Chapter 49

3.6K 70 26
                                    

Date

I went back to Philippines after I finished my master's and a lot has drastically changed since I left. Akala mo isang dekada akong nawala dito. Nagmistula tuloy akong dayuhan sa bansa na kinalakihan ko naman.

Hindi ko naman masasabing masama ang mga pinagbago dito, lalo na sa buhay ng mga taong mahalaga sa akin. I went home immediately as soon as I heard that Bella was finally graduating from college. Yes, after those long and hard years, she finally earned her degree.

It definitely wasn't a smooth road, lalo na sa kalagayan niya. Kaya inabot siya ng ilang taon bago niya tuluyang natapos ang pag-aaral. But the good thing is, my little sister improved a lot. She managed to stand up for herself and even earned a Latin honor.

Well, she's not so little anymore. Malaki ang naitulong ng buwan-buwan naming pagpapa-therapy sa kaniya noon. Kaya na niyang magsalita nang hindi nauutal. She can handle looking you straight in the eyes when talking. And now, she's working at a pet shelter.

Proud is an understatement. Words couldn't do justice to how I feel about my Bella.

"Tita, nood pa po tayo ng cartoons, please? Huwag niyo na lang po sabihin kay Papa."

And of course, may anak na rin si Blue. Pagkatapos ng ilang taon niyang pagtatago sa imaginary girlfriend niya, nagbunga rin ang lahat ng 'yon. She's not imaginary anymore, and they've been married for four years.

Three years old na ang panganay nila, at kasalukuyan pang buntis ang asawa niya para sa pangalawa nilang anak. He's definitely not the happy-go-lucky Blue I knew before.

"Okay, pero one episode na lang, ha? Kailangan mo na mag-sleep ng early ngayon dahil bukas uuwi na ang Papa at Mama mo galing sa vacation nila."

Juliet giggled and laid her head on my lap. "Pagkauwi po ba nila, kasama na rin po ba nila ang little sister ko? Ang sabi po sa akin parating na raw po siya, pero bakit ang tagal naman po?"

"That's because Papa Jesus is still busy taking care of your sister, and when He sees you behaving well, He will finally let your little sister go. Kaya magpakabait ka para makarating na ang little sister mo."

"Okay po. Turn off the TV na po pala para makarating na po ang little sister ko. I will sleep early from now on. No more hiding chocolates," she declared while clutching her little penguin.

Nilahad ko ang kamay ko. "Where's the chocolates?"

Juliet pouted before pulling my hand to guide me to where she hid the chocolates. Pumasok kami sa kwarto niya at nakita ko kung paano niya binuksan ang isang drawer. Kinuha niya ang mga damit bago niya inilabas ang mga chocolate na itinago niya.

"Tita, please don't tell Mama. Hindi na po ulit ako magtatago ng chocolates."

Lumuhod ako para mapantayan ang pamangkin ko. "Hmm... paano naman maniniwala si Tita na hindi mo na ulit uulitin ang pagtatago ng chocolates?"

"Pinky promise?" maluha-luha niyang tanong pero nginitian ko siya.

"Okay, pinky promise."

Ikinawit ko ang pinky finger ko kay Juliet bago ko siya pinatulog. Mabilis lang din naman siyang nakatulog dahil kanina ko pa napansin na naluluha na siya sa antok. Talagang pinipilit na lang niya ang sarili na magising dahil gusto pang manood.

Juliet is a spitting image of mine. Nang minsan ko nga siyang isinama sa pamamasyal, akala ng mga tao anak ko siya. Although sometimes, I can't help but wonder—what if I had children? Mag-iiba kaya ang buhay ko ngayon?

Minsan naiisip ko na lang na magpabuntis tapos buhayin ang bata mag-isa. Although, that's a silly thought. Masyado na rin akong matanda para magbuntis. Hindi pa naman ako menopause, pero risky na.

It's the Same Old Song (The Runaway Girls Series #4)Where stories live. Discover now