Chapter Four

180 3 0
                                    

CHAPTER FOUR

NAGULAT si Ingrid nang hanapin niya ang ama upang magmano rito at nakitang nasa game room ito kasama ni Earl Miguel. Kasalukuyang naglalaro ang mga ito ng table tennis. Naipakilala na niya ang binata sa kanyang ama pagkaraan ng isang linggo, na nauwi pa sa interogasyon. Nalaman tuloy niyang chief executive officer pala ito sa RAM Corporation.

Minana nito sa nag-retire na ama ang posisyong iyon. Marami pang mga detalyeng inalam ang kanyang ama kay Earl Miguel. Hiyang-hiya tuloy siya rito lalo na nang tanungin din ng kanyang ama kung nagkaanak na ba ito sa “labas.” Tila hindi naman ito na-offend sa bagay na iyon. Idinaan lang nito ang sagot sa pabirong “Hindi pa at wala po akong balak.” He had been engaging with his father. Lahat ay sinasagot nito at kusa pang nagkukuwento. Batid niya, kahit hindi man ipahalata ng ama, nakapasa sa napakataas nitong standard ang binata.

“Did you have a good trip?” nakangiting bati sa kanya ni Earl Miguel matapos siyang magmano sa kanyang ama.

“Yeah, tiring though. Sobrang dami ng tao sa festival.” Nanggaling siya sa Cebu, kasama ang assistant editor nila at isa pang contributor, upang kumuha ng litrato sa Sinulog Festival. “It’s a good thing na maaga kaming nakapagpa-reserve ng rooms sa hotel. Kung hindi, wala kaming tutuluyan.”

“Magpahinga ka na, Ingrid,” singit ng kanyang ama. “I’m sure you’re still tired. Babawi pa ako rito kay Earl Miguel. Hindi pa ako nananalo sa laro namin.”

Kamuntik nang tumaas ang kilay niya sa sinabi ng ama. Kailan pa ito nahilig sa paglalaro ng table tennis? Si Gretchen ang mahilig sa table tennis kaya may Ping- Pong table sila. Golf ang laro ng kanyang ama at ginagawa lang nito iyon upang makipagbalitaan ito sa mga kalaro tungkol pa rin sa negosyo.

Napatingin siya kay Earl Miguel. Nakatingin din ito sa kanya at makahulugang ngumiti. Kung para saan man iyon ay hindi niya alam. Sa loob ng isang linggo, tatlong beses itong pumunta sa bahay nila. Alam niyang mahalaga rito ang oras at abala ito sa trabaho. At para gawin nito iyon, just to win his father’s confidence ay isa nang malaking sakripisyo rito.

Ang isang ipinagtataka pa niya ay hindi siya ang dinadalaw nito kundi ang kanyang ama. Kung hindi naglalaro ng table tennis at chess, nagkukuwentuhan lang ang mga ito tungkol sa nangyayari sa business world at sa iba pang interes ng mga ito mapa-sports o hobby. Mahilig din itong magregalo sa kanyang ama, mula sa mamahaling vintage wine, hanggang sa golf clubs at kung anu-ano pa.

Gusto tuloy niyang mainggit. Iilang araw pa lang magkakilala ang mga ito, daig pa ang best buddy kung ituring ito ng kanyang ama. May patapik-tapik pa ang kanyang ama sa binata kung minsan. Samantalang sila ni Gretchen, parang nakatuntong lagi sa numero tuwing kakausapin sila ng ama.

Tatlong linggo nang ganoon ang ginagawa ni Earl Miguel tuwing pumupunta sa kanila. Sa ikaapat na linggo, tinatawag na siya ng kanyang ama upang siya ang makiharap dito. At ang dagdag pa niyang ipinagtataka, hindi nakabantay sa kanilang pag-uusap ang kanyang ama. She had to admit na mahusay itong dumiskarte dahil inuna nitong ligawan ang istrikto niyang ama.

“For you,” sabi ni Earl Miguel, sabay abot sa kanya ng fruit basket.

Kinuha niya iyon nang nakangiti. “Thanks. Mukhang mababaon ako sa utang sa ‘yo. Lagi ka na lang may dalang regalo tuwing pupunta ka rito.”

Ngumiti rin itong may amusement sa mga mata. “Don’t worry, maniningil ako ‘pag inaakala kong kaya mo nang magbayad.”

Bigla siyang sumeryoso nang kapwa na sila nakaupo sa sofa. “Lagi ka na lang nandito. Alam kong nililigawan mo rin ang Papa pero baka maapektuhan naman ang negosyo mo.”

He looked at her enigmatically. “Sabihin na lang nating ginagawa ko ito to protect my interests.”

Umiwas siya ng tingin. May kung ano sa titig nito na nagpapayanig sa pagiging kalmante niya. “Puro ka biro.”

Baka Mahalin Kita by Dawn Igloria Where stories live. Discover now