Chapter One

449 4 0
                                    

CHAPTER ONE

WALA sa sariling naupo si Earl Miguel sa isa sa mga concrete benches na nakakalat sa paligid ng Greenbelt Park sa Makati.

Kanina lang ay nasa Angelino’s siya, ang meeting place nila ng nobyang si Olene. Limang minuto na siyang naghihintay roon nang tawagan siya nito. Hindi raw ito makakarating sa kanilang date. Nasa field daw ang karelyebo nitong newscaster dahil sa isang malaking scoop.

Kailangan daw nitong manatili sa TV station upang maghatid ng balitang dapat sanang trabaho ng karelyebo nito.

Iyon naman ang maipupuri niya rito. Hindi siya nito pinagmumukhang tanga sa matagal na paghihintay. Sinasabi agad nito kung hindi makakarating sa kanilang date.

TV news presenter si Olene sa isa sa dalawang pinakamalalaking TV stations ng bansa. Maganda ito, bukod pa sa maganda rin ang academic background sa pinagtapusang unibersidad. Nagmula ito sa isang buena familia na nasa linya ng showbusiness. Bukod doon ay napakahusay nito, na isang major factor kung bakit mabilis ang pag-angat nito sa napiling career.

Nagbuntong-hininga siya. Ang career nito ang dahilan kung bakit tatlong taon na silang mag-steady ay hindi pa rin ito pumapayag na magpakasal sila. And he was becoming more restless everyday.

Matagal na siyang handang magpamilya. Dalawang taon nang naghihintay na matirhan ang bahay na ipinatayo niya para sa kanila ng nobya. His businesses were doing fine despite the country’s collapsing economy. Tatlong taon na niyang inaasam na magkaroon ng sariling pamilya. At obvious namang hindi na siya bumabata. He would be turning thirty-two this coming June. There was nothing left for him to do but settle down.

Ngunit ayaw pa nga ni Olene. Nasa ganoon siyang pagmumuni-muni nang may lumapit sa kanyang babae. Naupo ito sa kanyang tabi. Idinikit pa nito ang trouser-clad thigh sa kanyang hita at hinawakan siya sa isang kamay. He had the presence of mind not to withdraw from her nang makita niya ang piping pakiusap sa maganda nitong mga mata.

“Do you have a wife?” biglang tanong nito.

“W-wala,” nalilitong sagot niya.

“Can you put your arms around me while I kiss you?”

Mas lalo siyang nagulat at nalito sa sinabi nito. Na-shock man sa hiling nito ay hindi niya magawang tumayo at iwan ito. Hibang ba ang magandang babaeng tumabi sa kanya? Hindi kaya nasa ilalim ito ng ipinagbabawal na gamot?

Mabilis naman niyang itinaboy ang ideyang iyon because the woman looked healthy and physically fit. Pinkish ang kulay ng balat nito. Wala siyang nakita ni isa mang premature wrinkle sa paligid ng makinis nitong mukha.

Naisip din niyang hindi naman kaya bading ito at natipuhan lang siya? Kaagad din naman niyang pinalis ang naisip na iyon. Babaeng-babae ang boses, mukha, at kurba ng katawan nito.

“Will you, please?” untag nito nang hindi na siya nakaimik.

“Ah, eh...” Hindi naman kaya takas ito sa Mental Hospital? Ngunit maayos naman ang bihis nito at mukhang kapita-pitagan. Pero hindi kapita-pitagan ang hinihiling nito sa akin!

Natitiyak niya nang mga sandaling iyon na pareho sila ng reaksiyon ni Dermont Mulroney noong ipinagtatapat dito ni Julia Roberts ang lihim na feelings nito sa kaibigan sa pelikulang My Best Friend’s Wedding.

Hindi lang siya clueless sa dahilan ng hinihiling ng babae sa kanyang tabi. Nakadama rin siya ng pagkadismaya at pagtataka. Hindi siya makapani-walang may dalagang Filipina na palang ganoon kalakas ang loob! Ganoon na ba kalala ang kolonyalismo sa bansa? naitanong niya sa sarili.

Lumarawan ang pagkainip sa mukha nito. “Look, hindi ito racket at lalong hindi ako pickup girl. I just need you to embrace me while I kiss you. Please?”

Baka Mahalin Kita by Dawn Igloria Onde histórias criam vida. Descubra agora