Chapter Four - The Lost City of Tideborn

11 0 0
                                    

.....Tideborn Race.....isang nilalang ng Perfect World na kabilang sa lahi ng Mermaid o Sirena. Na trap ang lahi nila ng isang 1000 years of storm barrier kung kaya walang nakaka alam kung saan sa eksakto sa  mapa ng Perfect World ang kanilang isla.

Ang karagatan malapit sa Tideborn City ay naging bangungot sa mga barkong manlalakbay dahil sa malakas na unos na bagyo sa areang iyon.Maraming mga kargo na ginto mga sandata at kayaman ang nawala at naglaho kung kaya ang mga haunted na mga sikretong kweba at mga lagusan ay naging dungeon quest para may nais magkamit ng di masusukat na kayaman at kapangyarihan ngunit ang mga kaluluwa ng mga pumanaw at kasama rin nito.....

Excerpts of Story of Perfect World Deleted Character ---A Memory

Ang Siyudad ng Umaalimpuyong Alon

Sa isang madilim na gabi, saksi ang kakaiba at mabituin na langit na napupuno ng makikislap na mga kulay at mist na ulap....makikita ang isang maliksing Assassin na balot ng itim na mask ang bibig ,,,may hawak itong matalim na punyal, samantalang ang mga tumatakbong mga paa ay ni wala man lamang maririning na kahit anong ingay,,, bigla, sa ilalim ng mabituin na gabi sinugod nito ang isang nilalang mula sa itaas ,sing bilis ng alon na dumapo sa leeg nito ang napakatalim ng punyal,,,at napawi ang buhay nito na wala man lamang nasabing anuman....
.
.
Para sa isang nilalang na palaging naka apak ang mga paa nito sa hukay sa araw araw nitong buhay ,,, walang halaga para rito ang awa o takot, tiwala at maging ---pag ibig,,, tanging layon lamang ay manatiling mabuhay....
.
.
Bata pa lamang ay kinuha na si Zack mula sa kaniyang mga magulang ,,,, hindi maharlika o noble ang lahing pinagmulan nito, isang mababang uri lamang na mangingisda na kabilang sa lahi ng Tideborn ang kanyang pamilya....sa lugar na ito ay walang kang alyansang maaring pagkatiwalaan ,,,walang pamahalanang ikaw ay proprotektahan, walang pamilyang mahihingian,tanging ang sarili mo lamang ang masasandalan...ang mataas na ulap ng kalangitan ay hindi kalayaan...sapagkat ang paligid ay walang hanggang kulungan...nababalot ng bumabagyong kaulapan ng mga kulog at ulan na hindi na tumitigil kailan man at nalilibutan ng rumaragasang karagatan na ang lawak ay pang walang hanggan...
.
.
Sa musmos na kaisipan at pangangatawan ay namulat si Zack sa pangangalaga na Master na Tagapaslang na si Tebes...iminulat niya ang bata na si Zack sa tunay na hirap at hamon ng buhay,,,kasama ng iba pang mga batang paslit na sinanay sa labanan ,,, sila ang naging mga mamamatay taong taga paslang ng Tideborn race....
.
.
Puno ng mga magnanakaw at mga halimaw ang lugar na iyon...walang pamilihan ...walang magsasaka o pagamutan man lamang....pawang may kapangyarihan lamang ang nagtatamasa,,,,,,,,,
nabubuhay sa laman ng isat isa....kung kayat ang mga assassin ay kanilang kinukuha...upang gawing sandata ng makapangyarihang pamilya o guild at siluin ang nais na gawing biktima ...ito ang sistema ng mundong napahiwalay sa biyaya....napahiwalay sa tanang nilikha ...

Napapalibutan ang lugar na iyon ng mga dambulang mga dahon ng water lilies at makukulay ang mga talulot .......mabilis na tumalon si Zack pataas sa mga dahon nito habang hinahabol ng mga kasamahang Tagapaslang nang napatay niyang biktima...hawak hawak niya ang mga supot ng ginintuang baryang galing dito,,,lumilipad ang kanyang itim na kasuutan sa hangin samantalang mga matatalim na punyal ang humahabol sa kanyang likuran....gamit ang kakayahan sa Stealth ay nagawa niyang mapaging invisible ang sarli kasabay sa pagkubli niya sa mga makakapal na mga dahon ng halaman...pumasok siya sa isang madawag na kagubatan at tumalon paitaas sa mabanging na mga sanga ng mga itim na puno duon...
.
.
.
.
Sa ibaba ng isang matarik na bangin natatanaw ang mga damuhang parang at mga kulay orange na mga punongkahoy. ..... pumapalibot ito sa madilim na kapatagan at talaga namang nakakatuwang pagpasdan ang matitingkad at nag liliwanag na mga kulay nito dahil sa mga mist at bioluminense ng mga malalaking dahon na mga halamang yon...

...payapang nakatanaw ang prinsesang si Lyca,,, nagpapalipas ng sama ng loob sa kanyang ama...habang tangan ang malamlam na ilawang lampara sa kanyang mga kamay....

Song of lLuna -A Perfect World Deleted Character Where stories live. Discover now