Scar
Tanginang prom.
I was never the type to get this upset, but I was so mad at myself and even more pissed with Vance. What was that?! Alam ko namang hindi na kami magiging okay pero pinagmukha niya akong tanga dito! Pagkatapos niya akong sanayin na gusto niya ako bigla siyang mawawala na parang bula tapos makikita kong pumoporma na siya sa ibang babae?!
Hindi man lang pinaabot muna ng kahit tatlong buwan? Isang buwan pa lang ang lumipas simula nang mag-away kami, ah. Ang bilis niya naman makahanap ng kapalit o baka hindi lang talaga siya seryoso noong una pa lang? Fuck, pero ito naman ang gusto ko diba? Pero bakit pakiramdam ko pinaglaruan niya lang talaga ako?
Fuck him. Fuck you, Vance! Lalampasuhin talaga kita ngayong semester. I'll beat the shit out of you until you regret playing games with me. I'll make you see what you lost, and I'll fucking prove to everyone that I dodged a bullet.
Galit na galit talaga ako sa kaniya pero mas galit ako sa sarili ko dahil hindi na ako natuto. Siya itong naghahabol sa akin pero bakit parang ako ngayon ang uhaw na uhaw sa atensyon niya?! He liked me first! This is so fucking unfair!
Calm down, Beatrice. Kasalanan mo rin naman kung bakit ka nilayuan! Hindi mo rin kasi inaayos ang mga lumalabas sa bibig mo. I know I am at fault pero ang bilis kasi, eh. Ang dali niyang magpalit kaya pakiramdam ko parang hindi siya nagseryoso sa mga pinakita niya sa akin sa mga nakalipas na buwan.
Gustong-gusto niya raw ako pero bakit isang buwan pa lang ang nakakalipas may pinopormahan na agad siya? Sinungaling.
"Bili ka raw pandesal." Nagising ako sa mga iniisip ko nang marinig ko si Blue.
"Kahit ikaw talaga ang inutusan?"
"Ano ba namang mukha iyan?! Masyado pang maaga para mabwisit, ha."
Padabog kong inabot kay Blue yung pera. "Kung mukha mo bubungad sa umaga ko malamang mabibwisit talaga ako."
"Hindi mo lang partner si Kuya Vance sa prom, eh." Aniya na mas lalong nakapagpainis na naman sa akin. Baka ubusin ko na lang ang lahat ng mura ngayon sa sobrang galit ko!
Damn it. I even shed a tear for him! I can't believe na naluha ako kahapon at nakita pa iyon ni Charles. Mabuti na nga lang at siya lang ang nakakita dahil baka ano na lang ang iisipin ng iba kapag nalaman nilang naging gano'n ang reaksyon ko sa promposal ni Vance.
I admit I was affected, or probably it was my ego talking, because everyone knows that he likes me so much and I was kind of used to it.
"Hindi ko rin naman gusto na siya ang partner ko," pikon kong sagot.
"Weh? Selos ka yata, eh. Sino ba partner mo o meron ba?"
Binato ko naman siya ng unan. "Anong akala mo sa akin? May partner na ako syempre!"
"Sino?"
"Charles."
"Sino iyon? Saang lupalop naman nakatira ang hayop na iyan?" maangas niyang tanong.
"Hoy, wala ka talagang respeto. Mas matanda sa'yo iyon!"
Ngumiwi siya. "Si Kuya Vance lang gusto kong maging bayaw."
"Keep on dreaming." I answered sarcastically before I left our house.
Padabog akong nagmartsa palabas ng bahay. Oversized shirt at lumang maong shorts lang ang suot ko. May punit pa sa harap pero hindi ko na pinalitan dahil malapit lang naman ang bakery dito. Medyo magulo pa ang pagkakatali ko sa buhok ko kaya may nalalaglag pang iilang buhok sa mukha ko.
Hindi pa nga ako tuluyang nakakalayo nang may makita akong pamilyar na mukha. Mukhang bagong gising pa si Vance habang tulak tulak niya sa wheelchair ang tatay niya. Napansin ko pa ang bitbit nitong tupperware na parang may lamang pancit na kitang-kita dahil transparent iyon.

VOUS LISEZ
It's the Same Old Song (The Runaway Girls Series #4)
Roman d'amourThe Runaway Girls Series #4 Janna Beatrice Regalado is the breadwinner of her family. Mag-aral nang mabuti. Magtapos ng pag-aaral. Maghanap ng magandang trabaho. Pag-aralin ang mga kapatid. She was treated like a damn investment-ang anak na mag-aaho...