Chapter 1

193 21 14
                                    

Negotiate

"Anak, may naiwan kang folder dito. Hindi mo ba kailangan ito?"

Napapitlag ako nang marinig ko ang boses ni Mama. Late na akong nakatulog kagabi dahil nag-advance reading ako para naman hindi na ako mahirapan pa sa mga susunod na lecture. Ito tuloy ang naging resulta ng pagpupuyat ko! 15 minutes na lang at mahuhuli na ako sa first subject ko.

"Shit," mahina kong daing. Doon ko nga pala nilagay ang reflection paper na kailangan kong ipasa mamaya. "Wait lang po! Kailangan ko po iyan ngayon."

Halos patakbo akong bumalik sa bahay at nakita ko si Mama na palabas na rin ng bahay. Mukhang balak pang tumakbo para lang maihabol sa akin ang assignment ko.

"Mabuti na lang at nakita ko ito sa lamesa kanina. Ito ba yung ginawa mo kahapon sa computer shop?" tanong niya sa akin.

"Ito nga po iyon. Salamat, Ma!"

"Oh siya dalian mo na at baka ma-late ka pa. 7:30 ang klase mo hindi ba? Makakaabot ka pa niyan kapag nakasakay ka kaagad ng tricycle."

I swiftly kissed my mother's cheek. Salat man sa buhay pero masasabi kong swerte ako sa pamilya na mayroon ako. My parents truly are angels sent from above. Ginagawa kasi nila ang lahat para lang makapag-aral kami ng mga kapatid ko kaya naman gano'n na lang ang pagsusumikap ko na mag-aral para makabawi sa kanila.

Though it might sound cliché, I genuinely believe that education is the one treasure no one can take from us. Iba pa rin kasi kung may pinag-aralan ka. Dagdag na lang siguro kung talagang may diskarte ka.

Hindi ko napigilan na kurutin ang sarili habang naghihintay ako ng tricycle. Kung kailan talaga nagmamadali ka at saka naman punuan ang mga sasakyan! Iritado kong sinilip ang phone ko at nakita kong 7:20 AM na. If ever na makasakay ako ngayon makakarating ako ng 7:25. May limang minuto pa ako para tumakbo papunta sa room namin na nasa kabilang ibayo pa ng main gate.

"Morning, Beatrice!"

Natigilan ako sa narinig kong boses at nakita ko si Vance na nakasakay sa bike niya. Malinis na malinis ang uniform at naka-brush up pa ang buhok dahil siguro ay bagong ligo siya. He flashed me his boxy smile while waving his right hand. I looked away and ignored him.

"Mali-late ka na ba?" sunod niya pang tanong.

Hindi pa rin ako sumagot. Inabangan ko na lang yung parating na tricycle dahil nakita kong wala pang sakay yung sa likuran ng driver.

"Sungit naman! Una na nga ako."

Pinara ko na ang tricycle at sumakay sa likuran ng driver. Mula sa pwesto ko ay kita ko si Vance na nagba-bike papuntang school. Medyo bumilis na iyon kaya ilang segundo lang ay nawala na siya sa paningin ko dahil sumingit na siya sa gitna ng mga jeep.

Tama nga ang calculations ko dahil 7:25 ako nakarating sa school. Hindi ko na inalintana ang pakikipagsiksikan sa mga estudyante dahil malayo pa ang building ng senior high sa main gate! Dire-diretso ang lakad ko hanggang sa makarating na ako sa gate. Bumungad sa akin ang malaking tarpaulin at nandoon ang pagmumukha ni Vance.

He recently won in a Techathon held somewhere in Makati. Pride ng school iyon dahil buong bansa ang naglaban at siya ang nanalo. I heard na dadalhin siya sa Singapore para naman ilaban sa iba pang mga bansa. Hindi ko naman maikakaila na talagang magaling siya when it comes to technology. Hindi biro iyon dahil kahit ako ay nahihirapan din sa programming pero pagdating kay Vance maning-mani niya lang.

Sa sobrang laki ng tarpaulin, hindi ko rin talaga maiwasan na hindi tingnan iyon. Malaki ang ngiti ni Vance sa picture habang hawak niya yung malaking trophy. Kasama niya sa picture yung adviser nila na mentor niya rin.

It's the Same Old Song (The Runaway Girls Series #4)Where stories live. Discover now