CHAPTER 4

9 2 0
                                    

[Chapter 4]







Dahan-dahang lumapit ang misteryosong lalaki sa akin. Hanggang sa tuluyan siyang makalapit sa likod ko. Yumuko siya para abutin ako sa leeg.

"Ano ka ba, Wyn. . . Nasa harapan mo na ang hapunan." Bulong niya sa nang-aakit na tono. Nakakapagtaka kung ano ang nakabalangkas na kahulugan sa sinabi niya. Tila may kakaiba siyang pinapahiwatig sa 'kin.

Unti-unting nangunot ang noo ko pati na rin ang mata kong nagsisimula nang luminaw ang paningin sa dilim. Nakikita ko na ang kapaligiran. Maraming tao ang nagtatakbuhan at paulit-ulit na nagkakabanggaan sa isa't-isa.

Tila nabingi na ang pandinig ko sa nagkukumpulang sigawan ng mga tao. Kaya naman lalong tumuon ang pansin ko sa nakatihayang lalaki sa harap ko. Hindi ko alam kung dapat ko ba itong kaawaan o katakutan. Pero ang mas nakakatakot ay kung anong kayang gawin sa akin ng lalaki sa likod ko kung sakaling mas piliin kong tulungan ang lalaki.

Fuck, just get over it, Wyn! Ba't ako maaawa sa lalaking iyan?! Buhay ko ang nakataya dito!

"Alam mo na ang gagawin mo, Wyn." Muling bulong ng lalaki sa likod ko. Nakaramdam ako ng mainit na haplos sa aking pisngi. Naramdaman ko ring may kung anong bagay na sumisingit sa baywang ko. Napayuko ako ng tingin kung saan nakita ko ang isang baril na patagong pinupuslit sa baywang ko. Namilog ang mata ko sa oras na makita ko iyon. Parang naiintindihan ko na kung ano ang gusto niyang gawin ko.

Napalunok ako ng malalim. Masusi kong pinag-iisipan ang isusunod kong kilos. Gusto niyang patayin ko ang nasa harapan ko. Tinawag niya itong hapunan.

Hindi ata kakayanin ng konsensiya ko. Putangina, kailan ka pa nagkaro'n ng konsensiya, Wyn?! Kung malalaman ko lang sana kung ano ang kalakip na kapalit nito kapag ginawa ko nga ang gusto niya.

Nanginginig ang kamay ko noon habang mabagal kong tinanggap sa aking palad ang pinuslit na baril. Sunod ko itong itinutok sa lalaki. . at inakmang iputok. Wala nang konse-konsensiya ngayon. Mas pinipili ko ang putanginang buhay ko!

I knew I was panicking that time, so forgive me if I ever come back from being a sinister.

Hindi na ako nagdalawang isip pa at pinutok ang baril sa lalaki. Pero agad iyong inagaw ng lalaki sa likod ko kaya naputok ang baril sa ibang gawi.

Doon lang ako muling bumalik sa tamang pag-iisip. Nalason ang utak ko sa nang-aakit na boses ng misteryosong lalaki kung kaya't naapektuhan ang mga kilos ko. Thank god I wasn't going back to becoming a mere sinister!

Nanlaki ang mata ko sa baril. Kusa na itong bumagsak sa sahig kaya't napaharap ako sa misteryosong lalaki. Bahagya kong nahagip ang mukha nito ngunit agad din itong nagtakip ng hoodie. Iyon ang huling oras na nasaksihan ng mata ko ang lalaki. Tila nawala ito kasabay ng kadiliman.

Muli akong nabuhayan ng loob ng muling bumukas ang ilaw. Nawala ang sigawan at ang mga tao mismo. Isang tao lang ang bumungad sa paningin ko--ang patay na bangkay ng lalaking sinubukan kong paputukan ng baril kanina.

"P-pero. . . Paano nangyari iyon?!" Malaking palaisipan sa akin kung paanong namatay pa rin ang lalaking hindi ko naman natuluyang paputukan?!

Kumalat ang dugo sa likod nito. Bumabalik ang memorya ng lahat, ang duguang katawan ng taong napatay ko limang taon na ang nakalilipas. 'Wag niyo sabihing. . . Kahit naiba ang direksyon ng baril ko--napatay ko pa rin ito?

Hayst! Ano ba iyang mga naiisip mo, Wyn?! Imposible iyon. Hindi ko napatay iyan.

The dead body suddenly twitched and it made me freak out. Napasigaw ako sa takot at ang sigaw na iyon ay abot sa buong mall.

Entice (Monteluna Series #1)Where stories live. Discover now