Chapter #8

227 8 4
                                    


Senna's P.O.V

Natigil at napalingon ako sa cellphone ko nang marinig ko ang pag-ring nito. Napangiti ako na si Sayner ang nag-vi-video call. Kaagad kong tinanggap ang video call ng anghel ko.

"Mommy!" agad na bungad ni Sayner.

Kinuha ko sa drawer ang stand ng cellphone ko saka ipinatong ang phone ko at inilagay sa part kung saan maayos akong nakikita ng anak ko.

"How is my babies?" malawak at malambing kong tanong sa kausap ko.

Nasa living room siya at mukhang nag-aaral. Wala na silang pasok at bakasyon na sila. After a month, muli silang magsisimula ng klase. Kailangan ko pala silang makausap tungkol sa kanilang pag-aaral. Kailangan kong itanong kung homeschool pa rin ba ang kukunin nila. Gusto ko rin namang ma-experience na pumasok sila sa totoong paaralan.

"We are fine, mommy!" agad na sagot ni Sayner.

Gumalaw ang camera at itinapat niya ito sa kaniyang Kuya Zayan.

"Kuya is busy, mommy." tila pagsusumbong ni Sayner.

Napangiti naman ako ulit. Busy sa pagbabasa ng libro si Zayan.

Tila napansin niyang mayr'ong nakatutok sa kaniya kaya hinawi niya ang libro at tumingin. Agad siyang bumangon at lumapit nang makita ako. Ngumiti siya pero napalitan ng pagkakunot-noo. Tiningnan ko ang kaniyang tinitingnan. Nakatingin siya sa mga tambak na folder sa gilid ko.

"You have so many things to do?" kunot-noong wika niya na tila hindi niya nagugustuhan ang nasa tabi ko.

"Oo nga! Need mo po ba ng help, mommy? Gusto mo po bang pumunta kami riyan ni Kuya? Tutulungan ka po namin." malambing na segunda ni Sayner.

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti sa kanilang dalawa. I am really blessed to have them. Araw-araw kong pinagpapasalamat sa itaas dahil binigay niya sa akin ang dalawang anghel na ito. Nawala man ang aking ina, at malas man ako sa buhay pag-ibig, subalit naging suwerte naman ako sa anak. Kung ano ang nawala sa akin, silang dalawa ang pumuna no'n sa akin. Pakiramdam ko walang nawala sa akin. Kaya handa akong gawin ang lahat para sa kanila. Kung kinakailangan kong protektahan sila mula sa kanilang ama ay gagawin ko.

"Speaking of, Uncle Ninong is not your boss now." Tinutukoy niya ay si Sir Aguinaldo. "Who is your current boss, mommy? Is he there?" curious na tanong bigla ni Sayner.

Napansin kong magkatabi na ang magkapatid. Pareho na silang nakatapat sa camera.

"Him, right?" seryosong sambit naman ni Zayan na ikinalingon ko sa kaniya.

Seryoso siyang nakatingin sa akin. Bigla namang lumingon kay Zayan si Sayner. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Sayner habang nakatingin sa Kuya niya. Nang ma-realize ni Sayner kung ano at sino ang tinutukoy ni Zayan, marahan siyang tumingin din sa akin, but this time, his face is same as Zayan.

Lihim na napalunok ako sa dalawang batang kausap ko. Kapag ganito ang mood nila ay matakot ka na. Huwag mong susubukang magsinungaling sa harap nila.

Sanay ako sa seryosong mukha ng panganay ko, pero iba na kapag si Sayner. Kaya ni Sayner na maging katulad ng Kuya niya.

"Yes, he is." sagot ko.

Napangiti ako dahil sabay na nagtaas ang kanilang mga kilay.

"Ufff! Hindi na kami puwedeng pumunta riyan. I can't visit Uncle Ninong's company anymore." nawala na ang pagiging seryoso ni Sayner, napalitan na ito ng lungkot.

Sanay na pumupunta rito ang kambal. Katunayan ay halos dito na rin sila lumaki. Noong mga bata pa sila ay lagi ko silang kasama rito. Nakalagay lang sila sa crib na nasa tabi ko lang. Parang naging pangalawang bahay na nila ang kompanya ni Sir Aguinaldo.

Taming The Mother of my Twins (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon