Chapter 10

5.9K 99 11
                                        

Done

Bumungad sa akin pagkabalik ko sa school ang malaking tarpaulin na naka-display sa gate. Picture iyon ng lahat ng naging NSPC qualifier at may greetings din galing sa principal namin. Katabi rin ng tarpaulin na iyon ay ang isa pang tarpaulin na para naman sa team nila Vance dahil sa pagkapanalo nila sa Hackathon sa Singapore.

Nagmukhang gallery ni Vance ang gate ng school dahil ilang tarpaulin na ang nakasabit doon na puro picture niya lang din ang nakalagay.

"Can't get enough of my face?"

Kumunot ang noo ko nang maramdaman kong tinabihan ako ni Vance habang tinitingnan ko ang lahat ng tarpaulin na naka-display sa gate.

"You mean sawang-sawa na ako. Isipin mo papasok pa lang ako ng school pero sira na agad araw ko dahil sa mukha mo," iritado kong sagot.

"Ouch sakit mo naman. Hindi ba pwedeng magsinungaling ka na lang?" madrama niyang saad. "After class, ha! Review daw ulit."

I shrugged. "Oo na."

Marami na nga akong kailangang habulin pero mas lalo pang nadagdagan iyon nang kuhain kami ni Vance para sumali sa quiz bee. General knowledge lang naman ang sakop pero hindi kami pwedeng magpakampante dahil kung minsan ay sa basic pa kami nadadali.

By partner ang representatives na kailangan ng bawat school at dahil biglaan lang iyon, kami na agad ang kinuha. Kung medyo napaaga ang announcement baka nagpa-quiz bee pa sila sa buong grade level para kumuha ng ilalaban pero dahil nagmamadali na sila wala na silang choice kung hindi ang piliin kaming dalawa.

Si Charles dapat ang ka-partner ko pero busy daw ang STEM ngayon para sa investigatory projects nila. Gusto ko nga sanang mag-protesta dahil busy rin ako. National level na nga sa last week ng buwan na ito.

"Hindi ko alam kung OA lang ako pero parang nag-iba yung hangin simula nang bumalik ka galing sa RSPC," si Ria iyon na bigla na lang sumulpot sa tabi ko.

"Nag-iba ang hangin? Amihan season na kasi."

She frowned. "Ganda ng joke mo tangina huwag ka na uulit."

Ginamit ko ang vacant namin para magbasa ng mga notes ko noong junior high para kahit papaano ay ma-refresh ang utak ko. Pinili kong mag-focus sa basic dahil iyon pa naman ang madalas kong nakakalimutan.

"Ceasefire ba kayo ni Vance?" tanong naman ni Cyril.

"Oo nga parang ang close niyo na after ng RSPC. May nangyari ba? Gago talaga 'tong tropa natin masyadong masikreto."

Umiling ako. "Nothing special happened."

"So, are we going to act like we never saw his story?" singit ni Cayeen.

"Kabisado namin pagmumukha mo, Beatrice. Hindi kita mukha mo doon sa picture pero alam naming ikaw yung kasama niya sa Jollibee!" bulalas ni Roxanne.

"May tinatago talaga 'tong tropa natin."

I sighed out loud. "Fine. Oo na. Ako yung kasama niya. Okay na?"

Matapos kasi naming kumain sa Jollibee, nag-story si Vance pero hindi naman talaga kitang-kita doon ang mukha ko. Kinuhaan niya lang ng litrato yung lugar at nahagip ang buhok ko doon. Naglagay pa nga siya ng note sa baba.

a reward indeed.

Alam ko kung anong ibig niyang sabihin dahil hindi naman din ako tanga para hindi mahalata iyon. Mali ko lang na pinagbigyan ko siya kaya sa tingin ko ay umaasa siya sa akin ngayon kahit na wala naman siyang dapat na asahan.

"That's just me being nice. Naging shitty kasi ang experience nila sa RSPC at dahil nasa iisang team kami medyo naging concerned din ako," dagdag ko pa.

It's the Same Old Song (The Runaway Girls Series #4)Where stories live. Discover now