Cake
"Pa, huwag na po kasi kayong uminom. Kung may problema po kayo pwede niyo naman po akong kausapin."
My father glanced at me wearily. "Birthday mo 'nak diba? Happy birthday!"
Sinubukan ko namang ngumiti habang hinahain ko ang almusal namin para sa araw na ito. Mabuti na lang talaga at tumapat sa walang pasok ang birthday ko.
"Opo kaya upo na kayo d'yan. Maaga akong nagluto ng spaghetti kanina tapos bumili rin ako kagabi ng cake. Hindi niyo na po naabutan kasi lasing na naman kayo."
"Kinakausap ka pa ba ni Isabella?" malungkot na tanong ni Papa.
The truth is... we never really talked that much for the past few months. Naging ganito na lang din ang cycle ng buhay ko. Buong araw sa school, uuwi tapos madadatnan si Papa na lasing at ang bahay na wala man lang pagkain.
Nakakapagod na rin.
Hindi ko na rin nakakausap si Mama. Kung magcha-chat man siya magsasabi lang siya na nakapagpadala na siya. Sa tuwing tinatanong ko naman hindi rin sumasagot. Wala ring balak magpakatotoo sa kung anong nangyayari sa kaniya sa ibang bansa.
At kahit may agam-agam at mga balita akong naririnig tungkol kay Mama, isinasantabi ko iyon dahil matibay ang paniniwala ko sa kaniya na hindi niya gagawin 'yon. Saksi ako mula pa pagkabata kung gaano niya kami kamahal kaya alam kong hindi niya magagawa sa amin 'yon.
"Pa, huwag ka masyadong mag-alala. M-maayos naman daw siya at saka inaalagaan din siya ng amo niya doon."
"H-happy birthday ate!" si Bella 'yon na kagigising lang at yumakap sa akin.
I smiled at her. "Thank you, Bella ko. Halika na at kumain ka na dito."
Inalalayan ko ang kapatid hanggang sa makaupo siya. Nilagyan ko na rin ng pagkain sa plato niya bago ako umupo sa tabi niya. Lumingon ako kay Papa at nakita ko ang paninitig niya sa akin. May halong pait at lungkot iyon bago siya yumuko.
"Habang tumatagal mas lalo mo siyang nagiging kamukha..." namamaos niyang bulong.
Nakaramdam ako ng kirot nang marinig ang sinabi ni Papa.
"Pa, tikman mo itong cake. Masarap 'yang flavor na 'yan tapos itong spaghetti rin maraming cheese."
"Pasensya ka na 'nak kung nagiging pabigat ako sa'yo."
Umiling ako. "Pa, huwag mong sabihin 'yan. Hindi naman kayo pabigat sa akin kaya sige na po. Kumain na kayo para hindi ako magtampo sa inyo."
"Sabihin mo kay Isabella na tumawag na siya sa akin. M-miss na miss ko na siya 'nak."
"Opo, sasabihin ko. Kain na po kayo please."
Napangiti ako nang makita kong nagsimula nang kumain si Papa. Gano'n din si Bella na mukhang tuwang-tuwa sa kinakain niya. Dumako ang tingin ko sa bakanteng upuan sa tabi niya.
"Blue! Gising na! Kain na!" sigaw ko.
Mapait akong napangiti. Natapos na lang kaming kumain tapos hindi pa rin lumalabas si Blue sa kwarto niya. Nitong mga nakaraang buwan naman napansin ko ang pagiging mainitin ng ulo ni Blue. Gabi na rin umuuwi at may bahid din ng amoy ng sigarilyo sa uniform niya.
Ilang beses ko na ring tinanong kung naninigarilyo ba siya pero tinatanggi niya naman. Tinigil ko nga lang ang pagtalak sa kaniya dahil baka mas lalong lumayo ang loob niya sa akin at iyon ang ayaw na ayaw kong mangyari dahil hindi naman kami magkaaway. Kung malaman kong naninigarilyo siya natural na madi-disappoint ako pero hindi ko siya kamumuhian.
"Pa, may lakad lang po kami ni Vance. Uuwi rin kami mamaya."
Tumango siya. "Ingat kayo 'nak."
"Blue, ikaw bahala dito. Pagbawalan mo itong si Papa na uminom tapos siguraduhin mong makakakain si Bella sa tamang oras."

YOU ARE READING
It's the Same Old Song (The Runaway Girls Series #4)
RomanceThe Runaway Girls Series #4 Janna Beatrice Regalado is the breadwinner of her family. Mag-aral nang mabuti. Magtapos ng pag-aaral. Maghanap ng magandang trabaho. Pag-aralin ang mga kapatid. She was treated like a damn investment-ang anak na mag-aaho...