"How would you know if a person is the right person for you?"
Yan yung question ng prof namin na naging assignment kasi naubusan sya ng oras sa pagtuturo.
Nandito ako ngayon sa cafeteria, waiting kila Jhoana. Since lumabas kami sa classroom, yung tanong ni Sir yung nasa isip ko.
Pano mo nga ba masasabi na yung isang tao ay tamang tao para sayo?
"Kamusta sa Pacific Ocean?" Napatingin ako sa nagsalita. Si Colet pala. "Ang lalim ng iniisip mo, baka malunod ka." Dagdag nya pa pagkatapos ay umupo sa tabi ko.
Hinampas ko sya sa braso ng mahina and playfully rolled my eyes to her. "Ewan ko sayo." Sagot ko.
Colet is one of my closest friend. Mabait naman sya sadyang habulin lang ng gulo dahil mainitin ang ulo and prangka kung magsalita. Some students are actually afraid of her but of course, walang epekto sakin yung pagiging masungit nya dahil sanay na ako sa kanya and she never showed a bad attitude towards me.
"Pero seryoso, ano nasa isip mo?" Seryoso nyang tanong.
"Ikaw." Pabiro kong sabi. Nakita ko kung pano nagbago yung itsura nya. Hindi ko maintindihan yung expression nya. Mixed of confusion and surprise.
"Ha?" She muttered. Natawa naman ako sa expression nya. "Joke lng. Yung mukha mo di maipinta. Don't tell me kinikilig ka?" Dagdag pang-aasar ko pa.
"Shut up. And no, hindi ako kinikilig. Asa ka." Sabi nya defensively. Tumawa lang ako ng malakas dahil kita ko yung pamumula ng pisngi at tenga nya.
Cute!
"Iniisip ko lang yung assignment ni Sir Enrique." Sabi ko pagtapos kong tumawa. "Ang tanong nya kasi, "How would you know if a person is the right person for you?" Hindi ko masagot kasi hindi ko alam yung sagot." Nakatingin lang sya sakin the whole time.
"Ikaw ba? Ano sa tingin mo yung sagot?" I asked that snap her from her thought. She diverted her eyes away from me. She looks like she's coming up with an answer.
"Each people have their own perspective and preference about their right person, pero sakin, right person is someone na you're comfortable to be with. Kahit late night talk pa yan about random topics, they are willing to listen and to engage. You can be vulnerable around them cause you know they will not judge you or invalidate you. Someone na kahit makita mo lang is enough for you to go on..."
My heart skipped a beat hearing her thoughts about my inquiry. It's not about her answer but it is about how she says it. Full of passion and sincerity.
"Na kahit na alam mo sa sarili mo na that person can never be yours ay okay lang kasi at least you have bond and connection with them that can somehow filled the void inside you." She said those words looking directly to my eyes without even breaking it.
"That's my opinion. Ikaw na bahala if ilalagay mo sa assignment mo yun." Sabi nya after a long pause.
"Tapatin mo nga ako Colet.." I put my hand on her cheeks and stare directly to her eyes. "In love ka ba?"
Gulat at may halong takot at kaba ang nakikita ko sa mga mata nya. I stared at her for a long time before Jhoana and others break it.
"Bakit naman may ganitong eksena dito?" Pabirong sabi ni Stacey.
"Hoy Maloi, wag mong pisilin mukha ni Colet. Baka maging lalong kamukha nyan si Anger." Gwen said. I removed my hand from Colet's face.
"Baliw." Colet hissed to Gwen and glare at her.
Hindi na natuloy ung conversation namin ni Colet dahil sa mga kaibigan namin.
*****
"May maghahatid sayo?" Tanong sakin ni Colet. Nandito kami ngayon sa waiting shed malapit sa parking lot ng school.