Chapter Six

173 3 0
                                    

CHAPTER SIX

“ANG DAMI naman nito. Mig, magmumukha nang flower shop ‘tong bahay namin.”

Alas-dos pa lang ng hapon noon. Nakasanayan na ni Earl Miguel ang pumunta nang ganoong oras kina Ingrid mula nang mamalagi siya sa bahay. Umaalis na lang ito tuwing alas-kuwatro para bumalik sa opisina nito. At doon na rin ito nagpapaabot ng gabi.

Alam niyang nasasakripisyo ang trabaho nito sa ginagawa. Ngunit iyon ang oras na gusto nitong dalawin siya sa bahay dahil wala raw ang kanyang ama. Malaya raw nitong maipapakita ang affection sa kanya kung ang ina at ang kung minsan ay si Gretchen lang ang naroroon.

Hindi na niya magawang sawayin ito sa mga ganoong deklarasyon. That would be hypocrisy on her part. Para na rin siyang aayaw sa isang bagay na gustung-gusto naman niya.

“Ingrid, you know it makes me happy tuwing bibigyan kita ng bulaklak. Makita ko lang na nanlalaki ang mga mata mo sa katuwaan, tanggal na ang lahat ng pagod ko.”

Nakangiting inirapan niya ito. Tatlong dosenang yellow roses ang dala nito na naka-arrange pa sa basket. “Ano naman ang akala mo sa akin, baby na pampaalis ng pagod?”

“Para ka kasing bata. You’re so easy to please. Pa-kiss nga.” Hindi na ito naghintay ng pahintulot niya. Dinampian nito ng halik ang talukap ng kanyang mga mata. Bagay na nakasanayan na nitong ipambati sa kanya mula noong ikalawang araw na maospital siya.

At wala itong ideya kung ano ang epekto niyon sa kanya. Huwag na ngang isama ang pagkabuhay ng kanyang mga pandama tuwing dadampi ang mga labi nito sa balat niya. O tuwing masasamyo niya ang pinaghalong manly scent nito at gamit na cologne.

“How was your day?”

“Busy as usual but otherwise fine. Alam ko kasing I’d be rewarded with your sweet smile,” nakangiti pang sabi nito.

Lalo namang lumawak ang pagkakangiti niya. “Ang sarap mo talagang mambola, nakaka-inflate ng ego.”

Pinanggigilan nitong pisilin ang pisngi niya. “Hmm, ikaw talaga, kahit kailan hindi mo ako pinaniwalaang nagsasabi ng totoo whenever I pay you compliments.”

“Pa-eklat ko lang po ‘yon para hindi maging obvious ang kilig ko.”

Napahalakhak ito at kinuha ang kanyang kamay. “You’re good for my ego, too. Are you ready?”

“I am.”

Niyaya kasi siya nitong mag-malling. Hindi na raw ito babalik sa opisina pagkatapos. Nangako rin itong bago umuwi sa bahay ang kanilang ama ay tiyak na nakabalik na sila. Kakutsaba nila sa bagay na iyon ang kanyang ina. Ilang araw na lang at aalisin na ang semento sa kanyang kaliwang braso. Matagal din siyang natambay sa bahay bunga niyon. Kung hindi sa pang-aaliw ni Earl Miguel at sa madalas na pagdalaw nina Bing at Terre, marahil ay na-bore na siya.

But the time of healing was a respite to her. Paunti-unti, inilalapit niya ang sarili sa kanyang ama. Nakakakita naman siya ng pagbabago. Hindi na ito laging seryoso kapag kinakausap nilang magkapatid. Minsan, nakita pa niyang kalaro nito ng Ping-Pong si Gretchen. Kinukumusta rin nito paminsan-minsan kung sumasakit ang kanyang braso. Kahit paano, masasabi na ring achievement iyon sa parte niya kahit napakaliit. Sa skating rink ng mall siya dinala ni Earl Miguel.

“Mag-i-skate tayo, eh, ganito ako?” reklamo niya.

“You’ll stay by my side, Miss Cute. That way, I’ll be closer to you.” Pilyo pa itong ngumiti at kumindat.

Talaga nga palang closer dahil nang magsimula na silang pumaimbulog sa rink, nakapulupot ang isa nitong braso sa kanyang katawan. Magkadikit din ang kanilang mga tagiliran.Kahit malamig doon ay parang ibig niyang pagpawisan.

Baka Mahalin Kita by Dawn Igloria Where stories live. Discover now