Chapter 9

94 6 1
                                    


***Maxine Alfonso***

Bakit ganito ang nararamdaman sa babaeng kaharap ko ngayon,bakit pareho yung tibok ng puso ko kapag si Theo ang kaharap ko.

"Pwede na yun ang mainlove ako sa isang lalaki at sa babae ng sabay?" naiiling akong tumingin sa babaeng kaharap ko na kanina tila kabado.

"M-Maam.. b-bakit mo naman ginawa yun" tila inis niya saad.

Doon lang ako natauhan. "I'm sorry , pwede ka ng umalis" tanging sambit ko pero tila galit na ito dahil hindi na umimik.

Pagkatalikod niya ay agad kong kinalma ang sarili ko at ang pagtibok ng puso ko dahil sa hindi malamang dahilan.

Hinawakan ko ang bandang dibdib ko at ang lakas ng kabog nito.

"Nasobrahan na ata ako sa kape" naiiling kong bulong.

"Maam mag uumpisa na po ang programa" saad ng aking sekretarya.Tumango lang ako at nag ayos na ng sarili.

Nagtungo ako sa floor kung saan gaganapin ang program dahil ngayon ako haharap sa lahat bilang CEO ng Maxie Mall. Maraming nakakakita sa akin na labas masok sa Mall na ito pero iilan lang ang nakakaalam na ako ang may ari.

"At ngayon tinatawagan ko ang ating boss M, ang CEO ng Maxie Mall no other than Maxine Alfonso" pakilala ng host,maraming nagbulong bulungan ng makita akong naglakad papunta sa harapan.

Ang iba ay tila natakot at ang iba naman ay tuwang tuwa.
Ginala ko ang aking paningin dahil sa babaeng kanina pa hinahanap ng aking mata pero hindi ko ito makita.

"Thank you sa inyong lahat dahil sa aking paglilibot sa building ay nakita ko ang dedication ninyo sa inyong mga trabaho at inasikaso nyo ako ng maayos kahit hindi nyo pa alam na ako ang may ari ng Maxie Mall, at sa mga nainis at nasungitan ko peace be with you nalang" nagtawanan ang mga ito dahil sa huli kong nasabi.

"And lastly may dinner party tayo mamaya kaya maagang magsasara ang Mall kita kita nalang tayo sa Maxie Restobar, ipakita niyo lang ang inyo id sa guard para papasukin kayp at inaasahan kong lahat ay pupunta mamaya.Salamat"

Matapos kong magsalita ay bumalik na ako sa opisina.
Tinawagan ko si Theo na nasa labas first floor dahil sinabi kong maghintay ito dahil marami akong gagawin malelate ang aking uwi.

Ilang minuto pa ay may kumatok na sa aking opisina.

"Come in"

"Maam Maxine may kailangan ka ba?"tanong nito ng makapasok na.

"Wala,dito ka muna tumambay para hindi ka masyadong mapagod na nakatayo lang,you can watch television while waiting " saad ko.

Bakit parang wala akong maramdamang excitement kay Theo ngayon bakit ganun nasa saleslady ang isip ko, siya ang tumatakbo sa aking isipan.

Napaangat ako ng tingin kay Theo na ngayon at nakadekwatro ng nakaupo at may ka chat ito sa cellphone habang abot tainga ang ngiti nito na tila kinikilig pa.

"Bakit parang ibang iba ang gesture niya ngayon kumpara nitong nakaraan na nagkasama kami" bulong ko sa aking isipan.

Ng may kumatok ay agad umayos sa upo si Theo at nagmistulang masculine ang pag upo nito at bahagya pang nakabukaka ang hita.

"Maam ito na po ang order nyong kape" saad ng aking secretary sabay lapag sa dalawang paper bag.

Binigay ko kay Theo ang black coffee.

"Bakit black coffee" nakalabing tanong nito.

"Diba sabi mo ayaw mo ng may creamer?" tinaasan ko ito ng kilay.

