Chapter 8

83 6 1
                                    


***Thea Gomez***

"B-kit mo ako hinalikan?" nauutal kong tanong habang mapungay ang kanyang matang nakatitig sa akin.

"Nakabuntot nanaman kasi si Magie alam kong hindi yan titigil hanggat di niya ako napapabalik" mahinang saad nito kaya napatingin ako sa aking likuran at tama nga andito nanaman siya,masama ang tingin nito habang nakatayo sa harap ng kanyang kotse.

Gusto kong mainis dahil sa ginawa niya, first kiss ko iyon at sa babae pa talaga,eww kadiri. Pero tila nagustuhan ko ang halik niya. "What the hell Thea ayusin mo ang sarili mo" kastigo ko sa aking sarili.

"Basta kapag andiyan siya kailangan natin maging malambing sa isat isa at makita niyang nagmamahalan tayo" wika niya.

"W-what?..so mamimihasa ka ng manghahalik kapag andiyan siya?" may halong inis kong boses.

"Alam mo Theo, sasapakin na talaga kita..hindi ko na naiintindihan yan ugali mo minsan okay tapos bigla kang mag iiba at kokontra. Ano ba talaga gusto mo bang ituloy natin to oh ano?" tila na inis narin nitong sagot.

Nagpeace sign ako ng maalalang ako nga Pala si Theodore. Minsan nawawala ako sa character ng aking kambal kaya minsan di maiwasan ang ganito.

"Pasensya ka na iniisip ko lang kasi si Drex"

"Diba sabi ko kausapin mo siya at ipaliwanag ang lahat atsaka kailangan mong mamili sa ngayon, kahit ilang buwan lang Theo hiwalayan mo muna si Drex para hindi magka problema pareho naman tayong mag bebenefit neto kaya sana makicooperate ka"

Tumango nalang ako dahil hindi ko na alam ang aking sasabihin siguradong mananagot ako kay Theo kapag nalaman niya ang ginawa kong ito.

Pagdating namin sa hospital agad akong bumaba ng kotse nito,buti nalang hindi ako pinagdrive kundi mabubuko ako ng wala sa oras.

"Sana pumasok na sa Mall si Theo dahil usapan naming siya ang papasok ngayon sa aking trabaho" kinakabahan akong nglakad habang nakasunod sa akin si Maxine.

Pero ng makita ko si Theo na palabas sa hospital ay agad akong humarap kay Maxine at hinapit ito sa bewang na ikinagitla nito.
Dahil sa kaba ay hinalikan ko nalang ito na ikinagulat niya.Tumagal iyon hanggang sa makita kong sumakay na ng taxi si Theo at nakadisguise ito na parang ako mabuti nalang at hindi gaanong kalakihan ang katawan niya kaya hindi halatang masculine ang mga  binti at braso nito.

"Anong nangyari sayo?namimihasa ka na sa kahahalik ah" saad ni Maxine doon lang ako natauhan atsaka akala ko ba ayaw mo ng halikan.

"S-sabi mo kasi kapag andiyan si Magie pagselosin natin hanggang sa kusa na siyang lumayo" pagdadahilan ko.

Kumunot ang noo nitong iginala ang paningin. " Nasaan siya?" tanong nito habang di mapakali sa kahahanap.

"U-umalis na, 'yong paalis na taxi" sabay turo ko sa sinakyan ni Theo.

"Ah okay, let's go " tila namumula ang mukha nito at hindi makatingin sa akin ng diretso.

May soft side din naman pala siya pero bakit ibang iba ang pinapakita niya sa akin sa Mall,bakit lagi niya akong iniinis. Kay Theo lang pala, sino ba sa kanya si Dorothea na isang saleslady.

"Oh!..tara na!"muling baling nito ng hindi ako kumikilos sa aking kinatatayuan.

Agad akong lumapit sa kanya at sumabay sa paglalakad hanggang sa marating namin ang kwarto ni Mama, buti malang tulog pa ito baka mabuking ako kung sakali alam ko kasing nararamdaman niya kung nagpapanggap lang kami ni Theo at nagpapalit ng katauhan.

"Mamayang gabi na ang schedule ng operasyon niya kaya kailangan niyang magpahinga " saad ni Maxine.

Tinitigan ko si Mama na payapang natutulog at tila wala itong nararamdamang sakit. Ngayon naiintindihan ko na siya kung bakit palagi itong nagagalit sa amin, siguro dahil na din sa sakit na nararamdaman nito.

Rented BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon