Note: There's still a lot more to come for Vance and Beatrice! Unlike the previous installments, this story consists of 50 chapters (excluding Vance's POV), so we're only halfway through. Thank you for being patient with my updates. I'm a struggling college student, so please bear with me. I'll update whenever I get some free time, so updates might not be as frequent as they used to be.
Alone
Ang mga sumunod na linggo at buwan ay naging mahirap para sa akin. Ang tanging pinanghahawakan ko na lang talaga ay ang pera na nakukuha ko sa pagtuturo kay Laura. Hindi ko masasabing humupa ang kagaspangan ng ugali ni Carlos pero hindi na rin iyon tulad ng dati na pinapaulanan niya ako ng masasakit na salita.
Hangin. Gano'n na ang turing niya sa akin tuwing pumupunta ako sa condo nila. Mas pabor pa nga kung tutuusin dahil iniiwasan ko na rin talaga na magkasagutan kami na sa kabutihang palad ay hindi na ulit nangyari.
"Congratulations, Laura. Proud ako sa'yo!"
Her smile grew wider. "Thank you, ate! Buti ka pa proud sa akin. Samantalang sila Mommy hindi man lang ako binati. They just sent me some cash to buy something for myself. Hindi naman 'yon ang kailangan ko eh pero wala they suck as usual."
"Since with honor ka, we're taking a break today. What do you want to do today? Sasamahan kita kahit ano pa 'yan."
"Really, ate? You'll do whatever I want?"
Oh, shit. Did I make the wrong decision? But I can't take it back. Lalo na ngayong halos magningning na ang mata ni Laura dahil sa sinabi ko.
"Basta kaya ko, Lau. Huwag lang kalokohan, ha?"
"Of course, ate. Baka nga magustuhan mo pa ang balak ko."
Nagtaas ako ng kilay. "At ano naman 'yon?"
"We're going to dress up and take photos!"
Hindi na rin masama.
"Okay, let's do that."
"Y2K ang theme natin, ate. May camera ako dito tapos pwede tayong mag-improvise ng mga gamit dito para sa props at background! Salo ko na ang editing, ate. All you have to do is smile and pose for me."
Dahil mukhang nage-enjoy si Laura, hinayaan ko na lang siya sa mga gusto niyang gawin. Siya na rin ang namili ng isusuot ko at siya rin ang nag-ayos ng makeup ko na fit para sa gusto niyang theme.
Inabot kami ng halos dalawang oras sa pag-aayos ng background kasama na rin doon ang pag-aayos namin ng sarili.
"Ate Beatrice! Ang pretty pretty mo! Hindi na nakapagtataka na masama ang loob ni kuya sa'yo dahil sa pag-reject mo sa kaniya."
"Tigilan mo nga ako, Lau. Bolera ka rin talaga."
"Check mo kaya sarili mo sa salamin. Baka ma-inlove sa'yo lalo boyfriend mo 'te kapag nakita niya na magiging result ng photoshoot natin."
Hinawakan ni Laura ang magkabila kong balikat at sapilitan niya akong pinaharap sa salamin. Doon ko lang nakita ang kabuuan ko.
Pinasuot ako ni Laura ng kulay pink na baby tee at low waist na jeans. Dahil nga low waist iyon, na-expose ang tiyan ko dahil na rin sa liit ng shirt na pinili niya para sa akin. Nagsuot din ako ng kulay pink na sinturon na parang ginamit lang for design dahil hindi naman mahigpit iyon.
Hinati niya rin ang buhok ko kaya ngayon ay naka-two ponytail na iyon. Mababa lang naman kaya medyo sumasayad iyon sa balikat ko. Ang ilang hibla ng buhok ko ay sadya namang nakalaglag sa magkabila kong pisngi. Nilagyan niya rin ng star na hairclip ang buhok ko tapos ay pinasuot niya ako ng pink na salamin.

YOU ARE READING
It's the Same Old Song (The Runaway Girls Series #4)
RomanceThe Runaway Girls Series #4 Janna Beatrice Regalado is the breadwinner of her family. Mag-aral nang mabuti. Magtapos ng pag-aaral. Maghanap ng magandang trabaho. Pag-aralin ang mga kapatid. She was treated like a damn investment-ang anak na mag-aaho...