Chapter Three

217 3 0
                                    

CHAPTER THREE

NAGPUMIGLAS si Ingrid upang mabitawan ng lalaki ang braso niya ngunit lalong humigpit ang pagkakahawak nito. Dapat na siyang mag-panic sa takbo ng mga pangyayari, ngunit nakapagtatakang wala siyang naramdaman kahit bahagya mang takot dito. Nang mapuna niyang wala itong balak na bitiwan siya ay tumigil na siya sa pagpalag.

“Hindi ako nagbibiro,” anitong binitiwan na ang braso niya, sabay dukot sa bulsa.

Ipinakita nito sa kanya ang isang singsing. Hindi iyon basta lamang singsing. Sa kinang na nakikita niya sa malaking bato niyon, natitiyak niyang diamond ang nakatampok doon. “Kabe-break lang namin ng girlfriend ko kaya nasa akin ito ngayon. She returned this to me just a while ago. Sayang naman kung itatapon ko. Kung magiging mag-boyfriend tayo, makakaiwas ka na nang tuluyan doon sa makulit mong suitor.”

“But I hardly know you.”

“Ako rin naman, hindi kita kilala. Pero pinipili kong pagkatiwalaan ka,” anitong isinusuot na sa daliri niya ang singsing. “Hindi naman tayo magiging mag-on in the real sense of the word. Kunwari lang naman ito.”

“M-mapipilitan pa rin akong makipagkita sa iyo.”

“Better me than that stalker of yours. Look, hindi naman ako masamang tao. Earl Miguel Ramirez ang pangalan ko. Connected ako sa RAM Corporation. Maaari mo akong ipagtanong doon kung nagdududa ka pa rin sa akin.” Ang RAM Corporation na sinasabi nito ang gumagawa ng mga pangunahing karneng de-lata at processed foods na gaya ng hot dogs.

His proposal was very tempting. Sandali siyang nag-isip. “Kapag pumayag ako sa gusto mo, ano naman ang mapapala mo sa setup na ito?”

“Baka sakaling magising ang girlfriend ko, I mean ex-girlfriend na pala, at bumalik siyang muli sa akin.”

Nagbuntong-hininga siya. Bahala na. “I’m Ingrid Sta. Maria.”

Napangiti ito nang maluwang. “Does that mean we’re on?”

“Pag-usapan natin mamaya. Gusto ko munang magbanlaw ng katawan.”

Tinanong nito kung saang resort siya tumutuloy at sinabi naman niya. “Okay, Ingrid, dadaanan kita mamaya sa Casa Pilar, six-thirty. Pag-usapan natin ang tungkol dito over dinner.”

NAG-A-APPLY ng makeup si Bing nang umakyat si Ingrid sa kanilang cottage. Bihis na ito ng isang tight-fitting jeans at long-sleeved blouse na sheer.

“Talaga bang hindi na magbabago ang desisyon mo?” tanong nito sa kanya. “Okay lang naman kahit wala kang partner. Grupo naman tayo.”

“No, kayo na lang. Mahihilo lang ako sa usok ng sigarilyo at sa dami ng mga tao roon, not to mention the smell of beer.”

“Hmp, kahit kailan talaga, killjoy ka.”

“Naisasama n’yo naman ako sa ibang lakaran, ah. Huwag lang sa bar, hindi kasundo ng naturalesa ko ang paligid doon.”

“Paano ka, nag-iisa ka lang dito?”

“Okay lang.” Hindi na muna niya sasabihin sa kaibigan ang tungkol kay Earl Miguel.

Matapos niyang makapaligo ay nakaalis na si Bing. Nagsusuklay na siya nang.tumunog ang ring tone ng kanyang cellphone. Si Terre ang tumatawag. Kinukumusta nito ang pamamalagi nila ni Bing sa Boracay. Nagkuwento naman siya ng mga naging aktibidad nila.

“I forgot to tell you. Magpapabili sana ako sa iyo ng mga necklaces na gawa sa puca shells. ‘Di ba marami d’yan n’on?”

“Marami nga. At huwag kang mag-alala, talagang ibibili ka namin ni Bing kahit hindi ka magbilin.”

Baka Mahalin Kita by Dawn Igloria Where stories live. Discover now