Kabanata 3

2 0 0
                                    

Secret.

"Miss, how much do I need to pay if I want extra copy of these pictures?" Tanong ni Rashid sa babaeng nagbabantay.

Nasa kaniya ang kopya ng pictures naming dalawa. Dalawa lang iyon at tig-isa kami. Kumunot ang noo ko.

Tumingin sa akin ang babae bago ngumiti kay Rashid. "Four hundred and fifty pesos," sagot niya na ngiting-ngiti kay Rashid.

Anong ginagawa niya? May gusto ba siya kay Rashid? Gosh, ang tanda niya na para magkagusto sa halatang bata na si Rashid!

"What for, Rashid? We already have our copy," sabi ko sa kaniya.

Hinawakan niya ang braso ko saka umiling. Tumingin siya sa nagbabantay saka nag-abot ng pera. "I want that, Miss."

Tinanggap naman iyon ng babaeng nagbabantay habang nananatili ang tingin kay Rashid. Itong babae na ito, gusto pa yatang makulong! Hoy, Ate! He's my boyfriend!

"Para saan ba 'yan? You already have your copy. Why do you need another one?" Salubong na kilay kong tanong.

"Ilalagay ko sa kwarto ko. Itong copy ko na 'to ay rito sa phone ko at sa wallet," aniya.

Inirapan ko na lang siya para itago ang nararamdaman. We've been in this situation for a week now. But, he never failed to give me butterflies. Magaling siyang magpakilig. Magaling siyang gumamit ng mga salita. Nakakainis mang tanggapin pero I think I'm starting to have a feelings for him.

I told myself that this is my least priority lalo na at sobrang bata ko pa pero ngayon tingnan mo nga naman at mukhang mai-in love pa ako sa madaldal na lalaki na ito.

"Magjowa kayo?" Natatawang tanong sa kaniya ng babae.

I raised my brow. Why did she have to ask that? Gusto ko siyang tarayan. Gusto ko siyang sagutin pero ayaw kong may maisip si Rashid sa magiging sagot ko. Baka isipin niya pang totoo na unti-unti na akong nai-in love sa kaniya. Well, medyo totoo naman pero ayaw kong aminin iyon.

"A-ah..." Tumingin sa akin si Rashid na parang hinahanap sa mukha ko ang sagot sa tanong.

Sige! Subukan mong magkamali ng isasagot, sasapakin kita!

"We're friends," nakangiting sabi ni Rashid na mukhang proud sa sinabi niya.

Inirapan ko siya. Friends pala, ha? Patay ka sa akin mamaya.

"Tama 'yan. Ang bata niyo pa kung magjowa kayo at hindi iyon magandang tingnan. Dapat ay focus kayo sa pag-aaral," panenermon ng babae.

I tried so hard not to rolled my eyes but I couldn't stop myself from doing it. Oo nga at tama siya, bata pa talaga kami ni Rashid. Sobrang bata pa pero ano bang pakialam niya? There's no such age limit or requirements in love. Kainis siya!

"Why did you tell her that I'm your friend? Magkaibigan ba tayo, ha?" Inis na tanong ko kay Rashid nang makalayo kami sa photo booth.

Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagkalaglag ng kaniyang panga. Umawang ang labi niya habang maingat na hinahawakan ang kopya ng litrato namin. Umikot na naman ang mata ko bago siya unahan sa paglalakad.

"Hey!" Aniya na bahagya akong hinabol. Hinawakan niya ang braso ko saka ako iniharap sa kaniya.

Salubong ang kilay ko at alam kong mukha akong galit na galit habang siya ay titig na titig sa akin, nagningning pa ang mga mata. There he is again. Nakatingin na naman siya sa akin na para bang ako ang pinakamagandang babae na nakikita niya. Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko talaga kayang tagalan ang ganiyan niyang tingin e.

"What?" Tanong ko.

"Sorry na. Akala ko kasi ayaw mong ipaalam na tayo," aniya.

"O-oo nga!" Iritang sabi ko.

Come Inside of My Heart (Celebrity Series #1)Where stories live. Discover now