Chapter 4

135 17 15
                                    

Avatar

"Tangina kinakabahan na ako para bukas tapos itong ICT nagawa pang mag-inom. Saan kaya sila nahugot ng lakas ng loob para mag-inom?!" reklamo ni Cyril sa tabi ko.

Busy na ang buong section namin sa pag-aayos ng mga props na kailangan namin para bukas. Hindi naman gano'n karami ang props pero may mga backdrop kasi kami na gagamitin kaya naging medyo matrabaho.

Hindi yata mawawala sa dugo naming lahat ang pagiging competitive kaya kung kailangang bonggahan ay talagang gagawin namin. Kung makaagaw man ng pansin ng lahat, walang kaso sa amin iyon dahil iyon naman talaga ang gusto naming mangyari bukas.

"Paano mo nalamang nag-iinom lang sila?" tanong ni Ria.

"Kita ko lang sa myday ni Janus. Proud pang pinagsisindi si Vance ng gin."

"Gago sana all may time pang mag-inom," komento pa ng isa kong kaklase.

Napangiwi na lang ako habang nakikinig sa usapan nila. Buong araw kaming gumagawa ng props para bukas tapos nag-iinom lang sila? Halos hindi na nga ako makatulog nang maayos dahil sa dami ng kailangan kong asikasuhn.

All I could say is sana all.

"Tingin nga!"

Dahil curious din ako, pasimple akong umurong sa tabi ni Cyril para makita ko ang myday ni Janus. Binalikan ni Cyril yung timeline ni Janus para mapakita sa amin yung story niya. Sa sobrang dami ng story akala mo may powerpoint presentation na doon.

Bumungad sa amin ang ingay galing sa myday ni Janus. Hindi ko alam kung kaninong bahay iyon pero marami sila doon at mukhang sila Vance ang pasimuno. May malakas na music din sa loob pero rinig naman namin ang pinag-uusapan nila.

"Channeling my inner avatar," natatawang sabi ni Vance bago niya sinindihan yung gin.

"Huh? Gago anong avatar?" sabi ng lalaki sa background.

Inalog pa ulit ni Vance yung bote ng gin at sinindihan. Matapos niyang gawin iyon ay tinakpan niya ang bukana ng bote. Hindi ko alam kung lasing na siya dahil tawa na siya nang tawa habang ginagawa niya iyon.

"Diba firebender si avatar?" sagot ni Vance.

"Tarantado, anong avatar? Aang kasi iyon!"

Pati mga kaklase ko natawa rin sa sinabi ni Vance. Kinagat ko naman ang labi ko para pigilan ang sarili ko na matawa.

"Aang ba iyon? Tangina, hindi naman kasi ako nanonood niyan."

"Hindi rin naman firebender si Aang!" sagot ng isa.

"Eh ano gago? Alam ko firebender iyon," singit naman ng lalaki na biglang naglapag ng chicharong bulaklak sa harap ni Vance.

"Waterbender ata."

"Anak ng puta hindi rin kayo sure, eh!" hagalpak ni Vance bago niya ulit sinindihan yung gin. Kumuha pa siya ng chicharon bago niya inalog yung bote.

"Ano na lang puta ulitin natin." Proud na pinaapoy ni Vance yung alak bago siya humarap sa camera. "Hello guys, this is Vance and I'm channeling my inner Pirena."

"Puta biglang lipat sa encantadia si gago oh!" sabi ng lalaki sa background sabay tawa.

"Mga hindi kayo sure, eh! At least kay Pirena sure tayong apoy iyon."

Hindi na napigilan ng mga kaklase ko na magsitawanan dahil sa myday ni Janus. Mamatay-matay pa yata kakatawa dahil nakahawak na sila sa tiyan nila habang pinapanood yung video.

"Hoy, huwag mong i-post!" sigaw ni Vance bago niya sinubukang agawin yung phone.

"Ano naman kung ipo-post ko? Hindi naman nagvi-view si Beatrice sa myday ko."

It's the Same Old Song (The Runaway Girls Series #4)Where stories live. Discover now