Goal
"Huwag mo sabihing ganito mararanasan natin tuwing face to face ang klase natin?!"
Pagod kong nilingon si Vance na nakangiwi habang lumulusong kami sa baha. Inaayos na lang namin ang ilang requirements namin bago mag-start ang klase. Obviously, sinundan niya na naman ako kahit may iba pang university na halos kaladkarin siya para lang doon mag-aral.
"I told you. Kung doon ka kasi nag-aral edi hindi m-"
"Nye nye nye I ain't hearing all that."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Okay."
Pumasok ako sa pinara kong tricycle at agad na nagbayad para sa isang tao lang.
"Ikaw lang mag-isa neng?" tanong ng driver.
"Opo."
"Sino 'tong nasunod? Boyfriend mo ba? Pasakayin na natin d'yan sa tabi mo."
I groaned frustratedly. "Kayo pong bahala."
"Saka na ang away ineng. Kawawa naman at maiiwan sa baha ang nobyo mo."
Umurong ako kahit wala nang espasyo. Nakita ko ang ngisi ni Vance habang pumapasok siya dito sa loob ng tricycle. Medyo basa na nga dahil inagaw ko yung payong sa kaniya kanina.
Pumapasok na sa loob ng tricycle yung tubig kaya basa na rin ang sapatos ko. Mabuti na lang nga at tinupi ko ang pants ko kaya hindi nabasa ang laylayan.
"Manong bahain po ba talaga dito sa Pureza?" walang hiyang tanong ni Vance.
"Oo kaya sa susunod magbaon na lang kayo ng bota para hindi naman masayang mga sapatos ninyo."
Nanatili ang tingin ko sa kalsada habang ramdam ko naman ang panakaw-nakaw na tingin ni Vance sa tabi ko. Disadvantage of being his girlfriend: palagi kang aasarin. Talo ako kasi aminado akong pikunin ako at tuwang-tuwa naman siya doon.
Kinalabit niya naman ako kaya iritado ko siyang nilingon.
"Miss, galit ka ba?"
Hindi ko siya sinagot.
"Luh baby sorry na nga. Ikaw naman kasi ayaw mo yatang schoolmate tayo, eh. Lagi mo na lang sinasabi na sana sa ibang school na lang ako nag-aral."
"Kasi nga may mas magandang opportunity sa'yo. Kung ako lang eh doon ako nag-aral at hindi dito pero wala akong choice."
Ngumuso siya. "Ikaw 'yon, hindi ako. Gusto ko dito kasi magandang school 'to."
"Maganda kasi nandito ako?" asar kong sagot.
"Yabang mo na baby. Saan mo natutunan 'yan?"
Kairita. Natawa agad ako sa sinabi niya. Hirap magalit sa isang 'to. Lagi akong tumitiklop. Palibhasa alam niya na rin kung paano kuhain ang kiliti ko.
"Yown! Ngumiti na siya. Bati na tayo?" pangungulit niya pa.
"Bitbitin mo bag ko. Ngalay na ako."
He knows it. Hindi ko na kailangang sabihin pa na bati na kami dahil gets niya na iyon.
"Oms kahit buong bahay niyo pa ipabuhat mo."
May mga kailangan na lang akong ipasa sa registrar at gano'n din ang kay Vance. Saglit lang naman talaga kaso kailangan kasing personal naming dalhin para maging officially enrolled na kami.
Pagkatapos ng ilang oras naming pila, naipasa na rin namin sa registrar ang lahat ng requirements namin. Matapos iyon ay naglibot muna kami sa campus para kahit papaano ay hindi naman kami maligaw sa tuwing may face to face kaming klase.

YOU ARE READING
It's the Same Old Song (The Runaway Girls Series #4)
RomanceThe Runaway Girls Series #4 Janna Beatrice Regalado is the breadwinner of her family. Mag-aral nang mabuti. Magtapos ng pag-aaral. Maghanap ng magandang trabaho. Pag-aralin ang mga kapatid. She was treated like a damn investment-ang anak na mag-aaho...