Chapter 17

5.3K 86 16
                                        

Blood

Maybe that decision wasn't so bad after all. Napansin ko rin kasi na mas lalong gumaan ang pakiramdam ko. Siguro totoo nga ang sinasabi nila na nakakawala ng bigat sa dibdib ang pagpapatawad at pagtanggap. Hindi ko rin naman masasabi na bumalik na kami ni Vance sa dati pero kahit papaano ay may pagbabago naman na.

Binabati ko siya kapag binabati niya ako. Kung minsan ay nagagawa ko pang ngitian. Most importantly, I no longer see him as a rival. My judgment for the past few months was influenced by my emotions, and now I have a clearer view of everything.

"Mag-ingat kayo ni Bella, ha!" paalala sa akin ni Papa habang nag-aayos ako.

"Opo, kawawa rin naman kasi. Gusto na pong mamasyal kaya isasama ko na lang sa NBS para malibang naman."

Hinihintay ko na lang si Bella na lumabas sa banyo nang makita kong may chat sa akin si Vance. Sinilip ko na lang muna iyon at nagtipa ng sasabihin.

Vance Emerson Dela Vega

tanong mo raw sa papa mo kung order din ba siya ng embotido

oo raw pasabay na raw

tanong mo na rin kung payag ba siyang maging boyfriend mo ko

hindi raw

weh hindi mo naman tinanong eh

kasi hindi naman ako papayag hahahahahahaha

ihhh sige susuyuin na lang kita < 33

Humalakhak naman ako at magtitipa na sana ng reply nang marinig ko ang sigaw ng kapatid ko galing sa banyo. Muntikan ko pang mabitawan ang phone ko kaya nilapag ko muna iyon bago ako dumiretso doon.

"Mamamatay na po ako! Ayaw ko pa mamatay! Ayaw ko pa po!"

"Bella, anong nangyayari? Buksan mo ang pinto!" sigaw ko.

"May dugo po! Natatakot ako!" pagwawala pa niya.

Dugo?

Marahan ko siyang kinatok dahil kinakabahan na ako. Nagsilapitan na rin sila Papa at Blue na mukhang nabahala na rin sa pagsigaw ni Bella.

"Ate, natatakot po ako. Ayaw ko pa pong mamatay! Wala pong mag-aalaga kay Mr. Bob tapos ayaw ko po kayo ma-sad."

Huminga ako nang malalim. "Okay, ano bang nangyayari? Buksan mo muna ang pinto para matulungan ka ng ate. Hindi ka mamamatay, okay?"

"P-pero may dugo po..."

I think I know what it is. Makahulugan kong tiningnan si Papa at mukhang nahinuha niya na rin ang gusto kong iparating. Ilang saglit lang ay umalis siya sa tabi ko kaya pumasok na ako sa loob ng banyo dahil binuksan na ni Bella ang pinto.

Nakaupo si Bella sa sahig at mukhang takot na takot. Mabilis ko naman siyang niyakap habang pinupunasan ang luha niya.

"Pag wiwi ko po may dugo po," pagsusumbong niya. "Ate, natatakot po ako. Diba po pag may dugo bad iyon? Mamamatay na po ba ako? Ate, ayaw ko pa pong mamatay."

Umiling ako. "Hindi ka mamamatay, Bella. Makinig ka sa sasabihin ng ate."

"N-natatakot po ako. S-sabi mo po hindi pa ako mamamatay pero bakit po may dugo?" Hikbi pa niya kaya marahan kong pinunasan ang luha niya.

I smiled. "Ibig sabihin lang niyan ay nagdadalaga ka na. Tumatanda ka na kaya nangyayari iyan at normal lang iyan. Dumaan din sa gan'yan ang ate."

"Tumatanda? Parang kayo po nila Mama?" kuryoso niyang tanong. Medyo tumahan na rin.

It's the Same Old Song (The Runaway Girls Series #4)Where stories live. Discover now