Hope
Dalawang taon. Akala ko dalawang taon lang ang kailangan ko para makabawi pero tinupok ng ekonomiya na 'to ang natitirang pag-asa sa puso ko. Kulang na kulang pala 'yon. Sa dami ng bills na kailangang bayaran, sa dami ng responsibilidad na nakaatang sa akin, ni singkong duling hindi ko na maibigay sa sarili ko.
Akala ko noon kapag naka-graduate ako okay na. Akala ko sapat na yung nakatapos na ako ng Magna Cum Laude dahil makakahanap agad ako ng trabaho na may malaking sahod. Syempre kaya ko nga pinagsumikapan iyon dahil akala ko mas mapapabilis ang lahat sa akin.
Hindi naman pala. Mas mahirap pala ang buhay pagkatapos ng graduation. Parang mas okay pa noong nag-aaral ako. Hindi ko inakala na ganito pala kahirap na wala na akong ibang choice at ito na lang ang gagawin ko sa buong buhay ko. Isipin ko pa nga lang na ganito pa rin ang kalagayan ko sa mga susunod na taon, nasasakal na ako.
Okay lang naman sana kung nakauwi si Mama sa nakalipas na dalawang taon pero hindi. Bigla na lang siyang hindi nagparamdam at naglaho na parang bula. Hindi ko nga alam kung saan siya hahanapin at kung paano ko siya mahahanap. May sapat na pera ba ako para magawa 'yon?
Sa pera lang naman umiikot ang mundo. Pumunta na ako ng embassy pero hanggang ngayon nakapila pa rin ang hinaing ko. Syempre hindi naman nila priority dahil nga wala kaming pera at ang natitirang option ko na lang ay ang pumunta sa Hong Kong para doon siya hanapin.
Mahal ang ticket. Mahal din ang pananatili doon kung gusto kong magtagal para lang mahanap siya at syempre kailangan ko rin ng pera para magpatulong sa mga awtoridad doon.
"Hindi ko pa kaya," sagot ko kay Vance. "Hindi ko pa kayang sumama sa'yo hangga't hindi ko pa nahahanap si Mama."
"That's it. Dito lang din ako sa bansa at hindi ako aalis."
"Vance..." Huminga ako ng malalim bago ko inabot ang kamay niya. "Huwag mong sayangin ang opportunity na 'to. Ayos lang naman ako sa long-distance relationship."
"Pero ako hindi ako ayos," agaran niyang sagot. "Kung saan ka, doon din ako. Option ko lang naman iyon pero maayos naman sa Cloudflare."
"Option? Naririnig mo ba ang sarili mo? Riot Games na mismo ang nag-reach out sa'yo. Ibig sabihin nakitaan ka nila at ang game mo ng potential! Hindi ba pangarap mo 'yan? Huwag mong palagpasin dahil lang sa akin."
I know he's struggling. I was there when he first got that email. The way his eyes lit up with hope and wonder, I remember it all too well. It was like seeing his dreams materialize right in front of him. This opportunity is everything he's been waiting for.
Hindi ko hawak ang mga desisyon niya sa buhay pero ang mga ganitong oportunidad ay hindi dapat pinapalampas! It's once in a lifetime, take it or leave it. Wala ng next time.
"Marami pang pwedeng mangyari. Hindi lang naman sila ang nag-iisang game developer sa buong mundo," he answered like it wasn't a big deal!
"Hindi nga sila nag-iisa pero hindi tayo sigurado kung may iba pang tatanggap sa'yo!"
Natigilan siya sa sinabi ko. No, I didn't mean it that way. Siguro naghalo-halo na ang frustration ko kaya nasigawan ko siya pero hindi ko iyon sinasadya.
"Wala kang tiwala sa akin?" nasasaktan niyang tanong.
"That's not my point!" frustrated kong sagot. "Hindi tayo pwedeng umasa lang sa what ifs! Alam na alam mong hindi sa gano'n tumatakbo ang mundo! Tanga lang ang gumagawa niyan."
"Maayos naman sa Cloudflare. Maganda ang benefits. Hindi naman kulang sa sahod tapos malapit na akong ma-promote. Pwede na iyon," pangungumbinsi niya sa sarili niya. Binalewala ang huli kong sinabi.

YOU ARE READING
It's the Same Old Song (The Runaway Girls Series #4)
RomanceThe Runaway Girls Series #4 Janna Beatrice Regalado is the breadwinner of her family. Mag-aral nang mabuti. Magtapos ng pag-aaral. Maghanap ng magandang trabaho. Pag-aralin ang mga kapatid. She was treated like a damn investment-ang anak na mag-aaho...