Chapter Five - yes Guild Warz itoh...

9 0 0
                                    

I thought it was just a normal day but something explosive happen!!!

Nagsimula ang battle of guild para sa territory...

Para ito sa kasikatan ng Guild.

Malaki ang mga premyong gold coins at sikat ang grupo sa buong community.

Ang goal ng guild war ay mapabagsak ang tore ng iyong kalaban.

Lulusob ang Guild A papunta sa Base ng Guild B at ganon din ang sa paning ng kabilang kalaban.

Blue team ang bandilang hawak ni Master Richkid, Red ang nasa kabila.

Nakahanda ang mga cleric priest ng Guild sa pag cast ng support buff spells para palakasin ang bawat miyembrong kasapi ng squardron na pinapangunahan ng mga Beastkind sa frontline at mga Blademaster na sinusundan ng mga Mages ,Venomancer, Pychics at mga Elf Archers.

Nagreport na ang mga Assasin ng Shinobi clan na nagsilbing reconnaissance at taga vision sa posisyon ng mga kalaban gamit ang stealth at invisibility.

Si Master Luo ang leader ng Black Castle Rock ay nakasuot ng Itim na baluting gawa sa titanum alloy ang nangunguna kasama ang kanyang mga alagad na may malalakas na sandatang napapalibutan ng itim na aura.

Nagsimulang lumusob ang mga Archer at Mages ng Shinobi Guild sa command ni Nicolai at Ryuji habang nasa ilalim ng allied tower turret...

Umulan ng mga fireball at palaso sa gitna ng battlefield habang ang mga cleric ng Black Castle Rock at ng cast ng shield barrier sa kanila mga kasama, kasabay ng mga pagtira ng black psionic waves bilang kanilang counter attack.

Nagkakagulo na ng mga panahong iyon kasabay ang palitan ng mga espadahan ng mga Blade Master sa panig ng Shinobi at Black Castle Rock at walang tumitigil sa kanila hanggat walang napapatumbang katunggali...

"Sumuko na kayo Shinobi clan!" wika ni Master Luo habang hinihiwa ng Giant Axe ang ilang mga Elf Archers at Mage ng Shinobi Team...

"Sa amin ang tagumpay at ang teritoryong ito hahhaaha!" dagdag pa ng mabagsik na leader.

Sumugod si Master RichKid gamit ang Golden Lion Sword para ipagtanggol ang kanyang mga kasamahan.

"Mga Venomancers ,gamitin ninyo ang mga alagang Rock Golem para magsilbing pader sa ating hanay ...dali!!" utos ni Master RichKid bilang battle strategy.

Mula sa damuhan at umangat ang mga batong katawan ng mga Golem sa utos ng mga Venomancers at isang pader ang nabuo.

Abala ang Medic Team para hilumin at i heal ang sugatang members kabilang sila Vinewhip, Naomi at ibang cleric.

Buong pwersang nagbato ng mga fire magic ang mga Mage ng BlackCastle Rock para sirain ang harang na Rock Golems subalit maatungal na Beastkind ang sumalubong sa mga apoy sa katauhan ni Crybaby, bahagyan nasunog ang puting balahido niya sa likod ng metal armor.

Sa gitna ng labanan ay tuloy pa rin ang palitan ng sandata sila RichKid at Master Luo. Tumulong na rin si Crybaby para pabagsakin ang black leader ng Castle Rock, subalit matibay pa rin ito kahit pa sumusupota ng pag pana ng mga arrow mula sa likod ang Archer na si Ryuji.

Isang talisman Brand of Flames ang tila mga barahang na pinalipad ni Nicolai sa ere at unti unting tumaas ang damage sa ubod tigas at tibay na armor ni Master Luo habang nakikipag palitan ng blade attacks kila Master RichKid at sa tigreng si Crybaby.

"Wala na kayong magagawa sa tibay ng aming Guild!!! hahaha" sigaw ni Master Luo...samantalang naglalaban ang mga pwersa ng Shinobi at Castle Rock sa paligid.

Tila baliw na naglabas ng blast ng itim na aura hawak ang Giant Axe upang ipatama sa Element Mage na Nicolai na nasa malayo.

Subalit isang green na stun arrow at kumawala sa pana ni Ryuji at tumama ito sa balikat ng black leader.

Mula sa kanyang likuran ay tila mabilis na hangin na umigtad si Tituboy mula sa ere gamit ang stealth mode...

"Green Poison Slaaashh...!!" pa bekeng entrada at sommersault ni Tituboy hawak ang kanyang assasin type na kutsilyo with extra 100% critcal bonus stats.

"Hindeee!!" na shock na tugon ni Master Luo habang nagliwanag ang kanyang katawan pabalik sa DarkCastle Base at naging zero ang kanyang Hp.

Naluloka itong pinaghahampas ang mga cleric na nasa kanilang Base. Galit at patakbong bumabalik sa battle area.

Samantala sa command center ng Shinobi... ang chikadorang si Tituboy ay rumerepeka ang boses na nagsalita sa intercom...

"Okay girls, you know the drill na ha?? It's time to make awra awra " sabay kindat ni Tituboy na ikinabulon ng mga blademasters na miyembro sa paligid.

Song of lLuna -A Perfect World Deleted Character Where stories live. Discover now