When did you realise na mahal mo ang isang tao?
First meeting ba?
First smile ba?
First meal ba?
First conversation ba?
Or first heartbreak and first experience of loneliness?
Ako kasi, narealize ko na noong wala siya. Noong bumitaw na siya.
Naiwan ako ngayon sa parking lot habang pinapanood ko yung kotse ni Gwen na palayo ng palayo.
Akala ko, kapag hindi na ako tumutol sa kasal, mapaparamdam ko na sa kanya na mahal ko na siya.
Akala ko, makakabawi na ako sa lahat ng mga pagkukulang, mga pananakit ko sa kanya.
Akala ko lang pala.
When my dad handed me to her kanina sa may altar, handa na akong hawakan yung mga kamay niya pero nasaktan ako nung hindi niya kinuha.
Nasaktan ako ng makita kong wala ng buhay ang mga mata niya na nakatingin sakin. The love and tenderness of her gaze that she always use to look at me is gone.
Nasaktan ako nung bigla niyang sabihin na hindi niya kayang ituloy yung kasalan at pinapakawalan na niya ako.
Pero mas nasaktan ako kasi alam ko ako din yung dahilan bakit siya nasasaktan.
"You're crying?" Napatingin ako sa likuran ko. I saw Stacey standing not far from me. She looks at me na para bang naiinis siya.
"You're fucking crying after what you did to her?!" Dagdag niya. Pumikit ako para pigilan sana yung luha ko pero wala rin silbi. Umiiyak parin ako.
"I'm sorry Stacey.. I really am." Humikbi kong sabi then tumingin sa kanya.
"Wala kang karapatang umiyak Sheena. Pagkatapos mong saktan, pagsalitaan ng masasakit na salita si Gwen, pagkatapos mong yukaran yung pagkatao niya tapos ngayon iiyak ka!" Stacey said in frustration.
"I said I'm sorry. Alam kong nasaktan ko siya." Pag-amin ko. "I realized too late na mahal ko na pala siya."
Lumapit sakin si Stacey. Nakita ko si Jhoana na parating. "Hindi ko alam ano nakita sayo ni Gwen. Hindi ko alam bakit siya nagpakatanga sayo. Ngayon na mahal mo na rin siya, sana masaktan ka sa alaala na binitawan ka na ni Gwen. Na yung taong walang ibang ginawa kundi mahalin ka, napagod na ipaglaban ka." Madiing sabi ni Stacey.
"Stacks!" Tawag ni Jhoana sa kanya. "Hon, just leave Sheena. I know you care so much about Gwen but we have no right so meddle with their affair." Sabi ni Jho sabay hila palayo kay Stacey.
Iniwan na nila ako dito sa parking lot. Dahil sa sobrang pag-iyak ko, napaupo na ako sa lupa at umiyak ng malakas. Hinahampas ko na yung dibdib ko dahil hindi na ako makahinga ng maayos dahil sa bigat ng nararamdaman ko.
"Shee.." tumingin ako sa nagsalita at si ate Maloi yun. Niyakap niya ako kaya mas lalo akong naiyak.
"Ang sakit ate... sobrang sakit. A..alam kong n..nasaktan ko siya. G..gusto kong m..magsorry pero a..ayaw na niya s.. sakin." Putol-putol kong sabi kasabay ng paghikbi at pag-iyak ko.
Dahil sa sobrang pagod ko at sa sobrang pag-iyak, biglang nagdilim ang paningin ko.
*******
Nandito ako sa kuwarto ng bahay namin ni Gwen. Sinubukan kong tawagan siya at imessage pero hindi siya sumasagot at nagrereply.
Nakapagpalit na ako ng damit pambahay at hindi na ako naka-gown. Pumunta ako sa kusina para kumuha ng wine bottle. I want to drown myself into alcohol.
Umupo ako sa tabi ng ref habang tinutungga yung bote ng wine. A memory of me in the kitchen flash in my head.