinabi niya. May multo ng ngisi sa mga labi ni Tyler na halatang gustong magsalita pero hindi magawa.

Humalakhak lang si Rashid sa kanilang lahat bago pinadausdos ang kaniyang kamay sa bewang ko. He almost kissed me kung hindi ko lang siya marahas na tinulak at hinawi. Hindi pa siya nagpaubaya sa ginawa ko kaya nadala niya ako nang bahagya. Pumungay ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Inis kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa akin bago ako lumayo sa kaniya. Ngumisi lang siya at kumindat sa akin bago niya tanguan si Tyler.

"Fuck off!" Halos isigaw ko iyon.

"Bantayan niyo 'yan, Tyler, kakausapin ko 'pag tapos na akong tumugtog," sabi niya ulit. "Una muna ako, Shane... Chesh... Tanya... Von..." Inisa-isa niyang banggitin ang pangalan ng mga kasama ko habang iniisa-isa silang tingnan. "Love..." Sabi niya habang nakatingin sa akin saka ako kinindatan.

Come Inside of My Heart (Celebrity Series #1)Where stories live. Discover now