Kabanata 23

286 16 33
                                    

Vacation passedby in a swift.

Last time I remembered, I celebrated my twenty-first birthday on Christmas then New year came. I was so emotional because I get to experience those holidays with my Mikael for the first time.

"You know, una palang hindi ko na talaga gusto ang datingan nila." Kate said habang kinakain namin ang lunch dito sa cafeteria.

Zon chuckled. "You're too sentimental. At first glance, kita namang plastic 'yang si Sonya. Si Lindsey parang 'yong tipo na nang-aagaw ng boyfriend, 'yang si Sam naman uto-uto ni Sonya. Grow-up, hindi lahat ng tinuturing mong kaibigan ay ganon ang turing sa'yo."

Pinagmasdan ko ang grupo nila.

Zon is right, kaya hindi ko sila minsan nakapaglagayan ng loob masyado. Looking at them now, I felt so betrayed because Zairon is also on their group. Pumipilantak ang mga daliri, halatang bading. Masaya silang nag-uusap.

"Ayaw ko lang 'yong ginawa nila. Friends na nila si Rashiela since Senior High, tapos ngayon ay nasa circle na nila si Zairon? They should've been more sensible. Bakit pala hindi nila kasama si Kielo?" si Kate.

"Kailan mo pa siya nakitang kasama ang grupo na 'yan?" Zon answered.

"Eh nandyan jowa niya." Kate reasoned out.

"Kahit na, never ko pang nakita si Kielo na kasama nila last school year. Huling sama niya yata eh kasama pa si Rashiela."

Marami yata akong na-missed sa isang taon kong pag attend ng online class. Kate rolled her eyes at inakap ang aking braso.

"Hayaan mo na, Kate. I don't need many friends also. True friends lang ang kailangan ko kahit dadalawa pa kayo ngayon."

Zon coolly nodded. "Rashiela is right, Kate."

Fourth year is the toughest dahil sa thesis. I was glad that it was by three kaya kami nalang ni Zon at Kate ang grupo. We also have professional elective subjects kaya napaka stressed.

"Have you checked the invitations? Ipapadala ko na." Mama said over the phone dahil one week nalang ay first birthday na ni Kahel.

Hindi ko alam kung ano ang uunahin dahil nasa chapter one palang kami ng thesis tapos quizzes every week. Buti nalang talaga at Sunday ang birthday ni Kahel.

Kung hindi si Mama ang tumatawag ay si Tita Kiera naman.

"Scheduled na bukas ang photoshoot ni Kahel, hija. Kailangan din ng appearance niyo ni Kielo. The whole team will come tomorrow there and no need na pumunta pa kayo ng studio."

Kinabukasan nga ay ang photoshoot. Hindi ko naman inasahan na naghire pa si Tita ng glam team para sa akin. Juana and Nesrin also came to have a photo with their nephew.

"Closer po, Mommy and Daddy." Saad ng photographer.

I was holding Kahel at ginegesture na yakapin kami ni Kielo. This is absurd!

Humahagikhik si Manang Rosing at ate Linda sa gilid.

After that incident noong pauwi kami last month ay mas pinili kong hindi nalang pag-usapan. Inaaya nga ako ni Tita Kiera sa bakasyon nila sa Bataan ngunit hindi ako pumayag. Nagpaiwan din si Kielo at araw-araw na binibisita ang anak sa aming bahay.

It was the first new year na hindi namin kasama ang mga Montejano. We welcomed the new year na kaming apat lang. Kinabukasan ay hiniram nila si Kahel upang i-celebrate ang unang araw ng taon. Kahit pa kasi baliktarin ay hindi pa magkasundo si Mama at ang mag-asawang Montejano.

Noong birthday ko naman noong christmas ay pinilit ko talagang si Tita, Tito, and Juana lang ang invited since si Kuya Kieran ay nasa abroad.

I don't want to celebrate my personal holidays with Kielo anymore.

Lillium MistakeWhere stories live. Discover now