Jollibee
Pagkatapos ng halos isang linggo naming training sa Batangas, hindi na rin kami nagkaroon ng pahinga dahil sa kasunod na linggo agad ang press conference namin. Cavite naman ang magho-host ng regional para sa taon na ito. Kahit papaano ay malapit lang dahil sa Dasmariñas lang naman daw kami.
Stressful na nga sa part ko dahil ang dami ko nang naiwan na gawain sa school. Two weeks pa akong mawawala sa school kaya siguradong marami akong hahabulin sa oras na makabalik ako at mas lalo na kung sakaling palarin ako na makapasok sa national.
"Nagustuhan mo ba bagong cellphone mo, 'nak?"
"Ma naman hindi ko naman po kailangan ng bago. Gumagana pa naman po yung bigay sa akin ni Papa at saka hindi naman po ako mahilig mag-cellphone."
Kasalukuyan kong ka-video call si Mama habang naghahanda ako papuntang school dahil ngayon ang alis namin papuntang Cavite. 5 AM pa lang at 6 AM ang call time namin dahil 8 daw mag-uumpisa ang program.
Humalakhak si Mama. "Alam kong iyan ang sasabihin mo pero anak deserve mo iyan. Ano parang regalo ko na lang sa'yo dahil panalo ka at mananalo ka. Galingan mo, ha!"
"Thank you po. Kayo po ba? Kamusta ba kayo d'yan? Hindi naman po ba kayo sinasaktan ng amo niyo d'yan?" tanong ko.
"Anong maltrato sinasabi mo d'yan? Huwag ka masyado magpapaniwala sa mga napapanood mo sa TV! Hindi lahat ng mga amo dito nambubugbog. Mabait itong mga amo ko at ang sabi nila ay isasama pa nga raw nila ako sa Disneyland."
Ilang saglit lang ay sumulpot si Papa na kagigising lang. Mas nauna kasi akong bumangon kaya ako na rin ang naghanda ng almusal naming lahat.
"Oh, gising ka na pala. Bakit hindi mo ko kinatok kanina? Ako na sana yung naghanda ng almusal mo!" bulalas ni Papa bago siya sumilip sa phone ko para batiin si Mama.
"Tukmol ka ano at naglasing ka na naman kaya pahirapan kang gisingin?! Hindi ka na nahiya sa bata at may contest pa siya tapos siya pa ang naghanda ng almusal imbes na maghanda na lang iyan sa pagpasok!" singhal ni Mama.
Napakamot naman si Papa sa batok. "Babalik na kasi sa Abu Dhabi si Allan kaya napainom. Kaunti lang naman ito naman!"
"Dalas niyan, ah! Pagsabihan mo ako 'nak kapag may babae na itong tukmol mong tatay para maputulan ko iyan," sabi pa ni Mama kaya humalakhak ako.
"Sige po."
"Wala akong babae. Ikaw naman nago-overthink ka kaagad. Abroad pa more," sagot ni Papa.
Iniwan ko na muna si Papa doon para makapagkuwentuhan sila ni Mama. I can't help but smile as I make my way to the bathroom. I want what they have. Standard ko sa relasyon ang relasyon na mayroon ang mga magulang ko.
I want someone who will always choose me, no matter how difficult I am. No matter how difficult the situation is. We all deserve consistency and security.
5:45 AM nang makaalis ako sa bahay. Hindi na rin ako nagpahatid kay Papa dahil mas kaunti ang dala ko ngayon kaysa noong sa Magdalena ang punta namin. Three days lang kasi kami dahil hindi na kailangan ng day zero dahil nga malapit lang kami sa Cavite na halos isang oras lang ang byahe mula dito.
Naninibago pa rin ako sa phone na bigay sa akin ni Mama. Halos napuyat ako kagabi dahil hindi ako sanay sa interface niya. Kung ikukumpara sa dati kong phone ay mas magaan ito. Hindi rin masyadong lag at mas malinaw ang camera.
Saktong 6 ako nakarating sa school. Nakaabang na rin doon ang coaster na maghahatid sa amin papuntang Cavite. Pumasok na rin ako sa loob at una kong napansin si Vance na nakaupo sa unahan. May headphones na naman at may sleeping mask na suot kaya hindi niya napansin ang pagdating ko.

YOU ARE READING
It's the Same Old Song (The Runaway Girls Series #4)
RomanceThe Runaway Girls Series #4 Janna Beatrice Regalado is the breadwinner of her family. Mag-aral nang mabuti. Magtapos ng pag-aaral. Maghanap ng magandang trabaho. Pag-aralin ang mga kapatid. She was treated like a damn investment-ang anak na mag-aaho...