Chapter 8

5.7K 108 29
                                        

Smile

Just when I thought things couldn't get any worse, one Monday afternoon, I found myself in the same room as him. Pinagsama na raw ang section namin para sa 21st Century Literature class namin. Reason? Kailangan nang mag-leave ng teacher namin dahil malapit na siyang manganak.

"Bakit kaya lagi na lang nabubuntis yung mga English teacher?" rinig kong bulong ni Ria.

"Gago, oo nga. Pansin ko rin."

I laughed a little. "Of course, tao rin sila at may asawa. Ano bang ine-expect niyong gagawin nila sa mga asawa nila? Titigan?"

"Tangina mo syempre alam namin na kailangan nilang mag-sex para mabuntis. Natatawa lang ako na laging sila yung nasasaktuhang nabubuntis!"

Since bago ang teacher namin para sa subject na ito, wala kaming idea kung paano ang magiging setup. Dalawang section ang hawak niya at sakto kasing parehas ang oras namin sa ICT kaya nagdesisyon sila na pagsamahin na lang kami dahil gano'n din naman ang ituturo sa amin.

"Pero okay na rin at least dito tayo sa AVR magkaklase. Hindi mainit kasi naka-aircon."

Dahil malawak ang audio visual room, nagkasya ang buong section namin sa kanang side ng room habang nasa kaliwang side naman ang mga ICT. Alanganing oras din kasi ang schedule namin dito kaya saktong wala ring nagamit.

"Good afternoon, everyone. I know this is sudden for you, especially for HUMSS A." The new teacher looked at us and smiled a little. "But rest assured that I will do my best to teach you everything you need to know for this subject. For those who don't know me, I am Arthur Pamintuan. You can call me Sir Arthur or Sir Pamintuan, and I will be your instructor for the rest of the semester. ICT and HUMSS A, I hope we can all work together as one."

He looks younger than our previous teacher. Mukha ring bagong graduate lang at parang hindi malayo ang edad sa amin. May advantage kasi kapag ganito ang teacher namin dahil alam nila kung paano hulihin ang kiliti namin dahil nga bata pa sila.

"What was the last topic discussed by Ma'am Encarnacion with HUMSS A?"

Cayeen raised her hand. "Ma'am Encarnacion assigned us to read 'The Curious Incident of the Dog in the Night-Time' by Mark Haddon. She instructed us to read it in preparation for our next meeting, where we would discuss it. However, we didn't get the chance to properly discuss it."

"Thank you. I also asked ICT to read it, which is great because we can have a meaningful discussion about it today."

He displayed something on the projector. May mga papel din siya na pinamigay sa bawat section at iyon yung excerpt ng story na pinabasa rin sa amin. Saglit akong sumulyap sa kabilang section at naramdaman kong may parang nakatitig sa akin.

Lumingon ako sa bandang likuran at nakita ko doon si Vance na nakatingin sa akin. Bahagyang nakaangat yung papel na hawak niya habang pinaglalaruan niya yung ballpen. Nahuli niya rin akong nakatingin kaya nag-iwas na lang ako ng tingin at nag-focus sa lesson.

"After reading the story, can we infer that it accurately represents someone with autism spectrum disorder?"

No one dared to answer. Tahimik ang buong klase pati na rin ang kabilang section. I have an answer, but I want to hear their answer first.

"Anyone?"

Bumuntong hininga ako. Sinundan ko ang tingin ni Sir Pamintuan at nakita kong balak na niyang tawagin si Vance na ngayon ay inaayos ang salamin na suot niya.

"Dela Vega? Any thoughts?"

Bahagyang nanlaki ang mata ni Vance. Siguro ay hindi niya inasahan na tatawagin siya kahit hindi naman siya nagtaas ng kamay. Ginulo niya ang buhok niya bago siya tumayo.

It's the Same Old Song (The Runaway Girls Series #4)Where stories live. Discover now