Kabanata 29

149 14 2
                                    

"Baliw na ba si Zairon? Sinasabi pa niyang bakla ang ama ni Kahel sa mga kaibigan niya. Eh mga bata iyon! Talagang pagkakatuwaan ang inaanak ko." Ani Kate.

Roxy sighed. "I hate that bitch. Rashiela, sinasabi ko sa'yo. Gumalaw ka na."

We are at Kate's coffee shop right now. I took an early out at work because I feel like burning out. I don't know, after what I watched yesterday, parang ang bigat sa dibdib.

Hindi kami natuloy kahapon ni Kahel sa Skyranch. Ipinasyal siya ngayon ni Nesrin sa Mall.

"Bad idea pa rin ang suggestion mo." I rolled my eyes at Roxy as I sipped on my coffee.

"I agree. Wala ka dito Roxy noong nasaksihan namin kung paano magmakaawa si Rass. Ang sarap ibalibag ni Kielo noon." Kate said.

Roxy rolled her eyes habang nilalantakan ang cheesecake. "Wala ka din noong nasaksihan ko ang landian nila mula elementary hanggang high school. Naniniwala akong first love never dies."

I sighed heavily. "I am here to relax, girls."

Natahimik silang dalawa at tumanaw sa overlooking view ng Taal lake. Medyo tanaw kasi dito dahil nasa upper land ang location ng coffee shop ni Kate.

"If you want to relax. Let's go for a night out mamaya." Ngisi ni Roxy.

Kate grinned. "That's a great idea."

Umiling ako. "You know that Kahel is with me during weekdays at may work ako bukas."

Umirap silang dalawa. "Edi patulugin mo muna and you are the boss, Rashiela. Simula noong nagtake over ka ang hard mo na sa sarili mo."

Kate nodded. "Nandyan naman si Tita Mika and Nesrin to take care of your son. Let's go na! I think you need to get laid."

Natawa si Roxy. "Oo nga, girl. Kailan ba ang huling dilig mo?"

Namula ako. "Shut up."

"Oh, don't tell me na never kang nadiligan after mo manganak? You are single, Rashiela!" Roxy groaned. Kate laughed also.

Inilibot ko ang paningin sa buong coffee shop dahil ang ingay nila!

"You really need a boost tonight."

Huminga ako ng malalim. "Fine. Let's grab a drink tonight but no talking about sex life. Gosh, 'yang bibig mo Roxanne, wala pa ring filter."

Natawa silang dalawa at nagkasundo kaming iyong sasakyan nalang ni Kate ang dalhin. They will fetch me around nine dahil papatulugin ko ang anak ko ng 8pm.

When I got home. Nakita ko si Nesrin sa may sala nanonood ng TV.

"Si Kahel?"

"Nasa taas, sa kwarto niyo."

I nodded. "Kinukulit ka pa rin ni Zon?"

Napaayos ito ng upo at tumikhim. "H-hindi naman na masyado."

"Asus, Nesrin. Nahulog ka na! Baka ikaw na ang sunod na ikasal."

Namula ito at binato ako ng unan. "Ate, yuck! Never akong mag-aasawa!"

"Oo nalang." I laughed.

I knew it. She has feelings for him already. Jusko, magiging bayaw ko pa yata ang lokong Zon 'yon.

I was smirking while going up the stairs ngunit napakunot ang aking noo nang marinig ang mahihinang hagikhik ni Kahel.

Nakaawang ang aking kwarto kaya't sumilip ako.

Mag-isa ang anak ko at nakatuon ang atensyon sa harapan.

The television is on, an old familiar camera is wired while a video is playing.

Lillium MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon