Chapter 20

5.8K 105 11
                                        

Wait

Magmula nang mangyari iyon hindi na natigil si Vance kakatanong sa akin kung may naalala ba ako noong gabing iyon. But of course I like playing dumb kaya paulit-ulit lang din ang sagot ko. Sometimes I just want to burst out laughing when I see his reaction. Mabuti na lang magaling ako magpigil ng reaksyon ko.

"Ano ba kasing ginawa ko? Ayaw mo naman sabihin," pagpapanggap ko pa.

"Sumuka ka lang sa daan," tipid niyang sagot.

"Really? Wala nang iba?"

Nilingon niya ako habang nakanguso. "Wala na."

"Okay."

Tumango na lang ako at nagpanggap na kumbinsido na sa sagot niya kahit sa loob loob ay gusto ko nang humagalpak ng tawa. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko habang tinititigan niya ako. Mukhang nanunuri pa kaya mas lalong sumeryoso ang mukha ko habang nagbabasa ng libro.

"Wala ka talagang naalala? Sure ka?" pag-uulit niya pa.

"Ano ba? Paulit-ulit naman 'to. Kakatanong mo niyan parang tunog may ginawa talaga ako. Sabihin mo na nga!" sabi ko sa kunwaring naiirita na boses.

"Wala naman..." tunog sumusuko na iyon kaya pinigilan ko ang sarili na matawa.

"Last na tanong na 'yan. Naiinis na ako."

I just can't admit that I actually kissed him on the cheek. Hindi ko rin alam kung anong sumapi sa akin ng gabing iyon! Paalala na lang siguro sa akin iyon na hindi para sa akin ang alak. Kung iinom man ay hindi palagi dahil delikado ang mga nagagawa ko kapag nakainom ako.

"M-mukhang pagod na si Garrett," si Bella iyon na nakikipaglaro sa aso nila Vance.

Dahil summer vacation namin, madalas ko ring sinasamahan si Bella na pumunta dito kina Vance para lang kalaruin si Garrett. Wala namang kaso kay Tito Allan at Tito Alice iyon dahil madalas na nasa bakuran lang naman kami tumatambay para kalaruin ang alaga nilang aso.

"Playtime's over na raw Bella. Gutom ka na ba? May gusto ka bang kainin?" tanong ni Vance sa kaniya.

Napakamot si Bella habang nakayuko. "F-fried chicken. G-gusto ko ng chicken."

Pumunta sa paanan ko si Garrett at doon siya nagpahinga. Binaba ko naman ang kamay ko para hawakan ang balahibo niya. Ilang saglit lang ay napapikit ang aso habang hinahaplos ko siya. Mukhang pagod na nga dahil kung minsan tinatalunan pa ako nito pero ngayon mabilis na siyang nakatulog.

"Halika na. May chicken sa bahay. Uwi na lang tayo," pagyayaya ko sa kapatid.

"Ay, huwag muna kayong umuwi! Kumain muna kayo dito tapos dalhin niyo 'to sa inyo, Beatrice!" ani Tita Alice na bigla na lang sumulpot.

Kasunod niya ang triplets nila na ilang taong mas bata kay Bella.

"Cyrus, Cyler, Cylon!" saway ni Tita Alice dahil binuhat nila ang natutulog na si Garrett.

Natulala ang kapatid ko sa pagkabigla ng dami ng tao. Kinapitan ko ang kamay niya dahil napansin kong nakakuyom na naman iyon habang binabalatan niya ang labi niya.

"May chicken ako dito," dagdag pa ni Tita Alice.

"Ayos lang po ba? Nakakahiya naman po."

"Ay, ano ka ba? Para ko na rin kayong mga anak. Halika na at kumain na muna kayo dito sa loob."

Tumango ako. "Salamat po."

"Vance, papasukin mo na yung tatlo sa labas. Ginugulo na naman nila si Garrett at baka makagat ang mga iyon. Mahirap na at kahit alaga natin iyan. Mahal magpaturok ngayon kaya mas mabuting mag-ingat pa rin."

It's the Same Old Song (The Runaway Girls Series #4)Where stories live. Discover now