Chapter 28

4.4K 74 16
                                        

Break

Trigger Warning: This chapter contains a depiction of a suicide attempt. Reader discretion is advised. Please prioritize your well-being and seek support if needed.

Midterms week na namin. Pagkatapos nito magkakaroon kami ng mahabang break kaya mas lalo kong matututukan sila Papa at si Bella. I'll take this opportunity to address and resolve the issues that need fixing within our family. Hangga't maaari ay kailangan kong maagapan ito bago pa lumalim ang mga sugat namin.

Kinuha ko ang hair clamp sa bag ko para talian ang mahaba kong buhok. Na-survive ko ang unang araw ng midterms namin kaya ngayon uuwi na ako. Hindi ko na rin mahihintay pa si Vance kaya nag-iwan na lang ako ng mensahe sa kaniya.

Pagod kong tiningnan ang sarili ko sa salamin. Nangingitim na ang ilalim ng mata ko. Ang putla ng labi ko at medyo magulo pa ang pagkakatali ng buhok ko gawa ng pakikipagsiksikan ko sa tren kanina. Pagkatapos nito marami pa akong dapat aralin kaya kailangan ko nang makauwi.

"Beatrice!"

Nilingon ko ang tumawag at nakita kong si Aling Nena 'yon, isa sa may-ari ng malaking sari-sari store dito sa barangay namin.

"Po?"

"Baka pwedeng pakibayaran na nitong utang ni Richard. Kumuha siya ng tatlong bote ng red horse noong nakaraang linggo. Hanggang ngayon hindi pa rin niya binabayaran."

Medyo nanlaki ang mata ko. "Po? Nangutang siya? Magkano po ba?"

"Oo, palista nga raw muna." Inabot niya sa akin yung listahan ng mga may utang sa kaniya. "330 pesos lahat. Isang litro kinuha, eh."

"Pasensya na po, Aling Nena. Sige po babayaran ko na po."

Kinapa ko ang wallet sa bulsa ko at napangiwi ako nang makita ko ang nag-iisang 500 pesos sa wallet ko. Galing pa 'to sa huling bayad sa akin ni Laura na dapat sana ay dagdag panggastos ko para sa linggo na 'to.

"Ito na po saka pabili na rin po ng sardinas na maanghang tapos tatlo pong itlog."

Lagpas 100 pesos na lang ang natira sa akin dahil sa mahal ng bilihin ngayon. Kinuha ko ang supot ng pinamili ko at pilit kong nginitian si Aling Nena.

"Kausapin mo ang tatay mo hangga't maaga pa. Hindi pwedeng lagi kayong gan'yan. Nag-aaral ka pa oh tapos parang ikaw na ang bumubuhat sa inyo," sabi pa niya.

"Wala naman pong kaso sa akin. Sige po mauna na ako."

I really need to talk with my mother. Hindi na pwedeng lumala ang kung ano mang nangyayari sa amin. Malayo na nga siya sa amin pero mas lalo pa siyang napapalayo dahil wala na kaming communication. Iyon lang naman ang ugat ng lahat ng 'to. We need to communicate to clear out any misunderstandings.

Pasado alas syete nang makarating ako sa bahay. Bumuga ako ng hangin nang makita kong umiinom na naman si Papa. Habang si Bella ay tahimik na nanonood sa TV ng cartoon show.

Nilapag ko sa lamesa ang lahat ng pinamili ko bago ko inagaw kay Papa ang bote ng alak na hawak niya.

"Pa naman!" pagod kong sigaw. "Hindi ba nag-usap na tayo? Akala ko ba hindi na kayo iinom?"

Narinig ko ang pagsinok niya. "Isang bote lang naman. Hindi naman ako malalasing sa isang bote."

"Kung hindi pa ako kinausap ni Aling Nena hindi ko pa malalaman na nangutang kayo ng alak sa kanila? Pa naman eh!" Hinilamos ko ang palad sa mukha ko. "Kita niyo na nga pong gipit na gipit na tayo tapos nangungutang pa po kayo ng pang-inom!"

"B-babayaran ko naman 'yon! May raket ako sa susunod na araw!"

"Huwag na po! Binayaran ko na at saka hindi na kayo iinom! Huli na 'to!"

It's the Same Old Song (The Runaway Girls Series #4)Where stories live. Discover now