"Ah okay sige po Maam no problem po" yumukod ito sabay kuha sa kape.

Dati peace sign pag may mali siya ngayon hindi,sumakit ang ulo ko dahil sa paiba ibang gesture ng aking rented boyfriend..

"Diba sabi ko sanayin mo na ang Maxine na itawag lang sa akin para hindi sila makahalata" wika ko habang abala ang mata kp sa pagbabasa sa mga papeles sa aking mesa.

"Nakalimutan ko Maxine pasensya na" tipid niyang sagot.

Naparoll nalang ang aking mata at umiling.
Lumipat ang tingin ko sa cctv na nakaconnect sa floor kung saan ang saleslady na nagpapabaliw sa aking utak busy ito sa pag aayos ng mga damit, napalipat ang tingin ko kay Theo na ngayon ay kilig na kilig parin sa kachat.

"Kapag narito silang dalawa sa babaeng yun tumitibok ang puso ko,pero kapag si Theo lang naman ang kasama ko sa kanya lang ako nakakaramdam ng ganito" saad ko sa aking isipan at sakto namang baling ni Theo sa akin.

"May problema ba?"kunot noo nitong tanong na tila walang nangyaring halikan noong nakaraan.

"Wala naman ang pogi mo lang kasi" ani ko na tila nandiri naman ang mukha nito.

"Maxine Alfonso bawal mainlove" maarte nitong saad na ikinatawa ko.

"Hindi naman Theo,what if langahulog ako sayo at mahulog ka din sa akin edi mas okay " may pang aakit kong tugon.
Tila na duwal naman ito sa aking sinabi dahil sa itsura nito.

"Never!!" napamewang niyang saad.

Tumayo ako sa aking swivel chair at lumapit sa kanya, yumakap ako mula sa kanyang likod at hinaplos ang dibdib nito.

"Eww kadiri ka" agad siya tumayo at pinampag ang katawan nito at nagdadabog na tumingin.

"Wala naman dito ang dad mo, so dont harot harot me" wika niya ng kaartehan

Lumapit ako sa kanya, na coconfuse talaga ang feelings ko..sometimes I like him but now I cant feel the feeling na kinikilig kapag kasama ko siya at tinititigan.

"Theo pwedeng pa kiss isa lang?" sambit ko na ikinamilog ng mata niya sabay takip sa kanyang labi.

"No way!!., ang labi ko ay para lang kay drex ko noh"

"Nahalikan ko na nga yan eh, dalawang beses pa" wika ko ng nakakangisi atsaka ako lumapit pero itinulak niya ako kaya napaupo ako sa sofa.

Napailing nalang ako at napangisi sa kanya. "Parang may iba sa katauhan ni Theo,..aalamin ko yan Theo" saad ko sa aking isipan habang nakangiti sa kanya.

"Anyway Dad wants to meet you tonight sa  dinner party ng aming mga empleyado" wika na at napatigil ito sa pagtipa ng cellphone.

"May lakad kami ni Drex mamayang gabi, hindi ako pwde"

"Drex nanaman...diba nag usap na tayo tungkol diyan paano kung may makakita sa inyong magkasama at naglalampungan sa labas, masisira ako at ang pangalan ko" naiinis kong wika.

"Pasensya na Maam, sige darating ako.." mahina saad nito.

"Good..gusto kong umpisahan kang ipakilala sa aking mga empleyado dito para alam nila kung paano ka tratuhin kapag makita ka nila sa paligid"

"Lahat ng empleyado?, pati ba mga saleslady nyo kasama?" tila kinakabahan niyang tanong.

"Yeah, so get ready makakamingle mo ang mga magaganda naming saleslady" nakangiti kong saad bago ako bumalik sa aking swivel chair at pinirmahan ang mga papel na naroon.

Napasulyap ako kay Theo na tila hindi mapakali at pinagpapawisan. "Feeling ko talaga may tinatago ka Theo"

Rented BoyfriendWhere stories live. Discover now