Chapter 2

140 18 14
                                    

Sacrifice

"Go on a date with me, and I'll let you use half of the court."

Isang minuto ko yata siyang tinitigan para lang hintayin na bawiin niya ang sinabi niya pero lumipas na lang ang halos dalawang minuto. Parang tanga kaming nakatitig sa isa't isa. Ang ngisi niya kanina na unti-unting napawi dahil hindi ako nagsasalita.

"What kind of trick are you trying to pull off, Dela Vega?" diretso kong tanong.

"Trick? Sino bang may sabing nagbibiro ako, Regalado?"

Fuck.

This is the first time he addressed me by my family name. Madalas niya kasi akong tinatawag sa pangalan ko. I don't know, but the way he called me that... it felt like he was declaring war... and something inside me churned with the urge to open the gates of hell and join the damn fight.

Eye to eye. Teeth to teeth. I could feel the damn tension building between us, but I can't look away, or else I'll lose this game.

"At sa tingin mo rin ba papayag ako sa gusto mo?"

"Pwedeng oo? Pwedeng hindi? Pero kung ako ang nasa posisyon mo..." Napahinto naman siya para tingnan ang mga kaklase kong nagrereklamo na sa init. "Iisipin ko ang sitwasyon ng mga kaklase ko na naglakad sa initan para lang mapunta sa wala?"

He sounds so damn confident. Bahagya pa niyang nilapit ang mukha niya sa akin para lang ngumisi habang panay sulyap sa mga kaklase ko at sa akin. Like he's leaving me no choice but to agree with his proposition!

Umatras ako dahil masyado na siyang malapit sa akin.

"No," matigas kong sagot.

"What do you mean by no?"

I smirked. "Rank 1 ka hindi ba? Ang simple lang ng sagot ko pero hindi mo pa makuha kung anong gusto kong iparating."

"I get it. Hahayaan mo ang mga kaklase mo na mainitan. Okay, naiintindihan ko na."

Nakakairita!

"Now, if you please, excuse me? Kailangan na kasi naming mag-practice sa loob ng court na malamig, may lilim at hindi kami maiinitan," dagdag pa niya.

Huminga ako nang malalim at tinitigan ang mga kaklase ko na naghahanap na lang ng masisilungan. Ang iba sa kanila ay nasa tindahan, nasa ilalim ng puno, habang ang iba naman ay naglabas ng payong para lang makasilong.

"Pres? Wala pa ba?" rinig kong tanong sa akin ng kaklase ko.

Nilingon ko si Vance na naglalakad na papasok ng court kaya naman naglakad ako patungo sa kaniya at hinila ang shirt niya.

"Can we please... talk about it?"

"Ano? Gusto mo na bang makipag-date sa akin?"

I rolled my eyes. "Can you please lower down your voice?"

"Okay!"

He is smiling like an idiot. For fuck's sake totoo ba talaga ang mga naririnig ko na patay na patay siya sa akin? Well... alam ko namang gusto niya ako kahit hindi niya sabihin pero hindi ko naman inasahan na sa ganitong level na iyon!

If he likes me that much... does that mean I can take advantage of his feelings?

"Ayaw kong makipag-date sa'yo."

Bigla namang nawala ang ngiti niya.

"Pero pwede naman siguro ito... na ihatid mo ako pauwi? Isang beses lang. How about that?"

It's the only thing that I can offer! Nasa iisang barangay lang kami at malapit lang ang school kaya hindi na iyon masyadong masama kaysa naman makipag-date ako.

It's the Same Old Song (The Runaway Girls Series #4)Where stories live. Discover now