Experience
"Ikaw na pala sa reporting mamaya sa Rizal. Good luck, Beatrice!"
Hindi ko namalayan na isang buwan na ang nakalipas simula nang maghiwalay kami ni Vance. I was so busy that I lost track of the days. Nagdaan na ang pasko at bagong taon tapos ngayon nag-uumpisa na ulit ang klase.
One month passed in a blur. I didn't even have time to process what was happening. I was so numb that the days felt mechanical, like I was being controlled by some invisible system. Every move was calculated, every day was a routine programmed for me... and I felt nothing. I don't even remember crying. Just an overwhelming heaviness—that's all it was.
"Maikli lang naman report ko. From Hong Kong to Rizal's exile in Dapitan lang ang sakop ng ire-report ko," sagot ko habang hinahanda ang presentation ko.
Umupo si Karen sa tabi ko at sinilip ang presentation ko. "Parang may iba sa presentation mo."
"Hmm?"
"Basta may pattern yung designs ng mga presentation mo noon, eh. Ngayon kasi parang ibang tao gumawa o praning lang ako?"
Hindi siya praning. Katulong ko kasi si Vance gumawa ng mga presentation ko noon dahil mas magaling siya sa akin pagdating sa ganito pero ngayong hiwalay na kami, umasa na lang ako sa mga template tapos nilagyan ko ng kaunting edit.
Mapakla akong natawa. "Ayos na ang simple. Content naman ang mahalaga diba? Nababasa niyo rin naman kaya ayos na 'yan."
Nag-report ako at naka-receive ng 100 na grade. Hindi na rin masama dahil natuwa ang professor namin sa paraan ng pagdi-discuss ko. Maayos din naman daw ang ginawa kong presentation dahil simple 'yon at hindi masakit sa mata.
Kinuha ko ang hair clamp ko at tinalian ang mahaba kong buhok. Nakalaglag ang ilang buhok ko dahil hindi na kinaya ng clamp ko ang bigat ng buhok ko. Ayos na rin basta hindi dumidikit sa batok ko ang buhok ko.
"Oh, try mo 'tong shade na 'to. Feel ko bagay sa'yo," si Poppy iyon habang nag-aayos kami dito sa restroom.
"Hindi na. Uwian na rin naman tapos makikipagsiksikan din ako. Mahuhulas lang din kaya huwag na."
"Try mo lang! Hindi rin naman masamang umuwi na maganda, ah?" She smirked.
Hinablot niya ang kamay ko at pinatong sa palad ko yung lipstick. Ngumisi siya kaya naman humarap ako sa salamin. Sinubukan ko ang shade na 'yon at hindi ko maitatanggi na bagay nga sa akin 'yon. Hindi 'yon kasing-pula ng gamit ko. Sakto lang sa kulay kong maputla.
"Ano? Ganda diba?"
I nodded. "Thank you, Pops."
"Regalo ko na 'yan sa'yo. You're welcome."
"Huh? Mahal 'to! Huwag na!"
Her eyes turned to slits. "Magtatampo ako kapag hindi mo tinanggap 'yan. Sige na at belated Christmas gift ko na 'yan sa'yo! Binigyan ko na sila Karen noong pagkatapos ng midterms kaya nahuli 'yan."
"Sira ka talaga. Hindi naman kailangan pero thank you. Babawi ako sa'yo."
"Hindi mo kailangang bumawi, Beatrice. Binigay ko 'yan sa'yo kasi mahal kita, okay? Kung kailangan mo ng kausap huwag ka mangiming magsabi sa akin."
"Swerte ni Damian sa'yo, ano?"
Natahimik siya sa sinabi ko pero agad ding ngumiti. "No, ako ang swerte sa kaniya."
Hindi ko rin napigilang mapangiti nang makita ko ang ngiti niya sa salamin.
"Alam mo naman kung gaano ako ka-pasaway," panimula niya kaya humalakhak ako. "Aware din naman si Damian doon pero ang tindi ng pasensya niya. Biggest factor na rin siguro yung pasensya niya kung bakit kami umabot ng tatlong taon."

YOU ARE READING
It's the Same Old Song (The Runaway Girls Series #4)
RomanceThe Runaway Girls Series #4 Janna Beatrice Regalado is the breadwinner of her family. Mag-aral nang mabuti. Magtapos ng pag-aaral. Maghanap ng magandang trabaho. Pag-aralin ang mga kapatid. She was treated like a damn investment-ang anak na mag-aaho...