Chained
"I think you're one of the most beautiful brides I've ever seen."
Tinanguan ko lang si Thalia habang inaayusan niya ako. I've been trying my best to fake a smile since I woke up... but even a fake smile won't do. I just can't... it's hard. Kanina pa nanlalamig ang kamay ko at ramdam na ramdam ko na parang hinihiwa ang puso ko. Sa sobrang hapdi, kanina pa ako suka nang suka.
My anxiety was so bad that I started throwing up this morning. I had to take some meds just to calm myself, but they didn't work at all. Mabuti na nga lang at nakarating na sila Cyril kaya kahit papaano nagawa kong kumalma.
"Alam mo bang magandang ayusan ang mukha mo? Ang liit kasi tapos tamang tama lang ang pagkaputi mo. Ang ganda rin ng ilong mo para kang nagpa-nose job," dagdag pang komento ni Thalia na kanina pa ako sinusubukang kausapin.
"Thank you pero hindi ko afford ang nose job..." mahina kong sagot.
"Paano kayo nagkakilala ni Sir Carlos? I know her mother. Lagi kong kliyente iyon lalo na noong madalas pa silang mamalagi dito sa bansa. She used to tell me stories about how she'd given up on him ever getting married, so I was really surprised when he reached out to me about the wedding!"
"Ah... nothing special naman. Naging tutor kasi ako ni Laura noon."
She nodded. "Masaya ako para kay Sir Carlos. Kung sana lang buhay pa ang mga magulang niya edi sana nakita nila na may pag-asa pa pala ang unico hijo nila."
May pag-asa? Kung alam niya lang ang tunay na motibo ng kasal na ito. Hindi ito tulad ng ibang kasal na pinapangarap nila. This is just an agreement between the two of us.
Kinuhaan ako ng litrato nang matapos akong ayusan ni Thalia. Hindi ko na nga alam kung anong itsura ko doon. Kung magmukha man akong galit o hindi natutuwa doon ay wala na akong pakialam! Gusto ko na lang na tapusin na ang lahat ng ito dahil pagod na pagod na ako.
"P-pwede ba na papasukin niyo muna dito ang mga kaibigan ko?"
"K-kailangan niyo na pong umalis in 20 minutes," pag-alma ng driver sa akin.
"Please!" bahagyang tumaas ang boses ko. "I just want to talk to them."
"O-okay po basta saglit lang po."
Kahit papaano ay nabuhayan ako nang makita ko ang mga kaibigan ko. Kumpleto silang lahat. Si Cyril, Ria, Rox, at Cayeen. Agad ko naman silang hinagkan nang makalapit sila. Matapos iyon ay sinenyasan ko ang mga tauhan nila Laura na lumabas muna na agad din naman nilang sinunod.
Naiwan kaming apat dito sa hotel room. Binagsak ko ang sarili ko sa upuan at napapikit. Ramdam ko ang tingin nila sa akin pero wala ni isa ang gustong magsalita kaya ako na ang bumasag ng katahimikan.
"Sa ganito pa talaga tayo nakumpleto," natatawa kong saad.
"A-ang dami kong gustong itanong at sabihin pero... ewan siguro naman may dahilan ka kung bakit ka napunta sa sitwasyon na ito?" si Cyril na ngayon ko lang nakitang nagseryoso.
"Buong akala ko nga nagkamali ka lang ng invitation. Akala ko typo lang yung pangalan ng groom pero totoo pala?" ani naman ni Ria.
"Hindi ko na nga alam kung alin ang totoo sa hindi," pag-amin ko. "Nananaginip na nga lang yata ako these past few days."
"What about him?" singit ni Cayeen.
"Yeah, what about Vance? Anong reaksyon niya dito? Last month lang nasa concert pa kayo diba? What happened?" si Rox na hindi na yata nakatiis.
"I can only imagine," si Ria ang sumagot. "Alam mo naman iyon. Mundo yata niya si Beatrice, eh. Hindi mabubuhay kung wala ang minamahal niya."
Hearing his name felt like a trigger to me. Napahinto ako at mukhang napansin nila iyon.

YOU ARE READING
It's the Same Old Song (The Runaway Girls Series #4)
RomanceThe Runaway Girls Series #4 Janna Beatrice Regalado is the breadwinner of her family. Mag-aral nang mabuti. Magtapos ng pag-aaral. Maghanap ng magandang trabaho. Pag-aralin ang mga kapatid. She was treated like a damn investment-ang anak na mag-aaho...