Kabanata 2

4 0 0
                                    

Photo booth.

Ngumiti ako sa harap ng camera habang binibida ang suot kong school bag. Naririnig ko ang palakpak ni Mommy pero mas nagfocus ako sa ginagawa ko.

This is my first schedule for the day. Mommy pushed me to join an audition as a model for this. May iilan pang mas matatanda sa akin sa kabilang parte. Sa kanila naman ang mas maganda at mas malaking mga bag. Mine is just a bag for a typical teenager.

"Mabuti na lang at pumayag ka na pumasok sa pagmomodelo itong anak mo, Arra. Balak mo rin ba siyang ipasok sa Miss Universe kung sakali?" Rinig kong tanong ng isa roon.

I smiled again for another shot. I give different poses each time the camera will flash. Some are guiding me whenever I'm modeling but right now, they're letting me to do whatever I want.

"Eula, If I am to choose, I want her to follow my path. Sana ay maisipan niya. Bata pa naman si Aera kaya alam kong mapag-iisipan niya ang bagay na ito," sagot ni Mommy.

The director gave me a break. Mabilis akong bumaba sa platform at tumakbo sa kanila para tingnan ang mga kuha ko. They are praising my beauty. Lahat ng pwede nilang purihin ay sinasabi nila. Siguro dahil kasama ko si Mommy.

"Pwede ba kayo ngayon, Arra? Balak ko sanang yayain kayo sa labas para rito. Salamat talaga," ani direktor kay Mommy bago ngumiti nang matamis sa akin.

"Cris, I want to but Aera still have shoots in Pasay. Mag-aartista na rin kasi siya at kinuha ni Direk Joy para sa isang primetime serye," si Mommy.

Nagulat ang direktor sa sinabi ni Mommy. Tumingin siya sa akin at matamis na ngumiti. "Nako! Ang galing-galing naman talaga nitong si Aera. I'm so proud of you, Hija."

"Thank you po," ngiting-ngiti kong sagot.

Being a daughter of Philippines' second Miss Universe is a big thing in this industry. Bata pa lang ako pero sinasalang na ako ni Mommy sa iba't ibang training para maging model at ngayon naman ay binuksan niya ang pintuan para sa akin sa pag-aarte.

Mommy is one of the veteran actress. Magaling siyang kontra-bida. That's why people misunderstood her with her attitude. Akala nila ay masama talaga ang ugali ni Mommy pero hindi. Daddy is an actor as well. But, right now he's focus on directing. He is one of the trusted director these past few months. He was nominated for 'Best Director' in New York which he won. Kaya naman naisipan na rin nila akong ipasok sa kung saan sila naroon.

I was nine when I started to ask about my parent's work. Siguro dahil iyon ang nakamulatan ko kaya roon na rin ako naging curious. Now, that I am fourteen, Mommy finally allowed me to enter showbiz.

"Sana ay hindi mo pa rin mapabayaan ang pag-aaral mo kahit nandito ka na sa industriyang ito, Aera," paalala sa akin ni Direk Joy matapos akong kuhanan sa aking mga eksena.

Hindi naman iyon mabigat. Ako ang gumanap na batang bersyon ng bidang babae sa isang primetime show. Anim na scene lang iyon na madaling natapos. Ayaw ni Mommy na kukuha kami ng role na makaka-apekto sa pag-aaral ko. Even though, we're sure that I have career to land on, mas mabuti pa rin na matapos ang pag-aaral.

Hindi naman habambuhay ang kasikatan.

"Opo, Direk. I want to do this po but I'm sure that I won't take a project that will affect my studies. I want to still focus on finishing my studies po," sagot ko.

"That's good, Aera. You're in what grade right now?" Tanong niya sa akin.

"I'm currently in grade eight po," nakangiting sabi ko.

She smiled. "You're still young, Aera, but I hope you will not decide to leave this industry. I'm rooting for you," aniya.

Namula ang pisngi ko roon. Her compliment made me so excited about my future. Oo nga at malayo pa iyon pero ngayon pa lang ay iniisip ko na agad iyon at masaya ako sa mga naiimagine ko. How I wish I grow up fast so that I can explore more in this field.

Come Inside of My Heart (Celebrity Series #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora