Plan
And just like that, time flew by, like someone rushing to catch a flight or train. One moment I was admitting to myself that I like Vance, and now graduation is just one month away.
Ngayon ko mas napatunayan na mabilis ang araw kapag masaya ka. Ang 45 days na pananatili ni Mama dito ay parang isang linggo lang. Hindi ko namalayan ang mga araw at nagising na lang ako na pabalik na naman siya sa Hong Kong. Pero hindi na iyon tulad noon na umiiyak kami. Mas kampante na kami ngayon dahil alam naming nasa tamang mga employer siya.
Sana nga lang ay magpatuloy iyon at ipinapangako ko na kapag nakatapos na ako, babawi ako sa kanilang lahat.
"Beatrice, may lakad ka ba ngayon? Idaan mo nga 'to sa hardware pag-uwi mo."
Tinitigan ko ang mga daliri ko. Malinis at bagong kupit na ang mga kuko ko.
"Lapag niyo na lang po yung listahan at pambili d'yan!" sigaw ko.
"Anong oras ka ba uuwi mamaya?" sigaw din pabalik ni Papa dahil nasa kwarto ako.
Muli kong pinasadahan ang tingin ko sa salamin. Nakasuot ako ng pink na sweater at puting skirt. Ang dati kong mahabang buhok ay pina-trim ko hanggang sa ilalim ng dibdib ko. Tinrintasan ko ang iilang parte ng buhok ko at ang iba ay hinayaan kong nakalugay.
Lumabas ako ng kwarto nang maging kuntento ako sa itsura ko. Isinukbit ko ang puting bag ko at namataan ko si Papa na kumakain habang nakakamay.
"Hapon na po. Kailangan niyo ba iyan ngayon?" tanong ko habang binabasa ang nasa listahan.
"Bukas ko pa naman kailangan. Tinatanong ko lang kung anong oras ka uuwi. Sino ba kasama mo?"
"Si Cyril po tapos si Vance at yung isa niyang kaibigan."
Tumango si Papa. "Para sa birthday ni Rox iyan diba? Sige na at mag-iingat kayo."
Dumiretso na muna ako sa 7/11 dahil doon na lang daw kami magkikita. May dinaanan pa kasi si Vance dahil inaasikaso niya yung mga requirements para sa city scholarship.
"Beatrice! Dito ka!" si Cyril iyon. Kinawayan niya ako nang makita niya ako. Dumako ang tingin ko sa kasama niya. Si Nash iyon, kaibigan din ni Vance.
"Wala pa yung isa?"
Umiling si Nash. "Na-stuck doon sa may rush ID. Ugali kasi eh sabing huwag makipagsabayan sa iba ayan tuloy!"
At sa mga nagdaan na buwan, ang dami ring nangyari na hindi ko inasahan. Tulad na lang nitong dalawang kasama ko. Nagulat na lang ako na sila pala! Last time I checked, may pinopormahan na babae si Cyril tapos nalaman ko na lang na sila na pala ni Nash.
Matagal ko nang alam na bisexual ang kaibigan ko. Ang hindi ko lang talaga inasahan ay sa lahat ng tao bakit tropa na naman ni Vance?!
"Tiisin mo muna kami ni Nash. Love mo pa rin naman ako diba?" si Cyril iyon na nakangisi habang nakatingin sa akin.
"Sige lang. Bili muna ako ng slurpee."
Bumili na lang muna ako ng maiinom at makakain. Habang nasa counter hindi ko naman mapigilan na mapangiti habang pinagmamasdan ko na nagkukulitan si Nash at Cyril. Nakahanap siya ng katapat niya. Parehas din 'tong maingay at hindi nagpapatalo, eh.
"What if challenge na lang muna tayo habang wala pa si Vance," rinig kong sabi ni Cyril.
"Tangina ayan na naman siya sa mga trip niya tapos siya unang mapipikon."
"Gagong 'to what if lang naman? Hindi naman totoo! Dali na parang gago ka kasi."
Pagod na tumango si Nash. "Sige, ikaw una."

YOU ARE READING
It's the Same Old Song (The Runaway Girls Series #4)
RomanceThe Runaway Girls Series #4 Janna Beatrice Regalado is the breadwinner of her family. Mag-aral nang mabuti. Magtapos ng pag-aaral. Maghanap ng magandang trabaho. Pag-aralin ang mga kapatid. She was treated like a damn investment-ang anak na mag-aaho...