Chapter 12

4.9K 102 18
                                        

Favor

"Who is the first editor of La Solidaridad?"

I was about to consult him for the answer, but instead, he took the chalk from me and wrote the answer on the small blackboard that was given to us. I feel so insulted. Kanina pa siya, ha! Hindi niya na nga ako pinapasagot at parang siya lang ang kasali dito at hindi ako!

"Graciano Lopez Jaena," sagot ko kahit naisulat niya na doon sa blackboard.

Hindi niya ako nilingon. Inangat niya ang board namin pagkatapos ng sampung segundo. Tama naman ang sagot pero hindi ako natutuwa na hindi niya ako binibigyan ng pagkakataon na sumagot!

"Akin na yung board. Ako na lang ang magsusulat!"

Inagaw ko yung board sa kaniya at mabuti naman dahil hindi niya ako pinigilan. Pikon na pikon na ako kanina pa. Siya ang may hawak ng board pero sa tuwing magsasabi ako ng sagot, may naisulat na siya doon. Ni hindi man lang ako tinatanong o kinakausap!

Alam ko namang hindi kami okay pero hindi ko naman inasahan na dadalhin niya iyon hanggang dito.

"What was Antonio Luna's pen name in La Solidaridad?"

Ginawa ko rin ang ginagawa sa akin ni Vance kanina pa. Hindi ko na siya hiningian pa ng sagot at ako na lang ang agad na sumulat ng sagot sa board.

"Taga-ilog."

Nilingon ko siya nang tinaas ko ang board namin pero nanatili lang ang tingin niya sa scoreboard sa harapan. Kami ang leading pero for some reason, hindi ako natutuwa. Siguro dahil nagmukhang individual ang dapat na by partner.

Lima na lang kaming magpo-proceed sa difficult round. Kanina pa rin kami tinitingnan nang masama ng teacher namin. Kaya ako na ang naglakas ng loob na harapin siya para kausapin. Hindi kami okay pero hindi niya pwedeng idamay ang quiz bee!

"Dela Vega..." tawag ko sa kaniya.

Hindi pa rin siya kumibo. Parang wala man lang narinig!

"Alam kong naririnig mo ako. Hindi ako tanga, okay? Alam kong hindi tayo magkaayos pero pwede bang makipag-cooperate ka sa akin?"

"Ano bang gusto mong gawin ko?" iritado niyang tanong.

"Kausapin mo ako bago ka magsagot hindi yung parang ikaw lang ang kasali."

"Sayang lang sa oras. 10 seconds lang ang meron tayo. Kung alam ko naman ang sagot bakit pa kita kakausapin?"

Pakiramdam ko nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya. Bigla ring sumikip ang dibdib ko sa hindi ko malamang dahilan. Tangina... alam kong may kasalanan ako pero ang gago niya!

I chuckled without humor. "You know what? Fine! Magsarili na lang tayo. Let's take turns answering."

"I'm just doing you a favor, Regalado."

Regalado.

Para akong kinilabutan doon. He addressed me by what? By my family name? He loves calling me Beatrice kaya naman ang marinig siyang tawagin ako sa apelyido ko ay nakakapanibago... parang hindi tama.

Tulad ng napag-usapan namin, nagsalitan kami sa pagsasagot. Alam kong dapat ay nagtutulungan kaming dalawa pero kahit papaano ay gumana naman sa amin ang strategy na iyon. Kung kasama nga lang sa criteria ang cooperation malamang bagsak na kami.

Fortunately, we managed to survive the quiz bee somehow. We won first place, but I wasn't happy at all. The process of getting there was something I did not expect, something I hated the most.

"As expected sa inyong dalawa! Congratulations!" bati sa amin ni Mrs. Legaspi habang sinasabitan niya kami ng medal.

"Thank you po," sagot ko.

It's the Same Old Song (The Runaway Girls Series #4)Where stories live. Discover now