Hindi ko alam kung paano ko sisimulan, ilalarawan, sasabihin yung nararamdaman ko ngayon pero ang masasabi ko lang...
Sobrang sakit na.
Hindi ko din alam kung paano nagsimula lahat ng bagay sakit, pagod, kirot, lungkot at pighati na nararamdaman ko ngayon.
Hindi ko alam kung kailan nagsimula na magtanong ako sa sarili ko na may kulang ba ako?
May mali ba sakin?
Hindi ba ako naging sapat?
You know what's the worst feeling ever? The most painful thing a person can do to you?
It's the fact that the person you trusted, the person who knows all your pain, all your bad past, all your trauma, knows all your fear decided to betray you. To hurt you.
Gusto ko malaman kung saang parte ng storya natin nagsimula. Saan nagsimula na sabihin mo, na isipin mo na hindi na ako sapat?
Pinangako natin sa isa't-isa, sa altar, na tayong dalawa pang habang buhay. Na tayo lang sapat na.
Gusto kong malaman kung saang parte ng kuwento ng pagmamahalan natin pumasok yung pahina na ang laman ay ang mga salitang "Hindi na kita mahal gaya ng dati"?
Ang sabi mo sakin araw-araw mo akong liligawan at mamahalin. Na ang tanging gusto mo lang ay sa bawat pagdilat ng iyong mga mata ay ako agad and gusto mong makita. Na sa bawat gabi bago matulog ako yung katabi.
Iniisip ko, kung saan nagsimula na nakayanan mo akong nakikitang nasasaktan at umiiyak?
Nasaan na yung mga pangako mo noon na hinding-hindi mo ako sasaktan at hahayaang umiyak?
Mahal,
Kailan pa? Kailan mo pa ako sinimulan na lokohin?
Bakit mo sinayang yung halos walong taon nating magkasama? Bakit mo hinayaan na lahat ng bagay na plinano natin, lahat ng pangarap natin ay masayang at mawala ng parang bula?
Umiyak ako mahal, umiiyak ako mahal. Hindi mo na ba talaga ako mahal?
Hindi mo na ba talaga ako kayang tignan gaya ng pagtingin mo sakin nung unang beses mong sinabi sakin na mahal mo ako?
Hindi mo na ba ako kayang alagaan at mahalin gaya ng lagi mong ginagawa sakin noon?
Wala na ba talaga?
Ganun na lang ba yun?
Bakit mo ako nagawang lokohin mahal?
Sa tuwing magkatabi tayo sa pagtulog, siya yung nasa isip mo. Siya yung hinihiling na katabi mo.
Ako yung nasa tabi mo, ako yung kayakap mo, ako yung nag-aalaga sayo, ako yung nagmamahal sayo pero isip mo ay hindi ako.
Minsan nagsisisi ako na binigyan ako ng pusong mapagmahal at maunawiin. Having this kind of heart only cause me pain.
Ang sakit na sobra mahal. Sobra na.
Gabi gabi akong natutulog na puro luha ang mga unan ko. Lagi akong humihiling na sana sa susunod na magkatabi tayo matulog ulit, maririnig ko ang mga salitang "mahal kita" mula sayo.
Pero alam mo mahal, I want to be honest with you.
I want to hate you
I want to be angry with you