Chapter 5

91 6 1
                                    

***Maxine Alfonso***

"So lets go,heres the key" wika ko sabay hagis ko kay Theodore  ang susi ng kotse taranta naman nitong sinalo.

"T-teka..h-hindi ako marunong mag drive" saad nito at kinuha ang kamay ko para ilagay ang susi sa aking palad.

"Whats wrong Theo? Hindi ka marunong magdrive?? Pinagloloko mo ba ako?" Naiinis kong tanong sa kanya at kita ko kaba sa mukha nito.

"Ah..eh..I mean m-masakit ang braso ko Maam" pinaliitan ko siya ng mata dahil ngayon lang ito nagreklamo ng ganito.Kung anong sinabi o iutos ko sinusunod niya agad kahit pa may masakit sa kanya.

Nag peace sign ulit ito sa akin at ngumiti na tila ngiting aso.

"Okay..akin na yang susi" wika ko at kinuha ko ito mula sa kanyang palad kaya hindi maiwasang madikit ang aming kamay, ang lambot ng palad nito na tila nagbigay ng kakaibang sensasyon sa aking pakiramdam.
Napatingin ako sa kanya at napakunot.

"Hindi maaring makaramdam ako ng ganito sa lalaking ito..walang spark spark Maxine " saad ko sa aking sarili habang nakatitig sa kanya.

"M-may dumi ba ang mukha ko Maam?" nag aalangang tanong nito.

"Ahm wala,by the way Theo kailangan sanayin mo na din na tawagin mo ako sa endearment natin para hindi makahalata si Dad kapag dumating na yung time na ipapakilala na kita sa kanila,gusto ko makilala natin ang isat isa kaya ngayong araw na ito ay magdedate tayo at pag usapan natin kung ano ang mga bawal sa kasunduan nating ito" wika ko na ikinamilog ng mata niya

"D-date?.pwdeng pumasok ulit ako sa bahay para umihi n-naiihi kasi ako" agad niyang sagot.

"Doon ka na sa coffeeshop umihi baka mahirapan ka nanamang takasan ang Mama mo kapag nakita ka pa niya" wika ko.

"Hehe..s-sige"

Naging tahimik ito sa aming byahe at panaka nakang napapasulyap ito sa akin napapansin ko ito mula sa salamin.
Halatang aligaga ito dahil kanina pa pindot ng pindot sa cellphone na tila may tinetxt.

"May problema ba?kanina ka pa nakadotdot diyan sa phone mo" basag ko sa aming katahimikan.

"Wala tinext ko lang kapatid ko binilin ko lang about kay mama" wika niya na ikinatango ko naman.

Hindi na ako nagtanong pa at nagconcentrate nalang sa pagmamaneho kaya naman ng makarating na kami sa coffeeshop ay agad din itong nagpaalam na pumunta ng comfort room.

"Sige na Maam iihi lang ako susunod nalang ako sayo" naamadaling baba nito.

"Theodore.." tawag ko dito.

"Doon ang panlalaking cr pambabae diyan" saad ko at nalilito pa itong kumanan kung saan ang cr ng mga lalaki.
Naiiling nalang akong pumasok sa loob ng restaurant at hinintay nalang ito sa loob.

Halos 15 minutes ang itinagal nito bago ko mabungaran ang pagpasok nito sa pintuan ng shop.Dito kami laging magpupunta ni Theo pero parang baguhan lang ito kung umasta.
Kumaway ako sa kanya.Ang strange ng ikinikilos niya ngayon,nagkaroon ako ng pagkakataon na titigan ito habang papalapit.
Medyo masexy siyang maglakad,siguro dahil sa isa siyang gay.
Alam ko iyon simula palang kaya siya ang naisip kong rentahan na maging jowa ko for a months para iwas na mainlab siya sa akin at mainlab ako sa kanya dahil hindi ako pumapatol sa lalaki eversince.

"So n-nagpunta ba tayo dito para titigan mo lang ako? Edi sana sa bahay nalang tayo at maghapon nalang tayong nagtitigan doon" may pagkasuplado niyang saad.

"Bakit ang suplado mo sa akin ngayon Theodore?" saad ko at tinaasan ko ito ng kilay.

"Huh?..hindi naman ikaw kasi panay ka titig naasiwa kasi ako" napabusangot nitong saad.

Rented BoyfriendDonde viven las historias. Descúbrelo ahora