Hi! This is the last chapter of It's the Same Old Song. Thank you very much for keeping up with me on this journey. See you in Outro (Vance's POV)!
Song
Okay, binabawi ko na.
I acted exaggerated a while ago. Wala rin naman akong karapatan para pigilan si Vance dahil buhay niya 'yon. If he got tired and sick waiting for me, then fine! Kasalanan ko rin naman 'yon dahil masyado akong matagal.
But I don't wanna regret this without shooting my shot. So, I'm gonna try. One last time. Kung makukuha ko siya, edi masaya. Kung hindi, edi shot puno na lang.
I'm gonna go all out with this one. Bahala na kung nakakahiya, wala na akong pakialam! He did this... the chasing... repeatedly before after being rejected by me over and over again. Wala pa ito kung ikukumpara sa mga naranasan niya noon.
"Kap, may huhukayin lang po. Hindi ko gagalawin yung mga tanim, promise! May titingnan lang po talaga ako doon sa may puno."
The barangay captain scratched his nape and nodded. "Oh siya, basta isama mo itong si Badong para maghukay d'yan!"
"Thank you, Kap! Nagpadala na rin ako ng isang bilaong pancit sa barangay hall. Pakabusog po kayo!"
Nagmamadali kong tinahak ang community garden malapit sa dati naming tinitirhan dito sa San Pedro. I just wanna check... dahil ako hindi ko pa limot kung ano yung binaon ni Vance dito noong mga bata pa kami.
"Ma'am, ano po ba yung gusto niyong hanapin dito?" pang-uusisa pa ni Badong habang nagsisimula na siyang maghukay.
"It's something important to me."
Tumango siya. "Okay po."
Inusisa ko ang phone ko habang naghihintay kay Badong. I received a confirmation email from the hotel accommodation I booked in Bangkok. Pahirapan pa nga 'yon dahil mukhang may event sa Thailand kaya punuan halos ang mga hotel.
Even the flights are so expensive! It was triple the normal price. Muntik na akong mapamura kanina, but then I had to remind myself that I am gonna go all out. Kung mabutas man ang bulsa ko ngayon, kikitain ko pa naman 'yon.
"Ma'am, may nakita akong bote dito. Mukhang matagal na 'tong nakabaon dito. Ito po ba yung hinahanap niyo?"
Inangat ni Badong yung pamilyar na bote na matagal ko nang hindi nakikita. Kahit puno 'yon ng lupa, agaran kong hinablot 'yon mula sa pagkakahawak niya. I quickly opened the bottle and took the paper inside.
"Si Beatrice lang ang magiging crush ko."
The childlike handwriting on the paper made me smile. It was the twelve-year-old Vance speaking. Nangako pa siya noon na pagkatapos ng sampung taon babalikan namin ito para lang mapatunayan na ako lang ang magugustuhan niya.
"Parang time capsule lang. Ibabaon ko dito tapos babalikan natin siguro pagkatapos ng limang taon? Sampung taon? Ano sa tingin mo?"
If only he knew... that it wasn't just ten years. It was twenty years... or more than that if I'm being honest.
Mabilis kong pinunasan ang nangingilid kong luha. Vance loved me all throughout his life. Minsan mapapatanong na lang ako kung bakit ako? Kasi wala siyang ibang minahal kung hindi ako lang. And yet, all I did in return was hurt him.
Looking back at the years we've spent together, I realized we really went through all those phases together. Elementary hanggang senior high school. We became rivals, we made up, and then became lovers. Hanggang college where we built our dreams. We graduated together, and started to fulfill them.

YOU ARE READING
It's the Same Old Song (The Runaway Girls Series #4)
RomanceThe Runaway Girls Series #4 Janna Beatrice Regalado is the breadwinner of her family. Mag-aral nang mabuti. Magtapos ng pag-aaral. Maghanap ng magandang trabaho. Pag-aralin ang mga kapatid. She was treated like a damn investment-ang anak na mag-aaho...