Chapter 3

123 6 2
                                    


***Maxine Alfonso***

"Over my macho body Maam Maxine..ano ka sinuswerte..atsaka okay na ako sa sahod ko malaking tulong na iyon sa aking pamilya" irap niyang saad bago ito tuluyang umalis.

"Tignan natin Theodore Gomez , walang pwdeng tumanggi sa nais ko" bulong ko habang nakangisi sa papalayong si Theo.

Pagdating ko ng bahay nagulat ako ng makita si Daddy at Mommy sa living room.
Napatingin ako sa telebisyon nagulat ako ng makita kong mukha ko ang nakabandera sa screen.

"Mukhang the searching is over na nga dahil sa wakas may namataang kalambingan si Ms.Maxine na anak ng business tycoon na Si Mr Maximo Alfonso. Ngunit ayon sa source driver bodyguard daw niya ito, posible kayang nahulog sila sa isat isa? Nakakakilig na kwento naman kung sakaling totoo man ito, sa ngayon maghihintay ang ating team ng pagpapaunlak ng interview sa pamilya Alfonso kung anong masasabi nila sa rumors na ito dahil matapos ang issue nila ni Ms.Magie ngayon ay kay Mr.Driverbodyguard naman." tila kinikilig na saad ng nagbabalita.

"Dad,Mom" ani ko sabay mano sa kanila.

"Nasaan si Theodore" seryoso ang mukha ni Dad habang nakatitig sa akin

"Dad may emergency kasi sa bahay nila kaya hindi na po siya nakasama dito bukas po for sure pupunta na po iyon dito para personal na po naming aamin ang namamagitan sa amin,kaya naman Dad....please itigil mo na ang pag aannounce sa mga business partners mo na kailangan ko ng boyfriend, I have Theodore and I love him" ani ko.

Napakagat ako ng aking dila,kailangan kong magsinungaling para mahinto na ang pagreto ni dad sa akin.

"Okay kapag napatunayan mong seryoso ang relasyon nyo ni Theodore titigil na ako"wika nito bagontumayo at umakyat sa  kanilang kwarto.

Lumapit si Mommy sa akin at hinawakan ang aking kamay.

"Huwag ka sanang gagawa ng ikakagagalit ng Dad mo iha alam mo naman gusto ng Daddy mo na lumagay ka na sa tahimik"

Tumango at nagpaalam na din para magpahinga.Pagdating ko sa aking kwarto ay agad kong tinawagan ni Eanne.

"I need your help,kailangan bukas siya siya na mismo ang magmamakaawa ng tulong ko" saad ko sa kanilang linya.

"Siya ba talaga ang sosolusyon sa problema mo?" Parang nakikita ko tuloy ang mukha nito na nakairap kahit hindi kami magkaharap.

"Eanne tanging sa kanya lang ako may tiwala at kampante akk na hindi iyon mahuhulog sa akin" saad ko.

"Okay..so magkano ang ibabayad mo sa akin?"

"Mukhang pera ka talaga, okay 5k" saad ko

"20k" wika naman nito

"Ang mahal naman yan" reklamo ko.

"Hindi madaling isagawa ang utos mo ngayong gabi mismo ang nais mo abah, atsaka magbabayad ka nga ng milyon kapalit ng pagpayag niya.So dapat lakihan mo din dahil ako ang gagawa ng paraan para pumayag siya" reklamo din nito.

"Okay fine..Basta bukas dapat nakagawa ka na ng paraan para may dahilan na siyang pumayag" paalala ko bago ko sinara ang tawag.

Alam kong magagawan ng aking kaibigan para mapapayag ko si Theodore sa nais ko.Isang matinik na pulis kaya ang aking kaibigan.
Matapos kong makausap si Eanne ay nagpahinga na din ako dahil maaga akong papasok sa Maxie Mall bukas dahil sa dami na ng pipirmahan kong mga papeles.

Ipinikit ko ang aking mga mata pero mukha ng sales lady sa mall ang aking nakikita,napatapik ako ng aking pisngi.

"Ano ka ba Maxine,bawal ka na mambabae nangako ka na kay Dad na last na si Magie na babae sa buhay mo" saway ko sa aking sarili.

Rented BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon