Chapter 7

211 18 15
                                    

Hate

Dalawang buwan na simula nang umalis si Mama at kahit papaano ay nakatikim na rin kami ng sinasabi nilang kaginhawaan. Nagpadala na rin siya ng pera at masasabi kong malaki iyon kung ikukumpara sa pinagsamang sahod ni Papa galing sa pamamasada at sa mga extra ni Mama noon galing sa paglalabada.

Kumain kami sa Jollibee tulad ng nakagawian namin at binilhan din kami ni Papa ng mga bagong damit at sapatos! Tuwang-tuwa si Mama dahil sa wakas ay nabibilhan niya na kami ng mga gusto namin. Hindi pa nga sana ako papayag dahil marami pa namang pagkakataon para doon pero wala na akong ginawa dahil pinilit nila ako.

"Ikot ka nga, anak. Oh diba sabi ko naman sa'yo bagay eh! Ayaw mo pa kanina," sabi ni Mama. Ka-video call namin siya habang nag-iikot kami dito sa department store.

I chose a white puff sleeve blouse and a pink skirt. For some reason, pink and white just hit differently for me compared to any other colors. Ngumuso ako habang nakatingin sa salamin ng fitting room. I have to admit that I really do look good in this color and outfit.

Maputi ako at maputla. Kung lalagyan ko ng kaunting kulay ang mukha ko, sa tingin ko mas lalong babagay itong suot ko. I bit my lip and tried to untie my hair. Medyo kumulot iyon dahil sa pagkakatali kanina.

"Ganda, anak! Bilhin mo na at iyan na ang isuot mo," dagdag pa ni Mama.

Kinuha ko ang phone ko at muling tinitigan ang sarili ko sa salamin.

"Ma... thank you po!"

Lumabas ako ng fitting room at napangiti dahil alam kong akin na itong suot ko. Hindi na lang ito imagination ko kapag tumitingin ako sa Pinterest ng mga outfit na pangarap kong suotin.

"Hoy, kuhaan mo nga ako ng picture para makapagpalit ako ng dp," pabalang na saad ni Blue.

"Gan'yan ba humingi ng tulong? Ayan oh mangalabit ka ng mga dumadaan. Sa kanila ka magpa-picture."

Sandaling umalis si Papa at Bella dahil nagmamaktol ang bunso namin at gusto niya ng isa pang chicken. Kami ni Blue ang naiwan dito sa isang parte ng mall na pwedeng tambayan dahil may damuhan sila. Marami ngang nagpi-picnic dito ngayon.

Bumuntong hininga si Blue. "Pa-picture na po please?"

"Akin na." Kinuha ko ang phone niya. "Saan ba?"

"Doon."

Tinuro niya yung isang mural at nakita kong maraming nagpapa-picture doon. Sinundan ko na lang ang kapatid ko hanggang sa makarating kami doon. Ilang minuto kaming naghintay bago umalis yung mga nagpapa-picture.

"Ilang shot ba?" tanong ko.

"Kahit ilan basta pogi ako sa picture ko, ah."

"Wala nang pag-asa mukha mo tanga."

He frowned. "Akin na nga iyan! Wala akong tiwala sa'yo."

"Dali na. Arte nito daig pa babae," bwisit kong sagot.

Mabuti na lang wala pang masyadong mga tao kaya nakapag-picture pa itong magaling kong kapatid.

"Paulit-ulit na lang pose mo. Ano bang meron d'yan sa gitna ng pants mo at laging nand'yan yung kamay mo? Asim mo tingnan."

"Uso iyan palibhasa taong tabon ka. Facebook ka rin kasi paminsan-minsan."

"Oh, ito na." Inabot ko ang phone niya. "Okay na siguro iyan?"

"Ayaw mo ba magpa-picture? Bulok na dp mo. Grade 6 ka pa doon. Uso rin magpalit."

Sandali kong pinasadahan ng tingin ang sarili ko. Ang ganda ng outfit ko... parang nakakapanghinayang naman umuwi nang wala akong picture.

It's the Same Old Song (The Runaway Girls Series #4)Where stories live. Discover now